Mula pa lang sa umaga, puno na ng kulay at ingay ang buong campus. May banderitas sa bawat gilid, mga balloons na nakatali sa gate, at tunog ng speakers na halos sumasabog sa dami ng announcements. Ang mga estudyante ay pabalik-balik, naglilibot, nagsusubok ng booths, at siyempre, nagpi-picture nang walang tigil. Si Laxriel, as usual, hyper na hyper. Suot niya ang special “Foundation shirt” nila na mismong siya ang nag-decorate kagabi—may malaking glittery heart at nakasulat ng “Mrs. Dravenhart to be.” “Bes…” napabuntong-hininga si Serene, hawak ang iced coffee habang sinusundan si Laxriel na parang batang hindi mapakali. “Paano kung makita ni Khyro yang shirt mo? Hindi ka ba natatakot na pagtawanan ka?” “Hello? Bes, that’s the goal! At least mapapansin niya ako. Positive branding strat

