"Let's meet after your shift!" Pahabol na sigaw niya dahilan para tumakbo palapit sa akin si Janica na hindi maiwasan ang maglookback kay Topher. Mas binilisan ko ang paghakbang. "No way... don't tell me Via, isa rin sa mga manliligaw mo si Dan Christopher?" Usisa ni Janica habang naglalakad na kami sa hallway papuntang office. Hindi niya pa rin maiwasang tumingin sa likuran as if makikita niya doon si Topher. Hindi ako sumagot. Kahit ano naman kasing sagot ko e, kung anong inaassume ng tao ay iyon ang paniniwalaan nila. "Oh my gad, ikaw na talaga!" Sabi ni Janica. "Hindi ko akalaing hanggang gan'ong level ang kaya ng ganda mo. Akalain mong nabihag mo ang isang Dan Christopher na isang sikat na singer at anak ng may-ari ng JCG Corp?!" Natigilan ako sa huling sinabi ni Janica. "Anak

