Naaawang napangiti ako sa sarili ko sa salamin. Ilang araw na ang lumipas at isa na namang puting kwarto ang tinatambayan ko ngayon. Sukang-suka na ako sa sobrang buraot. Kung pwede lang sana kong tumakas.
I sighed frustratingly at lumabas na ng banyo. Wala akong narinig na balita kung ano na ang nangyari sa mga lalaking nagpasabog ng mansion ni King noong isang gabi. Aside sa paghatid ng pagkain sa akin dito tatlong beses sa isang araw ay wala na akong nakikitang ibang tao maliban sa lalaking naghahatid ng pagkain sa akin. Nyeta, hindi ko nga makita ang itsura niya dahil palaging nakamaskara tapos ang bilis din umalis, pakiramdam ko ay parang allergic siya sa akin. Wala tuloy akong makausap.
Kinuha ko ang Ipad na nakapatong sa taas ng bedside table at naglaro na lang ng candy crush to kill time. To be honest, minsan hindi ko talaga ramdam na delikado ang buhay ko dito. Pakiramdam ko ay nagising ako sa isang mahabang panaginip tapos anak pala ako ng isang mayaman. Well, iyon na lang ang iniisip ko para mapagaan ang pakiramdam ko. But I hope it is not too early to say that, ayoko namang ma jinx at mamatay nang wala sa oras.
"Ma'am," narinig kong tawag nang pamilyar na boses ng lalaking naghahatid sa akin ng pagkain sa labas. As usual ay kumatok muna siya ng tatlong beses bago pinihit pabukas ang pinto.
"Bakit?" takang tanong ko nang hindi siya nililingon.
"The King will see you now, Ma'am," magalang na sabi ng lalaki habang nakayuko ng kaunti. Hindi ko alam kung iisa lang ba sila ng lalaki na palaging nagbibigay ng pagkain sa akin nung kailan. At the same time ay hindi ako sigurado if that same man came out alive that night. Boses lang naman nila kasi ang basehan ko dahil lahat sila ay nakasuot ng maskara.
"Ay salamat!" excited akong tumayo mula sa kinauupuan ko at nagmamadaling sinuot ang pares ng tsinelas ko sa sahig. "Sa wakas! Makakalabas din!" masayang usal ko at akmang lalabas na ng pinto nang pigilan ako ng lalaki.
"Bakit?" kunot-noong tanong ko at nilingon siya.
Ang lahat ng tuwa na naramdaman ko kanina ay parang bula na lumaho nang pumasok si King. 'Was he standing there outside the door all along?'
His familiar scent engulf the entire room. Muntik pa akong napapikit nang tumayo siya sa mismong tabi ko. Mabuti na lang at mabilis kong nasita ang sarili ko. Mamaya baka isipin niya na pinagnanasaan ko ang amoy niya. 'Pero shutacakes. Ang bango' niya talaga
"Leave us," malamig na sabi niya sa lalaki na agad tumungo at tumalikod.
He immediately focused his attention to me nang kaming dalawa na lang ang naiwan. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng intimidasyon sa uri ng tingin niya sa akin kaya hanggang maaari ay hindi ko sinasalubong ang tingin niya. Mahina akong tumikhim at nagsalita. "Gusto mo daw akong makita," kalmadong sabi ko kahit ang totoo ay parang masusuka na ako sa lakas ng tambol ng puso ko. Kasing lamig ng emosyon sa mukha niya ang titig niya. Kung may special powers lang siguro siya ay kanina pa ako naging yelo.
"Just wanted to check on you," nakahinga ako ng maluwag nang inalis na niya ang tingin sa akin. Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya nang naglakad siya papunta sa parte ng kwarto kung saan puno ng snacks. Oh diba, parang hindi lang preso. Puro branded chocolates pa ang nasa loob ng mini refrigerator.
Matigas akong napalunok nang mapatingin ako sa pinto. Sigurado ako na hindi naka-lock iyon dahil hindi ko narinig na ni-lock iyon ng lalaki kanina. "Ahh. A-ayos lang naman ako," utal na sabi ko at pasimpleng pumunta sa harap ng pinto. Nagkunyari akong nakatingin sa kaniya habang ang kamay ko ay dahan-dahang inaabot ang seradura ng pinto sa likod ko.
"If I were you, I wouldn't do that," bigla akong nanigas sa sinabi niya. 'Paano niya ginagawa iyan?' Nakatalikod pa rin siya sa akin pero alam niya kung ano ang ginagawa ko.
"Ang alin," inosenteng sagot ko. Malutong akong napamura sa isip nang hindi ko maabot ang seradura ng pinto.
I heard him grinned and turned to my direction. "It's useless," kibit-balikat na sabi niya. For a second ay bigla akong nagdalawang isip kung gagawin ko ba ang plano ko sa isip. Nasa ganoon akong isipin nang mahawakan ko ang seradura ng pinto. Dumoble ang bilis ng puso ko nang pinihit ko iyon at naramdaman na hindi nga iyon naka-lock.
"Goodbye," tipid na sabi ko at mabilis na binuksan ang pinto at tumakbo. Naririnig ko pa ang matunog niyang tawa mula sa kwarto. Abot langit naman ang kabang nararamdaman ko sa bawat pasilyo na nadadaanan ko dahil natatakot ako na baka may makasalubong ako na tauhan niya, pero kanina pa ako tumatakbo ay ni isang anino ay wala akong nakasalubong. Napangiwi ako nang nakarating ako sa dulo ng pasilyo kung saan biglang naghiwalay ang daan. It's either sa kaliwa o kanan.
Kahit hukayin ko ang laman ng utak ko ay hindi ko pa rin naman alam ang sagot dahil tulog ako nang dumating kami dito. Panigurado, may nilagay sila sa tubig na ininom ko noon kung kaya bagsak agad ako.
"Agh! Bahala na!" asar na sabi ko at ginawa ang tanging bagay na naisip kong gawin sa sitwasyon na ito. "s**t, Eenie meemie miny mow. Catch the tiger in the zoo. Speel zoo. Z-o-o, zoo!" napangiwi ako nang tumigil ang kamay ko sa kanan.
"Pero hindi ko feel dumaan dito," nakangiwing sabi ko. Kanina ko pa pinapakiramdaman kung saan ako dadaan sa dalawa. My heart is choosing left pero ang napili ay right.
"Bahala na," asar na sabi ko at pumunta sa kaliwa. Sinunod ko lang kung saan ako dadalhin ng daan habang kaswal na lumilingon. Kanina ko pa napapansin na wala talaga akong nakakasalubong na tao. Ni hindi nga nag-abala si King na sundan ako. Nawala na rin ang takot na naramdaman ko kanina dahil mas nagingibabaw sa akin ngayon ang pagkadismaya dahil kanina pa ako paikot-ikot pero hindi ko pa rin mahanap ang labasan.
Agad na nabuhayan ang loob ko nang makita ang isang pinto. Walang padalo-dalos na agad ko iyong tinakbo at binuksan ang pinto para lang rin mapasinghap nang makita ko ang paligid.
'We are in the middle of freaking nowhere!' Kahit saan ako tumingin ay puro tubig lang ang nakikita ko dahil ang kinatatayuan ng mansion ay isang maliit na Isla na pinapalibutan ng dagat! Kung hindi lang ako nasa ganitong sitwasyon ay siguro nabighani ako sa ganda ng paligid.
I am in a freaking white mansion in the middle of an Island! I looked around and saw that there is a pool and even a maze on the garden pero wala ako makitang bangka o kahit anong pwedeng sakyan paalis ng islang ito.
"s**t!" malutong na mura ko at sinilip sa kabilang parte. Agad akong nanghina nang makita na puro bato at mga puno lang ang nandoon. Asar akong napasapo ng ulo at napaupo. "Wala talaga akong takas," mahinang sabi ko sa sarili at niyakap ang tuhod ko. Hindi ko maiwasang maluha dahil sa sobrang frustration. Masyado akong umasa na makakatakas ako, pero hindi naman ako hahayaan ni King kung alam niya na wala akong takas. Dumoble ang sama ng loob ko nang mapagtanto na sinayang ko lang energy at neurons ko kakaisip kung saan ako dadaan para lang humatong sa ganito. Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon nang maramdaman ko ang pamilyar na presensya ni King.
"I told you, It's useless. Pinagod mo lang ang sarili mo," narinig kong sabi niya habang nakatayo sa harap ko.
"Di mo na kailangan i-remind," masungit na sabi ko at patuloy pa rin na nagmumukmok.
I heard him sighed at yumuko sa harap ko. Natigilan ako nang may nilabas siya na isang bagong pares ng tsinelas. Doon ko lang napansin na nasira pala sa suot kong tsinelas, marahil sa sobrang pagmamadali o habang tumatakbo ako. Nakatingin lang ako sa kaniya na maingat na inalis ang tsinelas na suot ko at pinasuot ang bagong tsinelas na dala niya.
"Bakit?" paos ang boses na sabi ko habang pinapanood siya. I am so confused with his actions. Ibang-iba siya ngayon kung ikukumpara sa unang beses na nakita ko siya. It's like, I am facing a different person right now.
"What do you mean?" kunot-noong sagot niya at nagtaas ng tingin sa akin. Natigilan ako nang magkasalubong ang tingin namin. I can see myself staring back at his vibrant brown eyes na mas lalo pang tumingkad dahil sa ilaw ng araw na tumatama sa mga mata niya. Ngayon ko lang siya natitigan ng maayos sa ilalim ng sikat ng araw. He looks glowing and I must admit, he really is sinfully handsome.
'What did I say?' Ilang beses akong napakurap nang napagtanto ko ang naisip ko. Kung hindi ko lang siya kaharap ay marahil kanina ko pa kinatok ang ulo ko. Malakas akong tumikhim sabay iwas ng tingin. Nakaramdam ako bigla ng awkwardness sa pagitan namin.
"Bakit ako?" mahinang sabi ko when I found my courage to speak. "Bakit sa dami ng babae ay ako pa?" dadag ko at tinignan siya.
"Would you want someone else to have you?" balik tanong niya sa akin.
Natigilan ako at natahimik. I was so fixated with the thought of him buying me na hindi ko naisip na papaano na lang kung iba ang nakabili sa akin. Still, I don't know if I should be thankful or not. Base sa nakita ko noong gabing iyon ay alam ko na kung ano ang kaya niyang gawin. Ni hindi nga siya nagdalawang isip na hilahin ang gatilyo noong gabing iyon.
"What do you want from me?" paos ang boses na tanong ko. I can feel my hope slowly fading inside me as the thought of being his prisoner starts to sink in. I hate to admit it but mukhang wala nga akong kawala.
"You'll see," tipid na sabi niya. Natigilan ako nang buhatin niya ako bridal style and started to walk back towards the direction kung saan kami nanggaling.
"I can walk," pigil ko sa kaniya at akmang baba nang mas diniinan niya ang paghawak sa akin.
"Stay," tipid na sabi niya nang hindi ako tinatapunan ng tingin. Malungkot na nakatingin lang ako sa kaniya na diresto ang tingin sa daang tinatahak.
"I want to go home," mangiyak-ngiyak na sabi ko pero hindi niya ako sinagot. "Please, I want to go home," patuloy na pagmamakaawa ko sa kaniya at tuluyan nang umiyak pero hindi pa rin niya ako pinapansin hanggang sa narating na namin ang harap ng kwarto ko.
Napatakip ako ng mukha nang maingat niya akong pinatong sa taas ng kama. I immediately turned to the side and hugged myself dahil ayokong makita niya ang luha ko. Naramdaman ko naman na lumundo ang kabilang parte ng kama, ibig sabihin ay nakaupo siya sa tabi ko. I can also feel his stare at my back.
"When are you planning to kill me?" malamig na tanong ko.
"If that is my intention then I should have done that the first time I laid my eyes on you," narinig kong sagot niya. Dikit ang kilay na umupo ako sa kama at hinarap siya na walang emosyong nakatingin sa akin.
"Then why keep me? Please let me go, I have my family to feed. Please, gagawin ko ang lahat ng gusto mo pakawalan mo lang ako," pagmamakaawa ko sa kaniya pero walang bakas ng awa ang makikita sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.
"I can't," umiiling na sabi niya and finally stood up. "I need you here to stay with me. We are alone in this island. I had all my men leave us. But don't you ever think of escaping, the water is filled with hungry sharks so if I were you, I'd stay here if I want to keep myself alive," mahabang litanya niya. He looked at me one more time before retreating.
Habol ang hininga at nanghihinang nnapasandal ako sa headboard ng kama nang tuluyan na siyang makalabas ng pinto. Hindi ko siya maintindihan. One moment he is nice to me then the next thing I know he is already threatening me. Hindi ko tuloy alam kung mabait ba siya o ano, ni pakay niya sa akin ay hindi ko alam.
Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa init na nararamdaman ko dahil tanghaling tapat na. Mainit na ang araw at hindi manlang ako nakapaandar ng electric fan. Tagaktak ang pawis na bumangon ako sa kama. Ilang araw na ako dito pero ngayon ko lang napagtanto na amoy dagat pala ang paligid.
I decided to stand up at pumunta sa pinto. Kagaya ng inaasahan ko ay hindi nga iyon naka-lock. Lumabas ako ng kwarto at nilibot ng tingin ang paligid. Now that I much more calm ay na-appreciate ko ang details ng mansion. It is built elegantly na isang tingin pa lang ay alam mong ilang milyon na ang ginastos. Maging ang sahig ay kumikinang sa linis.
I walked down the hallway at nakita ang painting ng iba't-ibang tao. Natigilan ako nang makita ang painting ng isang lalaki. For unknown reason, this guy seems familiar to me. Hindi ko ngalang mapangalanan kung sino siya o kung saan ko ba siya nakita. I was appreciating the painting nang may pumukaw ng pansin ko. Sa baba ng painting ay merong nakasulat na pangalan.
"Alessandro" I read. It is written in a cursive kaya medyo nahirapan pa akong basahin. Out of curiosity ay tinignan ko ang ibang mga painting and saw na lahat ng iyon ay may parehong artist name sa baba. Wow, this guy is so talented. Maybe he is someone na kilala ni King for him to buy all of his work.
I shrugged my shoulder and continued exploring the place, hindi ko naman kilala kung sino si Alessandro at wala akong planong makilala siya. For sure ay pareho lang sila ng ginagawa ng kaibigan niya. Ika nga nila 'Birds from the same feather flock together'. Hanggang sa nakarating ako sa magkahiwalay na daan kung saan ako na-stuck kanina kung saan ang pipiliin kong daan na tatahakin ko. This time, I decided to go to the right. It lead me into a grandstaircase. Malakas akong napasinghap nang makita ko ang dulo ng hagdan.
Nakanganga lang ako buong pagkakataon habang pababa ako ng hagdan. The place looks like a mini forest. Ang sahig ay gawa sa mini bricks na magkahiwalay at sa pagitan niyon ay tubig. Mas lalo akong na-amaze nang makita na may iilang isda na nandoon. Sa gitna ay merong mga sofa and t.v. Sobrang presko ng paligid dahil sa iba't-ibang mga halaman.
This place is like a dream!
I was giggling while playing with the water nang mapansin ko ang isang pares ng paa na nasa taas ng duyan sa isang tabi. Hindi ko naman na kailangan pang manghula dahil kaming dalawa lang naman ni King ang nandito. Pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng gana kaya padabog akong tumayo at tumalikod na lang. Plano ko sana na pumunta na lang sa balcony sa taas para mag-unwind nang narinig ko siyang magsalita.
"I thought you are enjoying the view," nilingon ko siya at nakitang nagbabasa pala siya ng libro. He placed the book to his side at pinukol ako ng tingin. He is now wearing a simple white polo na nakabukas ang unang tatlong butones and a khaki colored shorts. Kung titignan ay mukha siyang normal lang na tao dahil sa pananamit niya. Ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng ganito, sa unang tatlong beses na nakita ko kasi siya ay parating siyang nakasuot ng itim na suit.
Matigas akong napalunok nang mapansin ko ang malagkit na tingin niya sa akin. 'Is he seducing me?'
"I was. Until I realized you are here. Biglang sumama ang hangin sa paligid," masungit na sabi ko at pasimpleng inirapan siya. Sa lahat siguro ng na-human trafficking ay ako lang ang blessed sa lifestyle, ako pa ang nagsusungit.
"Whatever suits you," tipid na sabi niya and picked up the book. "But let me just remind you that you are stuck with me. Alone," dagdag niya. Agad na nangunot ang noo ko sa narinig.
Yeah, he already told me that earlier. Wala kaming kasama dito kundi kaming dalawa lang. Eh ano naman ngayon? Trip niya lang ulitin? Medyo unli din siya eh.
"Ano ngayon?" takang tanong ko.
"What do you think will happen?" balik tanong niya sa akin. Napatingin ako sa taas at nag-isip.
'Ano ngaba ang posibleng mangyari ngayon na kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa Islang ito?'
"Ah, alam ko na. Iniisip mo ang gawain no? Edi ikaw magluto. Sino ba naman kasi ang nagsabi sayo na paalisin mo ang lahat ng tauhan mo. Edi nagkaroon tayo ng problema nang wala sa oras. Dami mo kasing alam," naiiling na sabi ko. Biglang nawala ang mapang-asar na ngisi sa labi ko nang napansin ko ang pag-iba ng mukha niya. He stood up at seryoso ang tinging lumapit sa akin.
"Oi! Diyan ka lang!" natatarantang sabi ko nang ilang metro na lang ang layo niya sa akin. Napaatras ako nang malapit na siya sa akin. He is invading my personal space! Bigla akong nakaramdam ng takot nang maalala ko naman ang nangyari noong unang gabi ko siyang nakita.
"Stop," paos ang boses na sabi ko at patuloy na napaatras pero hindi manlang siya tumigil hanggang sa tuluyan na akong napasandal sa railing ng hagdan. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
"Think," malamig na sabi niya sa akin habang matuling nakatingin sa mga mata ko. I am too distracted by his body pressing close into mine na hindi ako makapag-isip. Sa tanang buhay ko ay siya lang ang lalaking naging ganito kalapit sa akin.
"W-what?" utal na sabi ko and tried to focus pero pakiramdam ko ay nahihilo ako. Oh gosh, don't tell me I am having a panic attack.
"What do you think will happen now that we are both alone in this Island?" mabagal at mapang-akit na tanong niya. Napasinghap ako when he started caressing my back. It felt so sensually good na agad tumayo ang balahibo ko sa batok.
Matigas akong napalunok at sinubukang gumalaw but he is pinning me way too hard na isang maling galaw ko lang maglalapat na ang labi namin. I can smell his minty breath as the air from his mouth fanned into my face.
"Answer me," malamig na sabi niya. Nanlaki ang mata ko when his hand started to explore on my buttocks. I took a sharp breath when his large hand squeezed one of my cheek.
"Please stop," hapong sabi ko at tried to push him but my hand settled on his rock hard chest.
He grinned and leaned close to me na halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya. I closed my eyes while stopping myself to yelp when I suddenly heard him whisper into my ear. "Watch your mouth, Kitten," malamig na sabi niya and finally let go of me. Pakiramdam ko ay para akong lantang gulay na napasandal na lang sa isang tabi. Habol ang hiningang nilingon ko ang daang tinahak niya.
'Yeah, He is that guy I knew that night. I should never be comfortable and lower my guard around him kahit siya pa ang sumagip sa akin' sabi ko sa isip.
- -
✘ R E A D ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘