Noraisa's Pov "Wala pa ba ang Master Chandler nyo?" Tanong ni lord Gabriel samin. Naka ready na kasi ang dinner at si Master Chandler nalang ang hinihintay. "Baka po mali-late ng uwi, kumain na po tayo." Saad ni Master Ayden. "Nandito na po ako." Saad ng kadarating lang na si Master Chanlder, hindi ito nag iisa dahil kasama nito si Miss Kaelyn. Nag mano ang dalawa kay lord Gabriel bago umupo sa hapag kainan. "Mukang napapadalas ang pag bisita mo dito Kaelyn, kayo na ba ng Kuya ko?" Tanong nI Master Ayden dito kaya hindi ko mapigilan na hindi mapatingin kay Master Chandler. "Okey lang naman kami ng Kuya mo, wag ka mashadong excited Ayden. Nandito talaga ako para huminge ng apology kay Noraisa dahil sa inasta ko nung huling punta ko dito." Saad ni Ms.Kaelyn sabay tingin sakin. "So

