"Oi! ang daya mo! Ikaw dapat ang nakatoka na maghugas ng pinggan!" gigil na sabi ni Mia kay James na pasimple pa sanang lalabas ng dining room. Kakamot-kamot itong humarap sa kaniya at napipilitang tinungo ang tambak na mga pinggan. "Tss!" narinig ko pang inis na palatak nito. Napansin ko naman ang lihim na ngiti ni Mia nang walang magawa si James kundi sundin ang gusto niya. Nako, mukhang nakikita ko na yata ang future ni James sa kamay ni Mia. Lumapit ako sa kaniya at mahinang binunggo ang balikat ko sa likod niya. "Naks, training na ba iyan?" natatawang kumento ko. Her cheeks burned sabay iwas ng tingin sa akin. "Anong training? ew!" nandidiring sabi niya with matching nginig pa talaga. Asus, kung may pustahan lang siguro kung totoo bang magkakatuluyan silang dalawa ni James ay ma

