Natapos na kaming kumain kalaunan. Noong una ay plano kong ako talaga ang magbabayad pero nagulat ako nang siya na 'yong nagabot ng bayad doon sa server. I bit my lower lip and smiled shyly... thinking na baka mamaya ipon niya pala 'yong pinambayad niya sa date namin ngayon. “Tara na?” his eyes smiled at me saka siya tumayo at kinuha lahat ng paper bag ng mga pinamili ko. Tumayo na rin ako at pinansin lahat ng matang nakatingin sa kasama ko ngayon. Mayroon pang isang grupo ng mga babaeng nagtutulakan na para bang ilang tulak na lang doon sa babae ay lilipad na ito papunta kay Nico. Itong si Nico naman ay parang walang nararamdman kahit nagkakagulo na ang mga kababaihan dahil sa kanya. “Via?” napatigil lang ako sa pagtingin sa paligid nang tumigil si Nico sa paglalakad para lingugin ako.

