"Hindi ka gutom. Ang pagiging gutom ay gawa-gawa lamang ng iluminati," iyan ang kanina ko pa sinasabi sa sarili ko para makalimutan ang gutom na nararamdaman ko. Pasado alas nuebe na ng gabi at hindi pa ako kumakain simula kaning umaga. Pagkatapos naming magharap kanina ni King ay hindi na ulit ako lumabas ng kwarto. Mahirap na at baka makasalubong ko na naman ang Demonyo na iyon at mas lalo lang kumulo ang dugo ko. Pakiramdam ko hindi tatagal ay magkakaroon ako ng highblood dahil sa kaniya.
Impit akong napangiwi nang kumulo na naman ang tiyan ko na sinamahan ng kaunting sakit. Kanina ko pa pinagtitiisan ang mga chichirya at iba pang snacks dito pero hindi talaga ma-solve ang busog na nararamdaman ko.
"Ah! Hindi ko na kaya!" parang mababaliw na sabi ko at asar na ginulo ang buhok ko. I am so very tempted to go out and look for food pero ayoko talaga na makita si King.
'What if iwasan ko na lang siya?' natigilan ako sa naisip. Sabagay, sa laki ng lugar na ito ay marahil hindi ko naman siya makikita. Hindi ko alam kung saan siya tumatambay ngayon. Hindi naman ako nag-abalang alamin kung saan ang kwarto niya.
Tama! Kesa naman tiisan ko ang gutom ko ay iiwasan ko na lang siya! Excited akong tumayo at dumeretso sa pinto. Maingat ko iyong pinihit para hindi lumikha ng ingay. Sumilip muna ako sa magkabilang side para manigurado, baka naman ay trip niya na tumambay sa mismong labas ng kwarto ko para abangan ako.
I smiled to myself when I saw no life outside the door. Tuluyan na akong lumabas at sinarado ang pinto sa likod ko.
'Now, aside sa iwasan ko si King ay kailangan ko din hanapin kung nasaan dito ang kusina. Kung kusina din ba ang tawag nila sa ganoong parte ng bahay' napailing ako sa sarili and decided to go on the opposite side kung saan ako dumaan kanina. Hindi ko pa na-explore ang parte ng mansion na ito so I guess malaki ang posibilidad na nandito ang kusina. Kagaya ng kabilang parte ay puno din ng mga paintings ang dingding na si Alessandro ang may gawa. Napatigil ako sa paglalakad at umatras pabalik sa isang painting na umagaw ng atensyon ko. It is a painting of a small little girl smiling. Base sa posisyon niya at mukha siyang nagpapaalam.
"Heto na naman po tayo sa pamilyar pero hindi ko naman kilala sino," mahinang sabi ko sa sarili at ipinagkibit balikat na lang ang painting. Sasakit lang ang ulo ko kakaisip kung bakit pamilyar sa akin ang ilan sa mga gawa ng kung sino mang Pontio Pilato si Alessandro. Nahihilo na nga ako sa gutom eh tapos gagamitin ko pa ang natitira kong energy to push my neurons to think? ASA.
Ilang minuto din akong nawala hanggang sa mabuksan ko ang isang pinto which lead me to the dining room. "Wow!" amazed na usal ko when I saw the place. Bigla akong na-conscious gumalaw dahil halos lahat ng gamit dito ay gawa sa babasagin. Isang Bilyon na nga ang utang ko sa kaniya, dadagdagan ko pa?
'Well, technically hindi ko naman talaga utang iyon. Siya lang naman ang ewan na gumastos ng isang bilyon' I shook my head to remove that thought. Ayaw ko nang maalala ang gabing iyon. I sighed at maingat na dumeretso sa refrigerator at binuksan iyon. Tingin pa lang ay busog na ang mata ko nang makita ang ilang klase ng pagkain na may takip lang ng plastic sa taas.
"Ay ang gara. Maypa lasagna pa!" tuwang sambit ko at nilabas iyon. Syempre this is my favorite!
Kumuha ako ng maliit na platito and sliced a piece of lasagna. Ininit ko muna iyon sa microwave para naman hindi manibago ang tiyan ko sa lamig lalo na at wala pang maayos na laman ang tiyan ko. Mamaya ay baka sumakit. I set the microwave to 1 minute. Habang hinihintay ko na matapos mainit ang pagkain ko ay tumingin ako sa iba pang pagkain pero wala na akong nagustuhan, so I stick with lasagna.
"I thought you are never gonna eat," malakas akong napapitlag nang bigla na lamang may magsalita sa likod ko. Tamang-tama naman na sumabay din ang tunog ng microwave nang magsalita si King sa likod ko kaya ganoon na lang ang gulat na naramdaman ko.
"Naknamputcha naman eh!" humugot ako ng malalim na hininga at sinapo ang dibdib kong sobrang bilis ng kabog dahil sa gulat. "Pusa ka ba?" nanlalaki ang matang anas ko sa kaniya.
"No," matigas at walang emosyong sabi niya.
Ang boring naman ng lalaking ito. Hindi alam ang joke.
I twitched my lips at minasahe ang dibdib ko. "Bigla na lang sumusulpot. Lahing kabute siguro ito," mahinang sabi ko sa sarili at kinuha ang lasagna na ininit ko sa loob ng microwave. Hindi na ako nag-abalang kumuha ng tubig dahil meron namang dispenser doon sa loob ng kwarto ko. Akmang lalampasan ko lang siya nang natigilan ako.
'Where is your manners, Aela?' I scolded myself at awkward na nilingon si King na taimtim lang na nakatingin sa akin at inoobserbahan ako.
"Kain tayo," aya ko sa kaniya at tuluyan nang umalis. Nasa bandang pinto ako nang hawakan niya ang braso ko at hinila ako pabalik.
"Uy! Teka! Ang lasagna ko!" tili ko nang muntik nang bumaligtad ang platito na hawak ko nang bigla nalamang niya akong hinila. Pinaghila niya ako ng isang stool at pinaupo doon.
"Stay there," parang aso na utos niya sa akin at binuksan ang refrigerator. He took his own piece of lasagna and heated it in the microwave. Nakangiwing pinanood ko lang siya at hinintay kung ano ang sunod niyang gagawin. Kinuha niya ang lasagna niya sa loob ng microwave nang tumunog iyon at naupo sa harap ko. I immediately took a slice and was about to eat nang natigilan siya at nagtaas ng tingin sa akin.
"Eat," tipid na utos niya sa akin at niyuko ang pagkain. Nag-alangan pa akong sumubo pero ginawa ko rin. Iyon ang sabi niya eh.
"So, gusto mo samahan kitang kumain?" mahinang sabi ko at tinatantya kung susumpungin na naman siya ng katok niya. To my surprise, he simply shrugged his shoulder.
"Yeah. Why?"
Napatango habang nilalaro ang pagkain ko. "Akala ko ako kakainin mo," bulong ko sa sarili. Malay ko ba, baka may lahi din siyang cannibal.
"I can eat you too. If you want to," bigla akong nabulunan sa sinabi niya.
"T-Tubig!" nauubong sabi ko and signed for him to get me water. Agad naman siyang tumalima at kumuha ng tubig. Mabilis kong tinungga ang laman ng baso hanggang sa maramdaman ko na parang wala nang bumabara sa lalamunan ko.
"Huwag ka ngang ganiyan. Mamamatay ako dahil sa iyo eh," dikit ang kilay na sabi ko at tinungga ang natitirang tubig sa baso. Pareho kaming natahimik pagkatapos niyon at kapwa inubos ang pagkain namin.
"Ako na ang maghuhugas," presenta ko. Syempre kailangan din magpa-good shot. Malay natin bigla niya akong pakawalan dahil mabait ako. Oo nga no? Paano kaya kung sundin ko ang lahat ng gusto niya at magpakabait sa kaniya? Papakawalan niya kaya ako kung wala naman kaming problema?
"Of course. You will be the one to wash the dishes," tipid na sabi nito at walang sabi na nauna nang umalis. Nanggigigil na tinaas ko ang kamao ko sa ere habang masama ang tingin sa daang tinahak niya. Nako! Mukhang dito talaga makikita ang pasensya ko.
Gigil na inayos ko na ang pinagkainan namin at hinugasan iyon. Sana makabag siya at hindi makatulog. Pagkatapos kong linisin ang kusina at bumalik na ako sa kwarto ko. Sa sobrang layo ng distansya mula sa kusina papunta sa kwarto ko ay tunaw na ang lahat ng kinain ko pagkatading ko sa kwarto kaya tulog agad ako.
Nagising ako kinabukasan sa malakas na katok mula sa pinto. "Teka!" natatarantang sabi ko at tinalon ang distansya papuntang pinto. Grabe! Pakiramdam ko ay parang humiwalay ang espiritu ko sa katawan ko dahil sa gulat. Pinaka-ayaw ko pa naman na nagugulat ako tuwing bagong gising.
"Wear that." napapikit ako nang may hinagis si King mismong pagkabukas ko ng pinto. Kung hindi lang mabilis ang reflexes ko ay malamang sumapul na sa mukha ko ang paper bag.
"Good Morning din sayo," pilit ang ngiting sabi ko sa kaniya. Mukha naman siyang nagulat dahil napansin ko na natigilan siya saglit at napatitig sa smiling face ko. Of course, kung ganito ba naman kaganda dagdagan pa ng killer smile ang bubungad sa iyo sa umaga ay for sure mapapatitig ka talaga.
"You have some. Ugh-" he looked uncomfortable while pointing on the side of my lips.
"Huh?" kunot noong tanong ko at hinawakan ang gilid ng labi ko. Pakiramdam ko ay napunta ang lahat ng dugo ko sa ulo nang maramdaman kong may tuyong laway ako sa gilid ng labi ko. Napasinghap ako at nanlalaki ang matang tinignan siya na hindi nakatingin sa akin.
"Wala kang nakita!" sigaw ko at agad na sinarado ang pinto. Kung pwede lang akong magpalamon sa lupa ay ginawa ko na sana.
'Juice colored! Ang taas pa ng confidence ko kanina na ngumiti ng malapad tapos may tuyong laway pala ako sa labi!' I groaned in frustration at napatakip ng mukha. Pwede bang maglaho ako kahit once lang?
Ilang minuto din akong nagluksa dahil sa pagkapahiyang naramdaman ko bago huminga ng malalim at napagdesisyunang kalimutan na lang ang nangyari. Isa lang iyong masamang panaginip na kailangang kalimutan.
Malakas akong napaungol at nangisay nang ayaw talaga maalis sa isip ko ang nangyari. "Nakakahiya!" mahinang sabi ko sa sarili at humiga.
"Ay!" agad akong napabangon nang marinig ko ang papel na nayukot. Doon ko lang naalala ang paper bag na bigay sa akin ni King.
"Pahamak ka!" asar na sabi ko at pinaghahampas ang paper bag. "Kung hindi dahil sa iyo ay hindi gagambalain ng demonyong iyon ang masarap kong tulog edi sana hindi ko siya nakita. Hindi pa tuloy ako mapapahiya."
Nang matapos kong saktan ang kawawang paper bag ay sinilip ko ang laman niyon nang ma-curious ako kung ano ang laman. Kinuha ko ang tela na nasa loob at tinignan ang kabuoan niyon. "Swimsuit?" nakangiwing sabi ko. I'm not sure kung ano talaga ang tawag doon pero mas mukha siyang diving suit kesa sa swimsuit.
"Ano namang gagawin ko dito? Wag niyang sabihin na lalangoy kami sa baba? Eh hindi nga abot sa mismong sakong ko ang tubig eh," pagmamaktol ko. As if naman maririnig niya ako.
Napaigtad ako nang marinig ang mahinang katok mula sa labas. "Aela. Are you done?" narinig kong sabi ni King and knocked one more time.
"Teka!" balik na sigaw ko at agad na naghubad at sinuot ang binigay niya na damit. Gaya ng sabi ko, kailangan kong magpa-good vibes sa kaniya para palayain niya ako. Baka deep inside his heart ay ma-touch siya sa kabaitan ko at maisip na hindi ko deserve na ikulong. I smiled with my idea and zipped my suit up.
"Tapos na!" anunsyo ko at dali-daling lumabas. Napasinghap ako at natigilan nang mapagbuksan ko siya ng pinto. He is wearing the same suit like me. Nagulat ako dahil sobrang lapit ng mukha niya because he is leaning on the door frame.
"Let's go," tipid na sabi niya at nauna nang maglakad. Wala akong nagawa kundi sumunod na lang sa kaniya.
"Teka, wala na ba akong kailangang dalhin?" tanong ko at mabilis na sumabay sa lakad niya.
'Tange, may sarili ka bang gamit na dala?' sagot ng kabilang utak ko. Aba! Malay ko ba, baka kailangan ko nang dalhin ang lahat ng tapang ko dahil ngayon na niya tatapusin ang buhay ko. Natigilan ako nang may mapagtanto ako.
"Ipapakain mo ba ako sa mga pating?" namumutlang tanong ko at tumigil sa paglalakad. Hindi makapaniwalang nilingon naman niya ako. The look on his face screams that he thinks of me as stupid. PERO HINDI AKO NAGBIBIRO.
"Why do you think I will wear the same thing as yours if I'll feed you to the sharks?" walang emosyong tanong niya. Napamaang ako at agad na nag-isip. Bakit ngaba? Baka trip niya lang?
"Para twinny tayo?" suhestyon ko. Agad kong nasapo ang noo ko nang pinitik niya iyon. Nanghahaba ang ngusong tinignan ko lang siya na nauna nang maglakad. Ni hindi manlang niya ako inaya.
"Come on," agad akong nabuhayan ng loob at sumunod sa kaniya nang tinawag niya ako.
"So hindi mo ako ipapakain sa mga pating? Eh ano ang gagawin natin? Swimming with the pating?" sunod-sunod na tanong ko pero hindi niya ako sinagot. I frowned and decided to stay quiet. Mahirap na at mapuno siya sa akin at bigwasan niya ako ng wala sa oras. Sira kaagad ang plano kong magpa-good shot if ganoon. Nakabuntot lang ako sa kaniya hanggang makalabas kami ng mansion.
"Wow!" malakas na sambit ko at nilibot ang tingin ko sa paligid. Ngayon ko lang nakita sa ganito kalapit ang maze. Ang liit niya tignan mula sa veranda pero ngayon na kaharap ko na ay ang laki pala. For sure hindi ako pwede diyan. Mababa pa naman ang sense of direction ko. Aside sa maze ay meron ding malaking fountain sa gitna at mga halaman na halatang sinadyang ipahugis. I wonder who owned this place.
Okay, cross that out. Hindi na pala ako nagtataka kung kanino ang lugar na ito.
Deretso lang kami sa paglalakad hanggang nakarating kami sa dalampasigan. Napanganga ako nang nakita ang isang yate. What the? Kelan pa may yate dito? Parang kahapon ko lang nalaman na nandito kami nang makita ko ang kabuoan ng Isla mula sa verandan ay wala naman akong nakitang yate ah?!
Tahimik lang ako sa isang tabi habang pinapanood si King na paandarin ang yate pero sa loob ng isip ko ay ang dami nang tagpo na iniisip ko kung ano ang gagawin ko para makatakas gamit ang yate.
"Hop in," yaya niya sa akin. He even gave me his hand to help me get up the yacht.
"Salamat," kunyari ay mabait na sabi ko pero agad din akong napatirik ng mata nang tumalikod siya sa akin to maneuver the yacht. Sinuot niya ang sunglasses niya and drove the yacht habang ako naman ay nakaupo lang sa isang tabi at tinatawag na ang lahat ng Santo na kilala ko sa langit para tulungan ako. Inisiip ko pa lang ang mga pating na lumalangoy sa ibaba ng tubig ay parang hihimatayin na ako sa takot, lalong-lalo na tuwing umaalbog ang yate dahil sa alon. Sa isip ko ay baka mga pating na iyon na sinasalakay kami.
"Aela," natigilan ako mula sa pagmumuni-muni at nagmulat ng mata. Doon ko lang napansin na nakaupo na pala si King sa harap ko at takang nakatingin sa akin.
"Bakit?" takang tanong ko sa kaniya at nilibot ang tingin ko sa buong paligid. Nasa gitna pa rin kami ng kawalan. Ang kaibahan lang ay hindi ko na makita ang Isla na pinanggalingan namin o ibang karatig na Isla.
'Jusko! Paano na lang kung aabutan kami ng ulan dito? Ng bagyo?! Tapos kikidlatan ang sinasakyan namin at masisira. Anong gagawin namin? Lalangoy pabalik? Eh puno nga ng pating ang tubig!' mariin akong napapit para pakalmahin ang sarili ko sabay himas ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay parang kinikiliti ang loob ng puso ko dahil sa kabang dulot ng pag-over think ko sa posibleng mangyari.
'Sana ganito din ako ka-over thinker noong nakita ko ang karatula no? Edi sana hindi ako umabot sa ganito' piping sabi ko sa sarili. Pakiramdam ko ay na-trauma talaga ako sa nangyari. Kahit maliliit lang na bagay ay malala na ang nasa isip ko.
"We're here," napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang sinabi ni King.
"What do you mean nandito na tayo?" kakamot-kamot na tanong ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak.
"We're going swimming," deklara niya. Maang na tinignan ko siya at sinuri kung seryoso ba siya. Mukha naman siyang hindi nagbibiro dahil hindi manlang nag-iba ang expression niya sa mukha. Sabagay, mukhang hindi naman marunong mag-joke ang isang ito.
"Teka! Ikaw nagsabing maraming pating dito tapos lalangoy tayo?!" luwa ang matang sabi ko at tumayo. "Ayoko!" matigas na sabi ko at pinagkrus ang kamay sa dbdib ko. Kahit lumuhod pa siya or umiyak ay hinding-hindi ako lalangoy. Kahit damit na suot ko ay hindi mababasa ng tubig dagat dahil hindi ako lalangoy! Period!
Impit akong napatili nang bigla niya akong hilahin. Mabuti na lang ay mabilis akong kumalabit sa upuan. "Hoy! Anong ginagawa mo?!" nanlalaki ang matang sabi ko sinubukang alisin ang pagkakahawak niya sa akin. "Bitawan mo ako! Utang na loob! Ibebenta ko kidney ko para mabayaran ka kahit papaano. Huwag mo lang akong ipakain sa pating!" mangiyak-ngiyak na sabi ko at mas hinigpitan ang kapit ko.
'Shuta naman kasi! Sa dami ng oras na pwedeng mamawis ang palad ko ngayon pa talaga. Mag-cooperate ka naman! Kung hindi huling pawis na iyan na ilalabas mo! '
"Aela! Let go!" matigas na utos sa akin ni King and tried to loosen my grip.
"No!" matigas na sabi ko and started to wiggle my body para mapilitan siyang bitawan ako pero mukhang hindi problema sa kaniya iyon dahil parang wala lang sa kaniya ang paggalaw ko.
"Aela. Let go," malamig na sabi niya in a warning tone. Bigla akong nagdalawang isip nang mahimigan ang babala sa boses niya. Pero!
"Ayaw!" mangiyak-ngiyak na sabi ko. Sa isang iglap lang ay naalis niya ang kamay kong nakakapit sa upuan. Mabilis pa sa alas cuatro na binuhat niya ako at tumakbo papunta sa gilid ng yate.
"HIN-" naputol sa lalamunan ko ang sigaw ko nang tuluyang tumalon si King sa tubig. Natatarantang umalsa ako sa tubig at alertong nilibot ang tingin ko sa paligid para tignan kung may malapit ba na pating.
"Pating! Ang pating!" malakas akong napasigaw at lumangoy pabalik sa yate nang may maramdaman akong tumama sa paa ko mula sa ilalim ng dagat pero kahit anong langoy ko ay hindi ako umaalis sa pwesto ko.
"Mama! Mama! Mama!" naluluhang sabi ko at tuluyan nang napaiyak sa takot.
"Aela! There's no shark!" narinig kong sabi sa akin ni King na mabilis lumangoy papunta sa direksyon ko. Tinignan ko siya mula sa nanlalabo kong mata na puno na ng luha. "A-Ano?"
"There's no shark. I was just kidding when I told you that," parang umatras ang lahat ng luha ko at napalitan ng panggigil na sabunutan ang lalaking kaharap ko. Naglapat ang labi ko at ready na sana akong bungangaan siya nang narinig ko ang sunod niyang sinabi.
"I'm sorry for scaring you,"
'What? Did I heard it right? King just told me he is sorry?!'
- -
✘ R E A D ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘