Bagot akong napakamot ako ng ulo at tumagilid ng higa. I’ve been here for more than a week already and they just kept me locked here inside this room. Aside sa isang lalaking naka-mask rin na naghahatid ng pagkain sakin tatlong beses sa isang araw ay wala na akong nakitang iba pang tao dito. This room actually have everything that I need mula sa damit, snacks and even gadgets pero hindi iyon connected sa wifi at wala ring sim na pwede kong gamitin para kahit man lang pang-data kaya hindi ko pa rin ma contact ang pamilya ko.
I sighed in frustration at mahinang napasabunot ng buhok nang mapatingin ako sa blangkong paligid. Wala akong makitang iba kundi puti. Pakiramdam ko ay nasa mental hospital ako. Sawang-sawa na ako makipagtitigan sa bubong at pader.
Napabuntong hininga ako at napaupo sa malambot na kama na hinihigaan ko. Malungkot na dinama ko iyon habang inaalala kung gaano namin ka pangarap na magkakapatid ang mahiga sa malambot na kama kagaya nito at hindi sa matigas na kama gawa sa kahoy o minsan ay sa malamig na sahig. Aside sa ganoong sitwasyon namin ay lagi ding umuulan sa mismong loob ng bahay namin dahil sa butas sa bubong. Wala rin naman kaming pera pampaayos.
Mariing akong napapikit nang maramdaman ko namang namuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko maiwasang mag-alala ng lubusan sa mga kapatid ko dahil ilang araw na akong nawawala. Paniguradong nag-aalala na ang iyon sa akin. 'Nakakain na kaya sila?' Iyon ang palagi kong tanong sa isip ko tuwing makakatanggap ako ng iba't ibang masasarap na putahe. Sana naman kahit nawawala ako ay hindi nila pababayaan ang sarili nila at kusa muna silang mag hanap ng kakainin. Pero ang mas inaalala ko talaga ay baka bugbugin na naman sila ni Papa. Ganon kasi iyon tuwing umuuwing lasing.
Agad kong pinahid ang luha kong tumulo nang marinig kong may tao sa kabilang parte ng pinto. Mahina siyang kumatok ng tatlong beses bago pinasok ang susi sa pinto ay tuluyan iyong binusan. Agad na pumaikot sa buong kwarto ang mabangong amoy ng pagkain na dala ng lalaki.
“Here’s your dinner ma’am” magalang na sabi sakin ng lalaki at pinatong ang tray na may lamang pagkain sa taas ng mesa sa gilid ng pinto at mabilis na lumabas.
Agad na kumalam ang tiyan ko ng naamoy ko ang mabangong amoy niyon. Hindi ako kumain buong araw dahil wala akong gana. Isipin ko palang na naghihirap ngayon ang mga kapatid ko habang ako ay kumakain ng tatlong beses sa isang araw ay hindi kaya ng konsensya ko.
‘Pero kailangan mo ding alagaan ang sarili mo kung gusto mong makalabas dito’ sagot ng isang parte ng utak ko.
Tama nga naman. Hindi nga nila ako ginawan ng masama nitong nakaraang araw pero mukhang ako naman ang papatay sa sarili ko. All of the worst case scenarios that I was thinking didn’t happen, not even once. Akala ko talaga ay dadalhin nila ako sa isa pang building at i-torture, rape or kung ano pang kababuyang pwede nilang gawin but instead ay isang napakalaking mansyon ang namulatan ko nang maalis ko ang takip ko sa mata noong gabing iyon. Wala din akong natanggap na kahit anong pananakit at puro kabaitan lang ang natanggap ko. Well, hindi naman kasi ako pinapansin ng ibang tao dito.
Napabuntong hininga ako at akmang tatayo nang bigla akong maka rinig ng pagsabog. Sa sobrang lakas niyon ay tumilapon ako sa gilid. Nanlalaki ang matang nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Napaupo ako dahil sa abo na pumasok sa bibig ko mula sa nasirang semento. Mariin akong napapikit nang wala akong marinig. Ilang segundo pa ang dumaan bago ko maramdaman ang katawan ko. Malakas akong napatili nang maramdaman ko mga bubog na tumusok sa likod at braso ko. Dahan dahan akong bumangon at tiningnan ang braso kong puno ng dugo, mabuti nalang at pinong bubog lang ang nandoon at hindi ang malaking parte ng vase na nabasag mula sa bedside table.
Napasapo ako ng ulo nang makaramdam ako ng konting hilo kasabay ng panlalabo ng panrinig ko.
Sobrang lapit lang ng lugar kung saan sumabog sa lugar ko, mabuti nalang at hindi tumama ang ulo ko nang tumilapon ako.
Agad akong naalerto nang makarinig ako ng mahihinang yabag mula sa labas kasunod ng sunod sunod na putok ng baril. May silencer iyon kaya hindi ganoon kaingay. Mabuti nalang at narinig ko na ang tunog na iyon sa mga action movies na pinapanood namin kung kaya ay pamilyar ako kahit papaano.
Taratang napakagat ako ng kuko nang hindi ako makapagisip ng maayos dahil sa takot na nararamdaman ko. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta ang mga yabag sa direksyon ng kwarto ko.
I immediately looked around to find a spot kung saan ako pwedeng mag tago dahil palapit na ang mga yabag na naririnig ko. Una kong napansin ang ilalim ng kama dahil iyon ang pinaka malapit sa pwesto ko. Maliit lang iyon pero panigurado kakasya naman ako. Hindi na ako nag-isip at agad na dumapa at gumapang papasok sa ibaba ng kama.
Mariin akong napapikit sa kirot ng likod ko nang tumama iyon sa kama. I breathed in and out to prepare myself and bit my lip hard to suppress my scream and forced myself to fit. Sakto namang narinig kong malakas na bumukas ang pinto.
“Where is she?!” narinig kong sabi ng baritong boses na hindi pamilyar sa akin. Tinakpan ko ang bibig ko at pinakalma ang sarili ko para hindi nila marinig ang paghinga ko.
“She should be here. We’ve been monitoring-” nakarinig ako ng impit na pag-igik ng isang lalaki.
“Damn it! Find her! Along with the King!” galit na sigaw ng naunang lalaki. Nakahinga ako ng maluwag nang narinig ko ang yabag nilang papalayo.
I stayed on my spot and didn’t dare to move out para siguraduhin na na naka layo na sila, hindi ko naman kasi matingnan ang nasa harap cause my head is stuck too look at the side. Ilang segundo pa ang lumipas nang napag desisyunan kong lumabas sana nang may isang pares ng paa ang naglalakad ngayon sa harap ko.
Nanlalaki ang matang naka sunod lang ang ng tingin doon habang dinadama ang unti unting panlalamig ng katawan ko sa takot na baka silipin niya ako dito sa pwesto ko. Napapikit ako ng mariin nang biglang humarap sa direksyon ko ang mga paa niya. Lahat na yata ng Santo sa langit ay tinawag ko na para tulungan akong makalabas sa sitwasyon na ito ng buhay. Mahina akong napapitlag nang mabilis niyang hinarap ang closet na nasa harap lang mismo ng kama ko at binuksan iyon.
"WHERE THE f**k ARE YOU?!" galit niyang sabi at marahas na nilabas ang lahat ng damit ko sa closet.
"Lumabas ka na ngayon habang binibigyan pa kita ng pagkakaon. Kung hindi ay babarilin ko ang lahat ng sulok ng kwartong ito para masiguradong hindi ka na sisikatan ng araw bukas," mariing sabi niya while banging the closet. Sumasabay naman ang tambol ng puso ko sa bawat ingay na ginagawa niya.
Jusko. Mukhang wala talaga akong kawala.
My eyes filled with tears while waiting for my death to arrive as the man turned his feet towards my direction. Parang bumagal ang pag takbo ng oras habang nakatingin lang ako sa paa niyang papalapit.
‘God. Please bless me with a great life if ever I will be reincarnated again. Pero if pwede po, ayoko na pong mabuhay ulit bilang tao kung puro sakit at paghihirap lang naman po ang dadanasin ko’ I silently pray along with the protection and good life for my family.
I finally closed my eyes and accepted the sad reality of my destiny nang nakarinig ako ng sunod sunod na putok galing sa labas kasabay ng malakas na sigaw at mga gamit na nabasag.
"Boss!" narinig kong humahangos na sabi ng pamilyar na boses ng lalaking kausap niya kanina.
"Bakit?" malamig na sagot ng lalaking kaharap ko.
"It's the King," anunsyo ng lalaki. Narinig ko naman ang mahinang ngisi ng lalaki sa narinig.
"Good. Gang up with him. Wala akong pakealam kung papatayin niyo siya o ano. Ang importante ang madala natin ang ulo niya kay Boss," hindi ko maiwasang kilabutan nang walang emosyon niya iyong sabihin. Mukhang sanay na sanay na siya sa ganitong gawain at wala na siyang awa sa kahit sino man.
"B-Boss," nanginginig na sabi ng isang lalaki.
"Bakit?" malamig na sagot ng isa.
"The King is killing all our men," matalim akong napahugot ng hininga nang marinig ko ang malakas na putok ng baril na sinundan ng ingay nang bumagsak ang walang buhay ng lalaki sa mismong harap ko. Muntik na akong mapasigaw sa takot nang makita ko ang walang buhay niyang mga mata na nakatingin sa akin.
"You useless piece of s**t!" malutong na mura ng lalaki at pinagsisipa ang walang buhay na katawan ng lalaki. Hindi pa siya nakontento at ilang beses na binaril ang ulo nito. Mariin akong pumikit nang bigla ay parang bumaligtad ang sikmura ko sa nakikita. Mas masahol pa ang ginawa ng lalaking ito kesa sa nakita ko kay King.
“f**k” malakas na mura ng lalaking nasa harap ko at mabilis na tumakbo palabas nang makontento. Ilang sunod sunod na putok pa ng baril ang narinig ko hanggang sa tuluyan na iyong tumigil.
Parang mapuputulan na ako ng paghinga dahil sa sikip ng espasyo, I tried to control my breathing pero masyado nang na compress ang lungs ko. I took a deep breath pero biglang nanlabo ang paningin ko. Akala ko ay mawawalan na ako ng ulirat nang bigla ay naalis ang bigat na nakadagan sa likod ko. I coughed hard when a sharp air suddenly filled my lungs. Hapong hinabol ko ang hininga ko at nagtaas ng tingin.
“Aela” rinig kong bulalas ng pamilyar na boses. I looked up and saw King looking down at me. Agad akong napaiyak, relieved when I saw him. Hindi ko alam bakit kahit isa rin siyang masamang tao ay parang nawala ang takot ko na makitang nandito siya ngayon sa harap ko.
I covered my eyes and cried loudly. Akala ko talaga ay matutuluyan na ako. King put down his gun and leveled me “Hey Aela. Look at me” he commanded me. Dahan dahan kong binaba ang mga kamay ko at sumisinghot na tiningnan siya. He had this peaceful look on his face which calmed me down. “You did great,” he said in a comforting voice that made my heart ache.
"I-I s-saw a man k-killed many times in f-f-front of me," nanginginig ang boses na sabi ko sa kaniya at tinuro ang bangkay na nasa mismong tabi ko. King took a quick cold glance at the body and fixed his eyes on me again.
“Ouch” napangiwi ako nang hawakan niya ang balikat ko at nasagi ang sugat ko. Kunot noong tinalikod niya ako at tiningnan ang likod ko.
“You’re bleeding” he stated.
"ARAY!" malakas na sigaw ko at lumayo sa kaniya nang sinubukan niyang igalaw ang balikat ko.
"And your shoulder is dislocated. We have to get you treated right away," napasinghap ako nang bigla niya akong buhatin bridal style. He scooped my close to his chest kaya hindi ako makatingin sa paligid which is wala rin akong plano dahil alam ko na kung ano ang makikita ko. I had a hard time moving on from what I saw last week and I don’t need any more terrifying scenes to add to my trauma. Mariin akong napapikit nang marinig ko ang mahihinang ungol ng mga nag-aagaw buhay na mga tao sa paligid. Pakiramdam ko ay binabangungot ako. Sana matapos na ang lahat ng ito.
I fixed my gaze to his face na may bahid ng dugo, meron din siyang iilang sugat sa gilid ng noo.
“You’re bleeding” I stated and tried to reach for his bruise pero tumigil ang kamay ko sa ere nang titigan niya ako.
“I-Im sorry” parang tangang usal ko. Kung normal na sitwasyon lang ito ay baka nasapok ko na ang sarili ko. Bakit naman ako mag sosorry sa lalaking to? Eh eto nga ang rason kung bakit muntikan na akong mamatay at kung bakit nag kanda leche leche ang buhay ko.
Napatiim ako ng bagang at sinalubong ang tingin niya “Ibaba moko” matigas na sabi ko na ikinasama ng tingin niya sakin.
“Stay still Aela” babala niya sakin.
I writhed and wiggled my legs. “Bitawan mo ko sabi. Kaya kong mag lakad,” matigas ang ulo na sabi ko. Walang emosyon literal na binitawan niya ako dahilan para bumagsak ako sa sahig.
“Aray!” malakas na sabi ko at hinimas ang pang-upo kong tinamaan. Tangina, flat na nga pwet ko mukhang mas nag flat pa dahil sa ginawa ng hudyo na ito. Mabuti na lang at hindi tumama ang balikat ko Kung hindi ay baka lumala pa ang sakit na nararamdaman ko.
“Ba’t mo ni-literal?!” angal ko. Huli na nang ma realize ko ang sinabi ko. Nanlalaki ang matang napatakip ako ng bibig and silently prayed for my life habang dahan dahang nilingon si King na hindi kakikitaan ng ekspresyon sa mukha. Napasunod nalamang ako ng tingin sa kanya ng walang sabing nauna na siyang mag lakad sakin at doon ko lang napansin na pinipigilan ko pala ang paghinga ko.
I let out a heavy sigh and forced myself to stand up without daring to look at the place. Mabuti nalang rin at mukhang nasira ang power ng kuryente kung kaya ay madilim ang paligid.
Nanayo ang balahibo ko nang makarinig ako ng iilang ungol mula sa mga tao sa paligid na nag-aagaw buhay. I covered my ears and ran towards King na hindi man lang ako nilingon.
A phone rang and he reached for his pocket and answered it “Secure the safe Red. And ready the quarter” tipid na sabi nito sa telepono at agad na binaba iyon pabalik sa bulsa niya.
Nakatingin lang ako sa sahig habang naka sunod sa kanya kaya hindi ko napansin na tumigil pala siya. Nanlalaki ang matang napasinghap ako nang mabunggo ako sa likod niya. Dahan dahan akong nag taas ng tingin at sinalubong ng malamig niyang mga mata.
I was about to say sorry pero iba ang lumabas sa bobo kong bibig “B-ba’t ka kasi agad tumigil,” iritadong sabi ko at umiwas ng tingin.
Nakikita ko naman ang isang parte ng utak kong gusto akong sakalin dahil sa maling desisyong pinaggagawa ko sa buhay, isa na to ngayon.
‘Ba’t kasi hindi ka nag-iisip muna bago mo gawin?’ frustrated na sabi ng isang banda ng utak ko.
Napailing ako sa sarili ko, kung naririnig lang ang iniisip ay baka isipin na ng iba na nababaliw na ako. Sino ba naman kasi ang hindi mababaliw kung nasa sitwasyon ko?
Nakarinig ako ng ingay kaya nag taas ako ng tingin at nakita ang sunod sunod na pagdating ng ilang itim na sasakyan. Lumabas ang mga lalaking naka suot ng parehong mask mula sa ilang sasakyan at sabay sabay na lumapit sa harap ni King at lumuhod.
“We’re sorry for our failure, King. We deserve to die” sabay sabay nilang sabi.
Napatanga ako sa sinabi nila. ANOH?! Die daw?!
Agad na lumipad ang tingin ko kay King na seryoso pa rin. “Find the person responsible for this within 15 minutes” malamig na sabi nito at nauna nang naglakad papuntang sasakyan. Lakad takbo naman akong sumunod sa kanya. Alangan naman magpaiwan ako no?
Tahimik lang akong nakaupo sa tabi niya, He may seem calm pero base sa nakikita kong pagtaas baba ng dibdib niya ay masasabi kong sinusubukan lang niyang pakalmahin ang sarili. Mahina akong napasinghap nang makita kong patuloy parin ang pag-agos ng dugo niya sa ulo. Hindi na ako nagdalawang isip na punitin ang damit na suot ko total malaki naman iyon. Pakiramdam ko nga ay damit niya iyon na pinahiram lang sa akin.
I turned towards him and he looked surprised with what I did. “Dumudugo pa rin ang ulo mo,” I pointed out at dahan-dahang lumapit sa kanya and pressed the cloth to his head. Napailing ako nang makita kong malalim iyon. I pressed it many times and blew it from time to time para mabawasan ang sakit. That’s what my Mom used to do tuwing nasusugatan ako.
Natigilan ako nang makita ko siyang seryosong nakatingin lang sakin. Bigla ay parang na-conscious ako sa ginagawa ko. “Uh--”
“That’s nice of you,” walang emosyon na puna niya. Naglakbay naman ang tingin ko sa isang tabi dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin niya lalong-lalo na ang sagutin siya. Nakahinga ako ng maluwag nang biglang tumunog ang phone niya kaya lumayo na ako mula sa kanya.
“Hello,” rinig kong bati niya sa kung sino man ang tumawag. He was silent for a few seconds, listening to what the other person was saying before responding. “Good. I’ll be there. Show them no mercy,” malamig na sabi niya at agad na binaba ang tawag.
And there it is again. His spine tingling sensation that I felt na kagaya noong unang beses naming mag harap and I know hindi maganda ang susunod na mangyayari.
- -
✘ R E A D ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘