Kinabukasan, balik klase na ulit pagkatapos ng field trip at foundation. Ang buong campus ay parang may hangover pa sa dami ng ganap kahapon — puro kwentuhan ng mga estudyante, may nag-share ng pictures, at may mga nagpo-post ng highlights sa group chat ng buong batch. Syempre, hindi nagpahuli si Laxriel. Pagkapasok pa lang niya sa classroom, hawak-hawak na niya ang phone niya at proud na ipinapakita ang picture nila ni Khyro sa simbahan. “Ayan oh, hubby ko! Grabe, ang ganda ng kuha, parang prenup!” “Prenup agad?” singit ni Serene habang naglalagay ng books sa desk. “Bes, hindi ka pa nga nililingon ng tao, kasal na iniisip mo.” “Hoy, nilingon niya ako no! Pinayagan pa niyang magpicture kami! That’s basically consent sa love story namin,” balik ni Laxriel na parang sobrang seryoso. Napa

