The truth is I don't care kung ako lang naman, pero iba na noong narinig ko ang pangalan ng lalaking gusto ko. Na siya ang pinag-u-usapan nila. Na siya ang sentro ng panglalait. "Akala ko ang swerte niya, pero ba't niya kaya ipinagpalit sina Marcus or Jared for that cheap conductor?" Kumalabog ang dibdib ko noong marinig ko iyon. Unti-unti at nanghihina ang tuhod na napaupo ako sa upuan ko sa tabi ni Geraldine. She quickly held my hand. "Kahit pa gan'on kagwapo, kung kundoktor lang naman pala? Ew!" "Via... just don't mind them." Ani ni Geraldine. I don't really like to mind them but the fact na nakakarinig ako ng gan'ong kasakit na salitang binibitawan nila kay Nico... iyon ang hindi ko kayang pakinggan. Nico's a very good and pure person. He doesn't deserve this… Sumisikip ang dibdi

