I stretched my body and yawned nang maalimpungatan ako. Feeling ko today is a good day dahil sa haba ng tulog ko kahapon. Nakangiti akong bumangon at kakamot-kamot ng naglakad papuntang banyo. Natigilan ako nang akmang pipihitin ko ang pinto ng banyo nang may mapagtanto ako.
'May lalaking nakatingin sa akin' kinakabahang sambit ko. Matigas akong napalunok at dahan-dahang nilingon ang direksyon kung saan ko nakita ang pigura ng lalaki. Parang nahulog ang puso ko nang mula sa madilim na sulok ay nakita ko ang anino ng isang lalaki na taimtim na nakatitig sa akin.
"Our Father, Who art in heaven, Hallowed be Thy Name. Thy Kingdom come. Thy Will be done, on earth as it is in Heaven," nanginginig na dalangin ko habang dahan-dahang pinipihit ang pinto ng banyo para paandarin ang ilaw.
'Tangina! Bakit naman kasi ang layo ng switch ng ilaw' mangiyak-ngiyak na reklamo ko sa isip.
Natatakot ako na gumalaw ng mabilis. Ni pumikit ay hindi ko magawa dahil baka biglang sa isang kisap lang ng mata ko ay mag-teleport sa mismong harap ko ang multo.
"Give us this day our daily bread. And forgive us our trespasses, as we forgive those who trespass against us. And lead us not into temptation, but deliver us from evil. Amen," natapos ko na ang buong panalangin pero hindi ko pa rin mahawakan ang switch ng pinto. Malutong akong napamura sa isip nang patagl ng patagal ay mas nagiging klaro ang paningin ko dahil naka-adjust na ang mata ko sa dilim.
'Lalaki! Lalaki ang multo!'
Malakas akong napapadyak nang makita kong humakbang ito papunta sa direksyon ko. "Teka lang! Sino ka? Anong kailangan mo sa akin? Bakit ka nandito?"
'Lintek na mansion ito! May multo pala!' mariing pinagdikit ko ang hita ko nang pakiramdam ko ay parang maiihi na ako sa takot habang nanginginig na hinahanap pa rin ang switch ng ilaw. Nanlalaki ang mata kong napako sa papalapit na pigura ng multo. 'Infairness, yamanin din ang multo. Nakasuot ng suit and tie' hindi ko maiwasang mapansin.
"Teka diyan ka lang! DIYAN KA LANG!" malakas na sigaw ko nang patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin. Imbis na ipagpatuloy ang paghahanap ng lintik na switch ng pinto ay inabot ko kung ano ang unang bagay na mahahawakan ko at pinagtatapon iyon sa multo.
"BE GONE EVIL! BE GONE DEMON!" nakapikit na sigaw ko habang binabato siya ng kahit anong gamit na mahahawakan ko.
"Ouch! Hey! What the hell!"
'NAGSALITA ANG MULTO! AMERICAN YATA ANG MULTO! UMI-ENLIGHS!'
"Stop!" napatalon ako sa gulat nang bigla na lamang niyang hawakan ang kamay ko. "Enough!" galit na sigaw niya sa mismong mukha ko dahilan para matigilan ako at mapatitig sa kaniya. Ilang beses akon napakurap nang walang hirap na nahanap niya ang switch ng ilaw at pinaandar iyon. Doon ko lang tuluyang nakita ang kabuuan niya.
"Teka, hindi ka multo?" nanghihinang sabi ko at sinubukang hawakan siya nang nandidiring lumayo siya sa akin.
"Do I look like a f*ckin ghost?" he gave me a sharp look while fixing himself. Napangiwi ako sa hiyang naramdaman ko nang nakitang puno na ng dumi ang damit niya dahil sa kung anong pinagtatapon ko.
"I'm sorry," hindi makatinging sabi ko at pinulot ang kalat sa sahig. He sighed harshly, I even heard him cuss under his breath while removing the dirt on his clothes.
"I can wash your clothes. If you want," pag-offer ko para naman kahit papaano ay mabawasan naman ang galit niya sa akin. Mukha kasing handa na siyang katayin ako any time now base sa uri ng tingin niya sa akin.
He looked at me with a combination of amazement and anger. "You? Will wash this?" tawa na may halong panunuya. "This is a limited edition custom made suit tailored by no other than Senor D'Orsi himself from Italy. It's worth 50,000 USD and that's 2,500,000 in Philippine peso. And you are telling me that you will wash this?" nagbabaga ang mata sa galit na sabi niya.
Bigla akong nanliit nang malaman ang presyo ng suot niya. Hindi ko akalain na may ganoon pala kamahal na suit. Akala ko mga thousands lang ganoon.
Bigla akong natigilan. I shook my head in disbelief and stood up straight with my chin held up high. 'Sino naman sa tingin niya ang lalaking ito para sigaw-sigawan ako?'
"Excuse me? Sino ba nagsabi sa iyo na pumasok ka sa kwarto KO nang hindi nagpapaalam at tatayo sa dilim na parang multo? Hindi ko na kasalanan kung nadumihan ang suot mo. Tsaka, kung ganiyan kamahal iyan eh ba't sinusuot mo ngayon? May party ba? Kaninong debut? Birthday? Ni pyesta nga wala. WAG AKO!" gigil na sabi ko at tuluyan nang pumasok ng banyo, banging the door behind me. Hapong sumandal ako sa pinto ng banyo at pinakiramdaman siya sa labas. Napapitlag ako nang marinig ko siyang gigil na sumigaw sa labas na sinamahan pa ng sunog-sunod na mura.
Well, sorry na lang siya. Guilty naman sana ako, nag-sorry na nga ako eh tapos siya pa itong galit eh siya naman ang may kasalanan.
"Bahala ka sa buhay mo diyan," walang pakealam na sabi ko at naglakad papunta sa malaking bathtub. Feeling ko nga hindi lang basta bathtub iyon eh, parang jacuzzi. Habang hinihintay ko na mapuno ang bathtub ay inaliw ko ang sarili ko sa pagpili ng bath bomb na gagamitin ko. Mabuti na lang at nagtrabaho ako sa hotel kaya alam ko kung paano gamitin ang mga sosyal na gamit kahit papaano.
I ended up picking the rainbow bath bomb. Binuksan ko ang pakete niyon at nilagay sa tubig. Parang may sariling buhay iyon na gumalaw sa tubig tapos ang nag-iiwan iyon ng rainbow na kulay sa tubig. Sa sobrang amaze ko ay hinintay ko talaga siyang maubos bago haluin ang tubig. Agad na akong naghubad at lumusong sa tubig.
I moaned in ecstacy nang tuluyan kong malubog ang katawan ko sa maligamgam na tubig ng jacuzzi. Hindi ko alam kung paano paandarin iyon, sa susunod na lang kung bibisitahin ako ni King. Hindi naman ako makalabas para hanapin siya. Tsaka, asa naman na kakausapin ko ang weirdo na lalaki na iyon sa labas.
Halos trenta minutos din akong nagbabad sa tubig bago ko napagdeisyunan na umahon na. Mamayang gabi na lang ako maliligo para hindi mag-dry ang buhok ko. I put on the bath robe after I dried myself at binuksan ang malaking closet sa tabi. Sa sobrang bored ko kahapon ay na-explore ko na ang buong kwarto kaya alam ko na merong malaking walk in closet sa loob ng banyo. Lahat ng kailangan ko ay nandito, mula sa underwear at damit. May mga alahas at bags pa nga.
"Kung sino man ang bumili ng lahat ng ito, maganda ang taste niya," tatango-tangong sabi ko habang iniisa-isa ang mga damit. I decided to wear a simple large shirt and pajama dahil dito lang naman ako sa loob ng kwarto.
Naabutan ko naman ang lalaki kanina na tahimik na nakaupo sa pwesto niya kanina nang makalabas ako ng banyo. "Oh, nandito ka pa rin," nakapamewang na sabi ko. Hindi ko maiwasang hindi mailang nang mapansin na nakatingin lang siya sa akin at hindi ako sinagot.
"Oi," I waved my arm in front of him pero hindi manlang siya kumisap. Sino ba itong Poncio Pilato na ito at dito pa talaga sa kwarto ko naligaw. "Sino ka?" as usual ay hindi na naman niya ako sinagot.
"Bahala ka diyan," kibit balikat na sabi ko at kinuha ang Ipad sa tabi niya. Manonood na lang ako ng movie to kill time. Ilang oras pa ang kailangan kong idusa bago gabi. Tapos matutulog ako at gigising bukas pa lang din pagdaanan ang parehong proseso. Iniisip ko pa lang iyon ay parang na-stress na ako.
Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng K-drama entitled Crash Landing On You nang hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko at nakapamewang na hinarap ang weirdo na lalaking nakatingin sa akin.
"Ano ba ang problema mo ah? Bakit ka ba nandito? Anong kailangan mo?" iritadong tanong ko. Kanina ko pa napapansin na nakatingin lang siya sa akin habang nanonood ako. Hinayaan ko lang noong una pero patagal ng patagal ay naiinis na ako. Sino ba naman ang hindi? Ang rude kaya sa pakiramdam.
"Just do what you are doing," tipid nitong sabi nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Paano ko gagawin ang ginagawa ko kung grabe ka makatitig. Pakiradam ko ay hinuhusgahan mo buong pagkatao ko," gigil na nagdikit ang labi ko nang hindi na naman niya ako sagutin. Bastos talaga, kinakausap ng maayos ayaw naman sumagot tapos siya pa itong galit at nagsusungit.
"Tauhan ka ba ni King?" usisa ko. Siya lang ang nakita ko aside kay King na hindi nakasuot ng mask.
"Yes," tipid na sabi niya. Ayon, maruning din pala siyang sumagot ng maayos.
"So, bakit wala kang mask?" takang tanong ko na sinagot niya ng "Why will I hide my handsome face?"
Bigla akong nabulunan ng saril kong laway sa narinig. Hindi makapaniwalang pinukol ko siya ng tingin para tignan kung nagbibiro ba siya pero base sa seryoso niyang itsura ay mukhang pinaninindigan talaga niya ang sinasabi niya.
"Sige na lang," napipilitang pagsang-ayon ko. Well, totoo naman. Gwapo naman talaga siya. He looks a little bit tan with a thick eyebrows and brown eyes. He is tall and bulky. Parang lahat naman yata ng tauhan ni King ay pare-pareho ang hugis ng katawan. May standards yata pati sa mukha at katawan sa pag-apply.
"Anong ginagawa mo dito?" pag-uulit ko sa naunang tanong, hoping that this time ay sagutin na niya ng maayos ang tanong ko.
"King asked me to watch you," napatanga ako sa narinig.
"Nasaan ba si King?" hindi ko naman alam kung kailan umaalis ang isang iyon. Nung kelan nga lumipas ang linggo bago ako binisita kaya malay ko naman kung aalis o nandito siya.
"He left," tipid na sabi niya. Tumango na lang ako kahit alam ko na may alam siyang higit pa doon. Hindi na ako nag-abalang tanungin pa dahil alam ko naman na hindi niya sasabihin sa akin iyon. Tsaka, pakealam ko naman.
Napasapo ako ng mukha nang may mapagtanto ako. I tried to suppress my laugh pero hindi ko talaga mapigilan. "Why are you laughing?" tanong ng kaharap ko. Yumugyog ang balikat ko nang mas lalo akong natawa nang nag-sink in sa akin ang napagtanto ko.
"Stop laughing," dikit ang kilay na sabi ng lalakig kaharap ko pero hindi ko siya pinansin.
Hapong sinapo ko ang tiyan ko nang sumakit iyon sa kakatawa ko. "Teka, diba sabi mo King told you to watch me?" pigil ang tawang tanong ko sa kaniya na walang ganang nakatingin sa akin habang nakakrus ang kamay sa dibdib niya.
"Yes," tipid na sagot niya.
'Sabi ko na ngaba' natatawang sabi ko sa isip at natawa.
"What's funny?" iritado nang tanong niya.
"Sabi ni King watch me lang. Masyado mo namang niliteral," sagot ko sa kaniya and laughed so hard na tuluyan na akong napaupo. Litik naman kasi itong isang ito. Para siyang aso makatingin sa akin iyon pala babantayan lang ako. Masyado naman yata siyang loyal sa amo niya na hindi na niya na-differentiate ang bantay sa literal na panoorin.
Natigilan naman siya at mukhang napagtanto ang sinabi ko.
"Stop laughing," diki ang kilay na sabi niya at sinamaan ako ng tingin. Tumalikod ako at tumawa. Tanga naman kasi ng isang ito.
"I said stop laughing!" namumulang sigaw niya. I swallowed a hard lump on my throat and tried to suppress my laugh nang napansn ko na mukhang galit na talaga siya. Pati ang tenga niya ay namumula na.
"Okay, stop na," seryoso ang mukhang sabi ko at kinagat ang ngipin ko para hindi ako matawa.
"This," he did a hand gesture signaling everything around us. "This never happened. Okay? You hear me?" pinanliitan niya ako ng mata habang hinihintay ang sagot ko. Agad akong tumango para matapos na ang usapan.
"Good," tipid na sabi niya at taas ulong tumalikod sa akin na parang walang nangyari. Napatakip ako ng bibig para pigilin ang sarili kong mapabunghalit nang bigla siyang humarap sa akin. Agad akong tumayo ng tuwid at nilagay ang kamay ko sa likod.
"You are dead if you tell King about this," babala niya sa akin. He gave me a one last look before finally turning away from me and headed to the door. Natigilan ako at nanghahaba ang leeg na sinilip ang kamay niya nang maalala ko na kailangan niyang i-enter ang passcode ng pinto.
Mabilis akong umiwas ng tingin at nagkunyaring nag-stretch ng katawan nang bigla niya akong lingunin.
"Bakit?" inosenteng tanong ko sa kaniya. He shook his head and focused his attention to the door and entered the pin quickly. He gave me a grin nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya.
"Bet you didn't catch that," mayabang na sabi niya. Gigil akong napakuyom ng kamao when he salute at me and even winked before closing the door. The nerve of that guy!
Mabilis akong nagmartsa palapit sa pinto at maliit na ngumiti. "Hindi ko nakita kung ano ang password. Pero narinig ko naman," napangiti ako sa sarili at inayos ang sleeves ng malaking shirt na suot ko. I recalled sound inside my head and pressed all of the numbers para pakinggan ang tunog ng mga iyon.
Pagod na pinunasan ko ang pawis na namuo sa noo ko. Kanina pa ako nakasalampak dito sa sahig habang sinusubukang buksana ang pinto pero ayaw talaga bumukas. "Parang katunog naman eh!" asar na sabi ko and entered the numbers 060297 dahil iyon ang mga numero na katunog ng narinig ko kanina nang binuksan ng weirdo na lalaki ang pinto.
"f**k!" frustrated na sabi ko at hinampas ang pinto. Parang nawala ang lahat ng pag-asa ko kanina na makalabas dito. Nanghihina akong humilata sa sahig at pumikit. Masyado akong umasa kaya sobra akong disappointed ngayon.
"Saan ba ako nagkamali?" parang katunog talaga iyon ng naring ko eh.
'060297'
"Teka," agad akong napabangon nang may mapagtanto ako. Impossible pero walang mawawala sa akin kung susubukan ko.
Agad na kumabog ng malakas ang dibdib ko nang bumangon ako para subukan sa huling pagkakataon na buksan ang pinto. "Kung ito hindi tama, sign na talaga na ititigil ko na ito at kakain na lang ako ng samngyupsa," mahinang usal ko sa sarili. Iyon ang una kong plano kagabi nang may makita akong pork belly sa fridge.
I entered the number 060296 gamit ang nanginginig kong kamay. Pakiramdam ko ay parang tumigil ng ilang segundo ang takbo ng oras habang hinihintay ko ang pag-register ng code. The lock beeped a confirmatory tone and door opened.
"f**k, yes!" masayang sabi ko at napatalon pa. The passcode is no other than my birthday! Hindi ko alam kung paano nalaman ni King kung kailan ang birthday ko at wala na akong planong alamin dahil tatakas na ako ngayon din!
Maliit na binuksan ko ang pinto, sapat lang para masilip ko ang paligid sa labas. Nang masigurado ko na walang tao ang nagbabantay sa labas ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto para hindi iyon lumikha ng ingay. I poked my head out and checked the surrounding one more time bago ako tuluyang lumabas. Walang ingay na sinarado ko ang pinto and tiptoed towards the end of the hallway. I can't help but feel ecstatic while looking at the bright light coming from the sun outside. Nangangamoy fresh air and freedom tayo!
Bago ako dumeretso sa mismong hagdan ay sinilip ko muna ang baba para tignan kung marami bang tao. Agad akong nalula at napaurong sa plano ko nang makita ang ilang mga lalaki na nakasuot ng maskara habang may suot na baril sa katawan nila.
Hapong napasandal ako sa isang tabi. "Nyeta naman," malutong na mura ko at napipilitag bumalik sa loob ng kwarto ko. Hindi mapakaling pabalik-balik ako na naglakad sa buong kwarto ko habang iniisip kung ano ang gagawin ko. Alam ko nga ang passcode ng kwarto ko pero mukhang wala naman akong lusot sa batalyon na tauhan ni King na nagbabantay sa baba.
"Paano kaya kung mamayang gabi?" umupo ako sa kama at nag-isip. Possibleng mas kaunti ang taong nagbabantay kung gabi dahil tulog sila. If ever, mas malaki ang chance na makakalabas ako dahil madilim kung gabi. Ang kailangan lang ay tamang timing. I smiled to myself and stood up.
I pressed the button of the Ipad and saw that it is already 12 noon. Matutulog muna ako ngayon tapos kakain ako pagising ko para may lakas ako na tumakbo mamaya kung talagang makakatakas nga ako.
Bago ako humilata sa kama ay nag-alarm ako ng 4 p.m. Nilabas ko din ang pork belly sa fridge para hindi na matigas ang laman mamaya pagising ko. Walang hirap naman akong nakatulog and woke up to the sound of the alarm. As planned ay nag-samngyup akong mag-isa.
Natigilan ako nang narinig kong tumunog ang pinto ng kwarto ko. Nagtaas ako ng tingin at nakita ang lalaki kaninang umaga na nakasilip sa pinto.
"Kain," yaya ko sa kaniya at sumubo. Bigla akong kinabahan sa uri ng tingin niya sa akin. Iyong klase ng tingin na parang alam niya ang sikreto ko. Pinagpatuloy ko lang ang pagluluto and tried to act as if hindi ako kinakabahan kahit ang kamay ko ay nanginginig na.
'Kalma lang, Aela. Kaunting tiis lang. Makakatakas ka din' paalala ko sa sarili ko. Nakahinga ako ng maluwag nang walang salitang umalis naman kaagad siya. Siguro chineck niya lang ako.
Bandang alas dose ng gabi nang natapos ang series na pinapanood ko. Mabilis kong sinuot ang itim na jacket at maong pants na hinanda ko kanina. I paired it with a black shoes and a cap. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at tumango nang nakontento ako sa itsura ko. Lalabas na sana ako ng walk in closet nang may mahagip ang ang tingin ko. Mabilis kong kinuha ang alahas na naka-display at binulsa iyon bago tuluyang lumabas ng banyo. I took a deep breath at entered the passcode of the door. Gaya kanina ay maliit ko muna iyong binuksan bago tuluyang lumabas para siguraduhing walang tao sa labas. Tumayo ako sa madilim na parte ng hallway malapit sa hagdan at sinilip ang mga tao sa baba. Tama nga ako, mas kaunti ang mga tao na nagbabantay ngayong gabi.
Agad akong napayuko nang may pumasok na isang lalaki mula sa mismong entrance.
"Okay, shifting na. Pwede na kayong magpahinga," narinig ko ang papalayong yabag ng mga tao sa baba. Pinalipas ko ang ilang segundo bago sumilip ulit.
"Kung siniswerte ka nga naman," nakangiting sabi ko sa sarili nang makitang walang ni isang anino ang nasa baba. Hindi na ako nagpatumtik-tumpik pa at agad na tinakbo ang daan palabas.
- -
✘ R E A D ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘