Mahina akong umungol at kinapkap ang tabi ko at naramdaman na wala na si Alessandro. Kakamot-kamot akong bumangon at nilibot ang tingin ko sa tahimik na paligid. Natigilan ako nang mapansin ko ang maliit na papel na nakalapag sa pwesto ni Alessandro sa tabi ko sa kama. Nag-unat muna ako ng katawan before I picked it up and read it. 8 p.m, tonight. Feel free to take Blake with you in the hospital. Nahirapan pa akong basahin ang sinulat niya. 'Doktor nga talaga siya. Ang hirap basahin ng sulat kamay niya' nakangiwing sabi ko sa isip. Paano ba naman kasi, puro linya lang yung nakikita ko. Muntik ko nang baligtarin ang papel para lang maintindihan kung ano ang nakasulat doon. Saktong kakatapos kong basahin ang sinulat niya nang may marinig akong mahinang katok sa labas ng pinto. Nagmamadal

