Noraisa's Pov (Bago mag kita si EROS AND NORAISA) After ng duty ko kay lord Gabriel ay pumunta na ako ng kwarto para mag pahinga, laking gulat ko pag pasok ko ng makita si Master Chandler na nakatayo sa tapat ng binta kung nasan naka display sa ibabaw ng table yung tulips na binigay nya sakin. "M-May kailangan po ba kayo Master Chandler?" Nauutal na tanong ko dito. "Sumama ka sakin, may ibibigay ako sayo." Saad nito at nag lakad na palabas ng kwarto ko. Huminga ako ng malalim bago sumunod dito. Hindi ko mapigilang hindi kabahan, paano kung hindi na naman kami mag kaunawaang dalawa? Habang patuloy akong nakasunod dito ay puro pag buntong hininga ang ginagawa ko. Tumigil kami sa tapat ng elevator nya, napalunok ako dahil alam kong sa kwarto nya ang punta namin. Pag bukas ng elevator

