bc

Sa Bus, Pauwi

book_age16+
1.1K
FOLLOW
6.2K
READ
bitch
independent
drama
bxg
lighthearted
campus
office/work place
first love
love at the first sight
engineer
like
intro-logo
Blurb

POOR GUY SERIES #1: Kundoktor

I was told to fall in love with engineers. Try to make a relationship with lawyers, or maybe with businessmen or famous artists. Because for them, that's what I deserved.

Pero itong puso ko?

Tumibok para doon sa kundoktor ng bus na sinasakyan ko pauwi.

chap-preview
Free preview
Simula
"Bye, Via! Bye, guys! Bineso ko ang mga classmates ko noong college na nagpasya nang umalis. We are all professionals now. 'Yong iba ay ibang landas ang tinahak taliwas sa pinlano at gusto nila noon, 'yong iba ay nagkaroon na ng pamilya't anak. It felt so nostalgic seeing all my college batchmates’ faces. Napakabilis ng panahon, naging mabagal man para sa akin ang paglipas ng anim na taon, nagulat pa rin ako noong nagbabalik-tanaw ako. It has been 6 years? Parang kahapon lang nangyari ang lahat. “Ikaw, Via, kamusta ka ba? I haven’t heard any news about you.” Matapos ang maingay na kamustahan, inuman, at tawanan, napunta sa akin ang atensyon ng lahat nang tanungin ‘yon sa akin ni Marg. Medyo natigilan ako sa tahimik na pag-inom sa aking wine, saka ako napatingin kay Marg. She’s smiling widely at me. “Nag-asawa ka na ba? Boyfriend?“ Napangisi ako. Actually hindi naman kami sobrang close nito noon dahil sa isang subject lang naman kami magka-klase, pero alam mo naman tuwing reunion, nagiging magkaibigan ang mga hindi naman nagpapansinan noon. Ang medyo ayaw ko lang talaga tuwing reunion ay kamustahan about our status in life. Dapat kapag nagkita-kita ay may maipagmamalaki ka, dapat successful ka na sa buhay, dapat nakabuo ka na ng pamilya, mayroon nang asawa’t anak. Dapat malaki na ang inimprove mo sa buhay, mula sa pagkakakilala nila sa iyo noong college. “Wala pa sa isip kong magpakasal. Saka masyadong busy,” sagot ko sabay tawa. "What? No way! Kahit fiance? Boyfriend?” singit naman ni Michelle. Hindi ko rin naman close ito noon. Nakalimutan ko na nga ang pangalan niya, naalala ko na lang ulit ngayong reunion ng batch namin. “Iba talaga si Via, still as picky as before!” “True! Sobrang choosy talaga! Ang dami niya namang manliligaw kahit noong college tayo." ani ni Geraldine, ang bestfriend ko since college na nakapag-asawa ng artist na irregular student noon sa amin na si JM. Sumingit pa ang isang ito! Siya kasi talaga ang friendly sa aming dalawa. Siya ang mabait. Siya lang rin pumilit sa akin na pumunta dito dahil ayoko nga sana. “Marg, ask her about Marcus. Hahaha! Wala naman dito si Marcus, right?” tumingin pa siya sa paligid para ikompirma. "Oo nga pala, si Marcus! Kaklase natin dati sa Business Management na gwapo. Naging kayo n’on?” tanong naman ni Marg. "Naalala ko dati, patay na patay 'yon sayo e!" "Babaero ‘yon." sagot ko. Luminga rin ako sa paligid dahil baka nandito ang mga tropa ni Lindsey na patay na patay noon pa man kay Marcus. "WEH? Binasted mo? Sayang naman!" aniya. Napakunot ako ng noo saka napangisi. Walang sayang sa lalaking 'yon. Sayang ang p********e ng isang babae kapag pinatulan 'yon. Tss. "How about the Law Student back then? Yung sobrang talino?! What’s his name? Wait, ayun! Si Jared! Gwapo rin ‘yon kahit mukhang nerd, tapos mayaman pa. Both of his parents are Lawyers, tapos alam ko may-ari pa sila ng ilang resorts around Cavite and Bulacan. Don’t tell me—" “Mahangin." sagot ko ulit, remembering all those days. Nanlaki ulit ang kanilang mata. "Wadafudge Via! Sinasayang mo ang pagkakataon! Good catch ang mga iyon!" "Ang gagwapo ng mga iyon! Naku, sana ako na lang nakakuha ng ganda mo! Jusko." Napangiwi ako dahil sa mga reaksyon nila, pati 'yong iba pang ka-batchmate namin ay nakisali na sa usapan. Na-hotseat tuloy ako't napainom ng alak na nasa table. Nandito kami ngayon sa school namin noong college. Sa event hall namin naisipang ganapin ang Batch 2019 Reunion. Tapos na ang event at halos ilan ilan na lang ang natitira. "Oo nga't gwapo ang mga iyon pero magsesettle ka ba sa gwapo lang? Sa mayaman? We're not getting any younger, and we are dating to get married. We are not playing anymore. Hindi ba pwedeng hindi lang mabait rin, humble, may prinsipyo, gentleman, will treasure you, and will show you true love?" Medyo natigilan ako nang tumibok ng mabilis ngunit may pait ang puso ko. As if mayroon itong naalalang tao mula doon sa mga binanggit ko. "In short....?" napaangat ako ng tingin nang sumingit si Marg. "Inshort, hindi nageexist kaya tatanda kang dalaga! Hahahahahaha!" "OA mo. It's not that I'm 30 years old na no, 27 years old pa lang ho kaya ako!" "3 years before you become 30." aniya. "Ikaw na rin ang nagsabi, we are not getting any younger, kaya kung ako sa iyo, maghanap hanap ka na ng makakasama. Mahirap magkaanak ng 30 years old na." sinabayan pa ng halakhak. "You're just lucky you met your Mr. Right already, hmp." inirapan ko si Camilo na nasa tabi ni Marg. They are long time boyfriend/girlfriend as well. "Pero seriously... may nagustuhan ka na ba? I mean, you know?" seryosong tanong ni Huck. Hindi ko alam kung bakit ba ako ang topic, pero kumabog ng napakalakas ang aking dibdib. Biglang nagka-bikig sa aking lalamunan, at pakiramdam ko ay uminit ang gilid ng mata ko. Kahit tingin ko ay pipiyok ako ay sumagot pa rin ako sa tanong niya. "O-oo naman.” Ang mataray at masungit na katulad ko, ang may napakataas na standards DAW, ang mapanghusga na kagaya ko ay nagmahal na. Humiyaw silang lahat at excited na tinanong kung sino at anong pangalan nito. "But I won't tell you." singit ko agad. Pinilit ko ang saya sa tono ko. “S-saka tagal na n'on, huli kong kita sa kanya ay… n-noong college pa tayo." Kumirot ang puso ko, pero pinilit kong itago iyon sa pamamagitan ng matabang na ngiti. "Bakit?" tanong nilang lahat. Si Geraldine na siyang nakakaalam ng tungkol dito ay ngumiti lang ng pasimple sa akin. "Tss, lovelife niyo na lang isipin niyo, huwag na ako..." humalakhak lang ako noong nagreklamo sila dahil tumayo na ako. Mas nakatulong rin ang alak sa akin para medyo maging friendly naman ako. Pero hindi ako lasing o tipsy, nadadala lang ng ambiance. "Uuwi na ako. My mom's waiting for me!" ani ko. “KJ naman!” reklamo ng iba sa kanila kaya muli akong napahalakhak. ”You didn't bring your car, right, Via? You can join us hanggang Baclaran para mag-grab ka na lang pa-Buenavista." suhestiyon ni Geraldine para siguro maiba na rin ang topic. "Uh. No, no. Sinadya ko talagang huwag dalhin ang kotse ko dahil mayroon akong dadaanan pauwi." Medyo nag-alala pa si Geraldine at tinry na isabay ako sa kanila, but I assure her that I can manage on my own na. "Bakit nga pala hindi pumunta si Lindsey dito sa Alumni Homecoming natin?" Tanong ni Monique. Nasa likuran ko sila at naguusap habang naglalakad. Pinagu-usapan nila si Lindsey na kaibigan nila. "Dunno," sagot ng kausap niya. "But I heard nahihiya yata siya sa napangasawa niya..." anito. "Hindi niyo ba nabalitaan? Driver lang ang napangasawa niya. Naalala niyo ba noong inaway niya dati si Via dahil kundoktor ‘yong boyfriend ni Via? Ano siya ngayon? Napangasawa niya pa mismo! Driver! Like, ew?” “Ano ka ba, Monique! Huwag kang maingay, ayon lang si Via oh!” Tahimik na naglalakad lang ako habang nakikinig sa kanila. This is another thing that I hate the most with reunions. People will judge you with who you marry, with what job you had that moment, and your status— kung nakakaawa ka ba o nakakabilib. Kadalasan sa kanilang hindi proud sa kung anuman sila ngayon ay mas pinipili na lang na hindi umattend dahil nga sa mindset na ‘to. "Uhm, bye guys!" Imbis na makisali sa usapan nila ay nagpaalam na ako upang humiwalay na ng landas. Napalingon sila sa akin. "Ay, bye Via! Ingat ka!" I smiled saka tumalikod. Magko-commute lang ako pauwi, katulad ng ginagawa ko noong College pa ako. Mabuti na lang at simpleng Tshirt lang ang suot ko at faded pants, hindi masyadong eye-catching. Nagtungo na nga ako sa istasyon ng bus… It's been 6 years. Same place, different time… and same feelings. Sobrang sumisikip ang dibdib ko, hanggang ngayon ay nandito pa rin 'yong pakiramdam na kailangan kong manatili rito upang maghintay… Dahil... sa bus, na sinasakyan ko pauwi, doon nagsimula ang lahat... at doon rin nagtapos, noong isang araw na naging madamot ang tadhana, at hindi na lang bigla kami pinagtagpo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook