For the second and the last time, today is the day. Our happy days seemed to happen so fast na hindi ko napansin na ngayon na pala ang araw na ito. Ni hindi ko manlang nga naisip na papalapit na ang duel dahil sa saya na dala ng pagdating nina Mia, Yza, James, Zeke and Athena na kahit papaano ay naging malapit na rin sa akin. I groaned lightly nang maramdaman ko ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi basta sigurado ako na umaga na iyon. Uminom kasi kami kagabi habang naglalaro ng drunk uno, syempre pasimo na naman si Mia na siya talagang walang awa na nagbuhos ng alak sa mismong bibig ko. Sinilip ko ang orasan at nakita na malapit nang mag ala-1 ng hapon. 'Jusko wala manlang may gumising sa akin' mabigat ang katawan na tuluyan na akong bumangon mula sa

