Noraisa's Pov "Mukang maganda ang gising mo Iha?" Nakangiting saad ni lord Gabriel sakin habang nag lalakad kami sa garden. Natingin ako sa bintana ng kwarto ni Master Chandler, wala ito ngayon. Ito ang unang beses na hindi nya kami binantayan ng lolo nya. "Sa tingin ko po may tiwala na si Master Chandler sakin." Nakangiting saad ko dito. "Masaya ako para sayo iha, sabi ko naman sayo at makukuha mo din ang tiwala ni Chandler." Nkangiting saad nito at tinapik ang balikat ko. "Sana nga po ay mag tuloy-tuloy na." Nakangiting saad ko dito. "Sana, pero kung sakaling may hindi na naman kayo pag kakaunawaang dalawa, huwag mo syang sukuan ah. Simula ng dumating ka sa mansion malaki na ang pinag bago nila. Maraming salamat iha, ngayon ko na nauunawaan ang lahat, kung bakit tayo pinag tagpo

