Maagang-maaga pa lang, punô na ng ingay ang buong school ground. Kanya-kanyang bitbit ng bag, baon, at camera ang mga estudyante dahil iyon ang araw ng field trip. Excited ang lahat—maliban kay Khyro na nakatayo lang sa gilid, naka-cross arms at malamig ang tingin. “Bes! Field trip! Field trip!” halos pasigaw si Laxriel habang kinakalabit si Serene. “Ito na ang chance ko. Imagine mo, buong araw kaming magkasama ni hubby, sa bus, sa tour, pati sa lunch—literal whole day exposure!” Si Serene napabuntong-hininga. “Exposure daw, parang virus lang.” “Virus of love,” dreamy reply ni Laxriel habang nakatingin kay Khyro. Pag-akyat ng lahat sa bus, mabilis na tinabihan ni Laxriel si Khyro na nakaupo na malapit sa bintana. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik. “Reserved seat for your wife,” proud ni

