“Bes, okay, listen!” halos mapatili si Laxriel habang binubuksan ang notebook niyang punong-puno ng doodles ng pangalan nila ni Khyro. May mga puso, may ribbon, at syempre — nakasulat ng malaki: Mr. & Mrs. Dravenhart-Chavez. “Meron akong master plan!” “Here we go again.” buntong-hininga ni Serene, habang ngumunguya ng donut sa cafeteria. “Ano na naman ‘yang delulu agenda mo ngayon?” “Step one,” maangas na sabi ni Laxriel, sabay banggit ng mala-MC voiceover: “Public exposure! Kailangan lagi akong nasa tabi niya para masanay ang lahat na kami na talaga.” “Uh-huh…” Serene rolled her eyes. “As if hindi pa sanay ang buong campus na laging nakadikit ka sa kanya.” “Step two!” patuloy ni Laxriel, parang walang naririnig. “Acts of service. Gagawin ko lahat para kay hubby — luto, notes, tubig,

