"What's with that look?" natigilan ako mula sa pagmumuni-muni habang nakatunganga sa labas ng bintana at winili ang sarili ko sa panonood sa tanawin na dinadaanan namin nang marinig kong magsalita si Alessandro. Kunot-noong nilingon ko siya na hindi ko napansin ay kasalukuyang nakatingin sa akin. "Huh?" bangag na sagot ko. Kasalukuyan kaming lulan ng sasakyan pauwi. For the nth time ay naramdaman ko na naman ang freedom na binibigay sa akin ni Alessandro. Maliban sa iniwan niya akong mag-isa kanina na walang nagbabantay sa akin ay wala na rin taikp ang mga mata ko tuwing bumabyahe kami. "You were drifting off," Alessandro replied. "What seems to be bothering you," dagdag niya. Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin sa kaniya. He seems worried pero at the same time ay hindi ko nam

