Agad akong nagulat ng mata nang maramdaman ko na muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Nandito kami ngayon si King sa sasakyan. As usual ay may takip na naman ang mga mata ko kaya hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ilang oras na kaming bumabyahe kaya nakakaramdam na ako ng pagod.
FLASHBACK
I immediately zipped the tent behind me para hindi makapasok si King. Bahala siya sa buhay niya diyan. Kung gusto niya pwede din siyang matulog sa labas, basta hindi siya dito sa akin. Sabi ko naman kasi sa kaniya na mag-camping kami tapos magyayaya siya na pumasok na? Anong klaseng camping iyon?
Napagdesisyunan ko na alisin sa isip ko at kalimutan na lang ang kapre sa labas. Napangiti ako nang makitang may unan at kumot na sa loob. Kumpleto na talaga ang lahat dito sa loob, kulang na lang ako na matutulog. Pinagpag ko muna ang sarili ko sa isang tabi para maalis ang lahat ng buhangin sa pang-upo ko bago nahiga. Lumipas ang ilang minuto pero wala manlang akong narinig mula kay King sa labas simula nang makapasok ako.
"Baka pumasok na?" hula ko sa sarili. Bumangon ako at tinignan ang paligid kung makikita ko ba ang pigura niya mula sa labas pero mukhang wala naman siya sa paligid. Baka nga pumasok na.
Takang binuksan ko ang kalahati ng zipper at sinilip ang paligid sa labas. Agad ko naman siyang nakita na nakatayo hindi kalayuan sa pwesto ko habang may kausap sa telepono. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang expression niya.
Mukhang naramdaman niya ang titig ko sa kaniya kaya bigla siyang humarap sa direksyon ko. Agad na nanlaki ang mata ko nang makasalubong ko ang tingin niya. He have a serious look on his face so I guess mahalaga ang pinag-uusapan nila, kung sino man ang kausap niya. Agad akong pumasok sa loob ng tent at sinarado ang zipper nang makita kong binaba niya ang tawag at nagsimulang lumapit sa akin. I settled myself and hugged the pillow on my chest while waiting for him to pass by.
"Aela" narinig kong tawag niya sa akin mula sa labas. Papaalisin ba niya ako dito? Don't tell me makikisiksik din siya dito sa maliit na espasyo ng tent?
Ginawa ko ang tanging bagay na naisip ko para makaiwas sa kaniya at iyon ay magkunwaring tulog. I closed my eyes as if he can see me at sinabayan pa ng hilik para makatotohanan.
"I know you're awake," para akong binuhusan ng mainit ng tubig nang marinig ang sinabi niya. Npapahiyang bumangon ako kahit hindi ko naman siya kaharap. Sasagot na sana ako nang nauna siyang magsalita.
"We'll leaving early tomorrow. Make sure you get enough rest," iyon lang at naglakad na siya papasok ng bahay. Hindi ko maiwasang hindi mapansin ang tono ng boses niya. Serious mode yon? Mukhang may nangyari kaya kailangan na naming bumalik. Sabagay, hindi naman pwede na dito na lang kami, considering na Boss siya ng kung ano mang trabaho ang meron siya.
Malalim akong napabuntong hininga at bumalik sa pagkakahiga. I decided to sleep early instead. True to his words ay maaga nga kaming umalis kinabukasan. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong oras pero madilim pa ang paligid nang ginising niya ako.
Pareho kaming nakatingin sa kakarating na chopper na sundo yata namin. "Wear this," nilingon ko ang direskyon niya nang marinig ko siyang magsalita. Walang angal na kinuha ko ang tabing sa mata mula sa kamay niya nang nilahad niya iyon sa akin. If I want to survive then I should listen and follow his command as much as possible. Iyon ang ginawa ko simula noong gabing binili niya ako at wala naman masamang nangyari sa akin, so it is better if I stick with it.
END OF FLASHBACK
Hindi manlang ako nakaligo o half bath manlang kanina kaya hindi talaga nagising ang kaluluwa ko at gusto pang matulog. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming bumabyahe, basta ang alam ko lang ay inaantok ako at gusto ko nang matulog.
Malakas akong umiling para gisingin ang natutulog kong kaluluwa, pero hindi nakatulong ang tabing sa mata ko dahil nakapikit lang ako buong pagkakataon. Umupo ako ng tuwid at mahinang tumikhim.
"Are you sleepy?" my head immediately turned to the side kung saan ko narinig ang boses ni King. He is sitting on my right side at base sa lakas ng boses niya ay mukhang malapit lang siya sa akin. Mahina akong tumango bilang sagot sa kaniya. Agad akong napatakip ng bibig nang humikab ako. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang hikab ko na ito.
Mahina akong napapitlag at nanigas nang maramdaman ko ang mainit na kamay niya sa balikat ko at mahina akong hinihila papunta sa direksyon niya.
"Bakit?" tarantang tanong ko at sinubukang alising ang pagkakahawak niya sa akin.
"Calm down," I heard him whisper in a calm voice. Parang automatic naman akong kumalma nang marinig ang boses niya. He gently pushed my towards his direction hanggang sa sobrang lapit ko sa kaniya ay amoy na amoy ko na ang pabango niya. "Rest," tipid na sabi niya at maingat na pinatong ang ulo ko sa balikat niya. Ilang segundo ang dumaan pero nanatili pa rin akong naninigas dahil ramdam na ramdam ko ang presensya niya. Ultimo mismong paghinga niya ay naririnig ko.
I am screaming in my mind dahil sobrang lapit naming dalawa tapos hindi pa rin niya inaalis ang kamay sa balikat ko. Mariin akong napakagat ng labi nang gumalaw ang daliri niya. He is running his fingers on my skin at ang traidor kong sarili ay nagustohan naman ang ginagawa niya!
'Peste, wag kang hihikab! Sinasabi ko talaga sa'yo Aela. Wag kang hihikab!' Agad kong tinakpan ang bibig ko nang hindi ko mapigilan ang sarili ko na humikab. Dumoble ang antok na nararamdaman ko dahil sa ginagawa ni King. Hindi ko napansin na tuluyan na akong napapikit at nakatulog.
"Aela," nagising ang kaluluwa ko sa mahinang tinapik ni King sa balikat ko. Agad akong napaupo ng maayos at pinakiramdaman ang paligid. Mukhang nandito na kami sa distenasyon namin dahil hindi na umaandar ang sasakyan.
"We're here," mahinang anunsyo ni King sa tabi ko. Narinig kong bumukas ang pinto sa banda ni King so instinctively ay kinapa ko ang paligid para sumunod palabas nang naramdaman kong may humawak sa kamay ko at giniya ako ng maayos palabas. Agad kong naamoy ang pamilyar na pabango ni King nang tuluyan akong makalabas ng sasakyan.
"Thank you," sincere na sabi ko sa kawalan dahil hindi ko alam kung saan siya nakapwesto. Hindi naman siya sumagot at tahimik na giniya ako. Hindi ko alam kung alam kung nasaan kami lalong-lalo na ang daan na tatahakin kaya tahimik at walang angal akong sumunod sa kaniya. Feeling ko tuloy para akong aso na nilabas para mag-walking.
"We're going up the stairs," muntik ko nang alisin ang tabing sa mata ko nang marinig ang sinabi niya.
"Teka, baka mahulog ako," nag-panic na sabi ko. Kahit na alalayan niya ako ay hindi biro umakyat ng hagdan. Hindi nga ako namatay sa kamay niya eh mamamatay naman ako sa hagdan.
"That's why I'll carry you" impit akong napasigaw nang bigla na lang umangat ang paa ko sa sahig. The next thing I knew ay buhat na ako ni King habang umaakyat ng hagdan. Mahigpit akong nangunyapit sa kaniya dahil sa takot na mahulog.
"Huwag mo akong ihulog!" nahihintakutang sabi ko.
"I won't," tipid na sabi niya sa mismong tenga ko. Agad na nanayo ang balahibo ko nang tumama ang hininga niya sa mismong tenga ko. Naalala ko tuloy ang unang gabi na dinala niya ako unang mansion na tinihan namin. Naalis ko naman kaagad ang takip sa mata ko noong gabi na 'yon. Ako ngalang rin ang naglakad papasok ng mansion.
"Hindi ko ba pwedeng kunin na lang ang takip sa mata ko at ako na lang ang maglakad? Ako ang nahihirapan sa sitwasyon natin eh," nakangiwing pagbabasakali ko.
"I have a new set of men tasked to guard the lower ground. It's better that they do not know you so you will remain anonymous to them," tamang-tama naman na nakarating na kami sa taas nang matapos siyang magpaliwanag. Maingat niya akong binaba. "You can remove your cover now," dagdag niya.
Inaasahan ko na ang magandang paligid pagmulat ko pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mamangha nang makita ang kabuoan ng mansion. Sobrang lapad ng paligid at puno ng mamahaling gamit habang ang sahig naman ay gawa sa marmol. Bigla tuloy akong nahiya na umapak sa sahig. Pakiramdam ko ay parang sinampal ako ng sahig na isa akong dukha.
"Wala ba tayong malilipatan na medyo budget friendly?" nakangiwing sabi ko. Ilang beses na kaming nagpalipat-lipat tapos puro mansion. May isa pa ngang mansion sa isla.
"This is just one of our properties," ilang beses akong napakurap at hindi makapaniwalang nilingon siya. Tama ba ang narinig ko? Did he just brag about their property?
"Nagmamayabang ka ba?" hindi ko mapigilang tanong.
"You were asking," he said in a duh tone. I rolled my eyes at him.
"Don't tell me pati ang buong Isla na iyon ay sainyo," sarcastic na sabi ko at mahinang natawa. Natigilan ako nang mapansin na seryoso lang siyang nakatingin sa akin. "Weh? Teka! Sainyo nga iyon?!" nanlalaki ang matang bulalas ko. Pakiramdam ko ay bigla akong nahilo nang tumango siya. Iisipin ko pa lang kung ilang milyon o baka nga bilyon ang halaga ng properties nila ay parang sumasakit na ang ulo ko. He said na it's just one of their properties daw! So it means meron pang iba?
Napakamot na lang ako ng ulo at naiiling na nilingon ang ilang pinto. Hindi ko na lang tatanungin kung ano pa ang ibang pag-aari nila. Mapapahiya lang ako.
"Come with me," sabi niya nang mapansin na hinahanap ko ang kwarto ko. Mabuti naman ay at sensitive naman siya para malaman na inaantok at pagod na ako sa byahe. Gusto ko na lang mahiga at matulog kahit wala pa akong kain. Nakasunod lang ako sa kaniya nang lumiko kami sa isang pasilyo papunta sa pinakadulo na pinto.
'Wow, ginawa talaga akong legit na preso' sabi ko sa isip. King opened the door at nabungaran ko ang napakagandang kwarto na nakita ko sa tanang buhay ko. Sa sobrang laki ng kwarto ay feeling ko parang buong bahay na namin iyon. May sariling sala ang kwarto with complete flat screen tv xbox. Sa kabilang side naman ay may mini kitchen na may kasamang maliit na fridge at meron ding mini stove. Nakanganga lang ako buong pagkakataon.
"Ano to? Kwarto or bahay?" sabi ko nang makahulma sa pagkamangha.
"Both." tipid na sagot ni King habang nakabuntot sa akin. Malapad akong napangiti at tumakbo papunta sa kama nang makita ko iyon. It's a King sized bed kaya kahit magpagulong-gulong ako ay ayos lang.
"Ang lambot!" sigaw ko habang tumatalon sa taas ng kama. Nakatingin lang naman sa akin si King na tahimik na nakatayo hindi kalayuan sa akin.
"Aela," mahinang sambit niya sabay lahad ng kamay sa akin. Natigilan ako at nagdalawang isip kung tatanggapin ko ba iyon. Tinignan siya para suriin kung ano ang gagawin niya pero as usual ay wala na namang expression na makikita sa mukha niya. Simula noong kinuha niya ako ay wala siyan ibang pinakita sa akin kundi kabutihan. Palagi tuloy akong napapaisip kung ano ba ang kailangan niya sa akin pero sa bandang huli ay sumasakit lang ang ulo ko dahil wala naman akong pag-aari na pwede niyang kunin. Well, maliban na lang sa virginity ko.
Bigla akong pinamulahan sa naisip. 'Ano ba naman iyan, Aela' mahinang sita ko sa sarili.
Mahina akong tumikhim at tinanggap ang kamay niya na nakalahad. Inalalayan niya akong makababa ng higaan papunta sa isang tabi. "Just in case you will encounter the same experience last time. I this prepared for you," tinulak ni King ang isa sa mga libro. Napasinghap ako nang biglang gumalaw ang shelf.
'It's a freaking door!' I thought. The shelf itself is attached to a door na kapag tinulak ang libro ay bubukas papunta sa isa pang kwarto. "Wow!" manghang sabi ko at naunang pumasok sa loob.
"This place is bullet proof so they won't hit you in case," napabuka ang labi ko nang makita ko ang ilang pares ng baril at punyal na naka-display sa pader. Nakapaloob lahat ng iyon sa kristal. Sinubukan ko iyong buksan pero nakakandado iyon.
"This light here will turn green when this cabinet it open. It will only open when the alarm of the house is on. You can use these for emergency purposes Aela, not for me and my men," paliwanag niya. Doon ko lang napansin ang maliit na ilaw sa ilalim niyon. Tama nga siya, kulay red iyon.
Surprisingly, hindi ko naman talaga naisip na gamitin iyon laban sa kaniya. Noong sinabi niya lang na hindi ko pwedeng gamitin sa kanila ang lahat ng armas ay doon ko lang din naisip na pwede pala iyon.
'Am I getting too comfortable and trusting with him na hindi ko manlang naisip na gawin iyon?'
"I see, tipid na sabi ko mahinang napabuntong hininga.
Nauna na akong lumabas ng kwarto na sinundan ni King na siyang sumara sa pinto. Namangha ako nang kusang bumalik sa pwesto niya ang libro nang masara na ni King ang pinto.
"Paano kung malaman ng iba na diyan ako nagtatago?" tanong ko. Parang common naman kasi ang mga secret door kaya may ideya na siguro sila pagnagkataon.
"It have a finger print lock. Only you and I can access that door," kibit balikat na paliwanag niya at tuluyan akong hinarap. "I'll leave you here right now if you have no more question," mahinang sabi niya at namulsa.
"Kelan mo ako papakawalan?" tanong ko.
"You already know the answer to that," malamig na sabi niya at tuluyan na akong tinalikuran.
"No, hindi ko alam ang sagot," patuloy na pangungulit ko sa kaniya habang sinusubukang sabayan ang lakad niya papunta sa pinto. Nanghahaba ang ngusong naiwan ako nang walang sabing lumabas na siya ng kwarto. Sinubukan kong buksan iyon pero may passcode.
Padabog na napipilitang bumalik ako sa kama ko. Mukhang wala akong magagawa kundi itulog na lang ang pagkaasar ko.
Ilang beses akong nagpagulong-gulong sa kama pero hindi ako makatulog kahit pagod naman ako at inaantok. "Ang boring naman," bagot akong napakamot ng ulo at bumangon. Napagdesisyunan ko na manood na alng ng tv dahil hindi talaga ako makatulog. Agad kumabog ang dibdib ko nang makitang merong wifi. Pinindot ko ang netflix na button sa remote at totoo nga! Merong wifi.
Nanginginig na kinuha ko ang Ipad na nakalapag sa tabi ng telebisyon. Wala iyong password at connected din sa internet. "Hallelujah!" masayang sambit ko at tinaas ang kamay ko na tila may sinasamba. Malapad akong napangiti sa sarili ko. Sa unang pagkakataon ay mukhang pumalpak si King ah. I tapped on the safari application at bumungad sa akin ang google search. Kiniskis ko ang kamay ko and typed f*******:. Pakiramdam ko ay sumabay sa ikot ng loading button ang puso ko habang hinihintay ko na mag-load ang f*******:.
"Ay ano ba naman 'yan!" bagsak ang balikat na sabi ko nang lumabas ang search error. Muntik ko na tuloy mahagis ang Ipad sa sobrang frustration. May wifi nga hindi naman ako maka-search ng f*******:!
Binalik ko sa home screen ng google and tried to search something else. I type fmovies.com kung saan ako palaging nanonood ng mga movies na gusto ko at lumabas naman iyon.
"Ay p*ta," asar na mura ko nang mapagtanto ang nangyayari. May wifi pero hindi ko pwedeng buksan ang mga sites na pwede akong maka-communicate sa ibang tao. "Nyeta, mukhang ako ang naloko," naiiling na sabi ko at nanghihinang sumandal sa sofa. Tuso din talaga si King.
3RD PERSON'S POV:
I grinned when I saw the frustration on her face when she realized that she can't access everything on the internet. I had most of social media sites blocked on all of the gadgets in her room. I also had some camera installed all over her room to monitor her action.
"King," I immediately closed my laptop and faced Blake who just entered my room. Blake bowed a little bit bago tuluyang lumapit sa amo nito.
"You called for me," walang emosyong sabi nito at maayos na tumindig sa harap ng amo.
"I want you to look for Aela while I am gone," deretsong sabi niya at humalukipikip. Blake looked shocked for a while when he heard his Master. Siya ang palaging kasama nito tuwing may pupuntahan kaya nakakapanibago para sa kaniya na aalis ito ngayon na hindi siya kasama.
"But, King. Who will-" King raised his hand and he immediately halt his words.
"You are the only one I can trust to watch for Aela," seryosong sabi ng amo niya.
Hindi maiwasang mapaisip ni Blake kung sino o ano ngaba ang dahilan kung bakit binili ng amo niya ang babaeng iyon. Nagulat nalamang siya na isang gabi habang binabantayan nila ang isa mga underground auction na pinapatakbo nila ay biglang sumali ang kanilang amo na kadalasan ay walang pakealam sa paligid nito. He even went dirty and killed someone just to have her.
"My King, I'm sorry. But I can't help to think of why we are risking our lives and cover just to protect her," hindi niya mapigilang itanong. In their field of business, they work in shadows. Buying that woman was a blow to their cover.
"We are a family," tipid na sabi ng amo niya habang pinaglalaruan ang hawak nitong ballpen. It is no ordinary ballpen, there's a small button in it that converts the pen into a knife. If his memory serves him right ay regalo iyon ng isa sa mga investor nila who supported their black market.
"I understand," magalang na sabi niya at yumuko sa amo. Their family is very important to them. It means risking everything to protect one another. "I'll do everything I can to guard her," walang emosyong tumango ang amo at tinaas ang kamay, dismissing him. Tahimik na sumunod si Blake at lumabas sa kwarto. Naiwan naman si King na nag-isip ng susunod na hakbang na gagawin niya. There's a lot of problems that is arissing when he bought Aela. That's why he have to leave her for her safety.
He leaned back to his chair and massaged his throbbing head after he read the reports from his laptop. 'Looks like things will be messy' he thought.
- -
✘ R E A D ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘