Uwian 25: Hintayin Kita

1171 Words

Inasikaso niya na ang bagong dating na bus pati na rin ang mga naunang pasaherong dumating. Kalaunan ay umakyat na rin naman kaming lahat. Napuno pa rin ng mga pasahero ang bus, pero hindi naman sobrang dami katulad noong nakaraan na maraming pasahero ang nakatayo.  Noong settled na ang mga pasahero ay umakyat na rin si Nico dito sa bus na sinasakyan ko. Agad na naghanap ang mata niya sa dagat ng mga tao. Noong mapadpad sa akin ang tingin niya ay saka lang umangat ang gilid ng labi niya. Ganito pala ang pakiramdam nang may naghahanap sa ‘yo sa dagat ng mga tao. It’s a foreign feeling, but it’s warm. "Boo!" Halos mapatalon ako sa gulat noong biglang lumitaw sa gilid ko si Geraldine habang nag-i-space out ako sa loob ng classroom namin. This is my last class. Uwian na talaga at hinintay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD