Sa ilalim ng bilog na buwan, kumikislap ang buong kaharian. Ang malalaking torches na nakapaligid sa palasyo ay sabay-sabay na nagliyab, nagbibigay ng apoy na tila sumasabay sa t***k ng gabi. Ang himpapawid ay mabigat, puno ng dasal at panata ng lahat ng naroon. Sa gitna ng grand hall, nakaluhod si Khyro, nakasuot ng ceremonial robes na kulay itim at pilak. Ang disenyo nito ay may nakaukit na mga sinaunang simbolo, tanda ng kasaysayan at kapangyarihan ng lahi nila. Ang kanyang mga kamay ay nakapatong sa espada ng mga naunang hari—isang sandatang kasing tanda ng kanilang kaharian. Nasa paligid niya sina Lucien, Alaric, at Caelum, nakasuot din ng kanilang formal garments, bilang mga saksi at tagapagtanggol. Sa likuran nila, nakahilera ang mga matatandang konseho at mga pinunong bampira na

