Napatungo ako at napapikit noong sinabi ko iyon, lalo na noong nalaglag lang ang kanyang panga habang nakatulala sa akin. My gosh, anong kahihiyan ito Via? "You know what? Nevermind." Sabi ko dahil ilang segundo na ang nakalipas pero hindi pa rin siya nagsasalita. Tatalikod na sana ako nang hawakan niya ako sa pulso para pigilan. Napatingin ako dito dahil hindi na niya binitawan. Diretso ang hawak patungo sa kamay ko. "Ano ulit sinabi mo?" I noticed a glint of a smile in his eyes and in his lips. Pula rin ang kanyang mukha lalo na ang tainga. "Ayoko na. Ayoko nang ulitin." I looked away. Alam kong pulang pula na rin ang mukha ko. Binawi ko ang kamay ko sa kanya dahil pakiramdam ko umakyat na yata sa pisngi ko lahat ng init ko sa katawan. "Ano nga?" Halos mag-rumble ang tyan ko nang kuh

