NAUUNA si Frank sa pagpasok sa condo niya. Ang pagiging tahimik nito ang lalong gumagatong sa inis niya kay Bridgette. She shouldn't feel this way towards the lady but she can't help it especially when Frank was involved or Shawn.
Was it really true?
Hinaklit niya ang braso nito paharap sa kanya. "Long-term girlfriend. Really, Frank?" she desperately fixed her eyes with him. She will not let this day be waste without confirming to him all their score – Shawn, Bridgette, and him.
"What?" inosenteng tanong nito.
Mapaklang tawa ang pinawalan niya dahil sa inaakto nito. "Frank, hindi mo madadaan sa akin 'yang paganyan-ganyan mo. Kailan pa 'yan? Did you live with her and intimately practice this thing that was beyond a schoolboy shouldn't do?" Paratang niya rito, namimilog ang mga mata at hindi na napigilang magtaas ng boses.
Instantly, Frank leveled her emotion. His brows curled while his eyes were deadly serious. He looks tempted to fight back but he resisted and looks away. "Hindi ako umuwi para ibalik ang nakaraan. I come back because of you." Nauumay nitong tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Akala mo ba hindi ko malalaman na si Winona ang nagpakitang si Vika?"
Saglit siyang natigilan sa gulat o pagkalito. She's struggling with her feelings if she will still hold on the old issue or she will sit on the hot seat that Frank just prepared for her.
"She was now the real face of Vika," dugtong pa nito.
Tiim bagang niyang nilunok ang katotohanang sinabi ni Frank. Indeed, the imaginary spotlight turned to her, at hindi iyon mamamatay kapag hindi niya nasagot ang lahat ng ibabatong katanungan sa kanya.
"Deal. Iyon ang narinig ko sa inyong dalawa. Ibig sabihin, sa ating dalawa ikaw ang tumalikod. Tinalikuran mo ang responsibilidad mo bilang Aldri—"
"Hindi totoo 'yan," putol niya rito. Her chest was bobbing from anger but she have to hold on it.
Pagod na hinilot ng kapatid ang sentido bago bumulong, "Nasaan na 'yung matapang kong kapatid? Si Jyra Keith na palaban at hindi makikitaan nang kahinaan?"
Parang binalya ng ilang ulit ang dibdib niya sa narinig. Lalo noong bumaling sa kanya ito at bakas ang pagkadismaya. "Hindi mo alam ang pinagdaanan ko sa Paris. Takot na takot ako, pero lumaban ako dahil alam kong nariyan ka sa likuran ko. Tapos nang mapanood ko ang comeback, doon ko naramdaman na wala na pala akong sinasandalan. Kapag umatras pala ako, mahuhulog ako sa hukay na may naghihintay sa aking kamatayan." Niluwagan nito ang suot na bow tie at agad umiwas nang tingin. Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nila bago ito muling bumaling sa kanya at bumulong, "You spit on our mothers grave."
"Don't you dare involve her about this!" she roared breathlessly.
"But, you did. How dare you swap yourself for someone's identity? For, what? Kulang pa ba 'yung pamana ni Mommy?" he mocked her.
Umungos siyang sasampalin ito ngunit agad niyang pinigilan. Nanginginig ang mga laman niya sa galit. Ang nagsusumidhing sakit ng mga paratang nito sa kanya ay pinupuno ang mahabang pisi niya at ngayon ay narating na ang limitasyon. She need to release it but then it was not right. Hindi si Frank ang may kasalanan dito. Kung hindi ay siya mismo, dahil pinahintulutan niya ang pagkakamaling pasya. Hinayaan niyang lamunin ng inggit ang kanyang puso. At hayaang maghari ang kamalian na akala niya ay tama at magpapasaya sa kanya.
Taas-baba ang dibdib ay dumistansiya siya rito at tumalikod. She brushed her hair harshly. "You are one of my karma." Nanginginig ang kanyang paghinga at ramdam niya sa buong katawan ang hinanakit at pagsisisi, "Si Pause. Ang pamilya ni Winona. Shawn." Even, Malik. Bahaw na ngiti ang lumandas sa kanyang labi bago nagpatuloy, "Ipinagpalit ko ang pinakamahalagang parte ng pagkatao ko." Malungkot niyang tiningnan si Frank.
Indeed, Frank was her siblings. Her façade of emotion quickly connects with him. His soulful and concern eyes tell her that he understands. That he already forgive her no matter what because she was the only family he has. It makes her heartache that she once become foolish. And now even if she tried to ask the forgiveness of everyone she will never get it back or restart everything.
"Hindi na ako si Vika. Hindi ko na siya makukuha pang muli." Umiwas agad siya nang tingin nang dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. Nanginginig niyang iniyuko ang ulo upang itago sa kapatid ang kirot at sakit.
Frank reached her to bury on his chest. His warmth and comforting embrace makes her realize more the truth. "Masakit pala kapag napagtanto mong hindi na maibabalik ang dating sa'yo," nangangatal niyang bulong.
Frank nodded his head. "Naiintindihan kita, Ate," bulong nito malalim ang iniisip.
Dumistansya siya rito upang tingnan ito.
"Ganyan ako noon sa inyo. Nahihirapan akong ipaliwanag ang nararamdaman ko sa takot na baka hindi niyo ako maintindihn. Lahat nang pinagdadaanan ko, hindi niyo alam ang totoong kuwento. Para saan pa kung malalaman niyo? Tiyak namang lalo lang kayong magagalit sa akin. Ayokong mag-alala kayo sa akin o dagdagan ang problema niyo. Iyon ang isa sa pagkakamaling pinagsisisihan ko. Dapat pala sinabi ko sa inyo. Dapat pala hindi ko kinimkim, kasi ang bigat. Ang bigat niyang pasanin mag-isa. Tapos dumating sa puntong hindi ko na kaya, hindi ako makaahon sa mga ito, hindi ako makatakas dahil hinayaan ko ang sarili kong hatakin nitong lahat. Hanggang sa dumating si Mommy Carla. Sabi niya, kung ano man ang problema ko ay ipagpasadiyos ko.
"Ate, bago mamatay si Mommy. Ang totoo niyan, tinawagan ko siya para sabihing buntis si Bridgette." Umiwas ito nang tingin habang nakatingala. Nakaawang din ang mga labi, pinapawalan ang hanging naipon sa dibdib nito. Sumulyap ito sa kanya, "Nalaman ko sa mga katulong na tinawagan ni Mommy si Bridgette. Sinabi raw ni Mommy na patawarin na ako at balikan para sa bata. Pero may sinabi raw ang nasa kabilang linya na nagpabigat sa dibdib ni Mommy hanggang sa—" Hindi nito itinuloy ang sasabihin at buong tapang na humarap sa kanya. "Pero hindi si Bridgette ang pumatay kay Mommy. Mother was perfectly fine after the conversation but I can't deny that that was one of her heavy load and stress aside from the company."
"At bakit galit na galit ka kay Shawn?" she interrupted.
"I heard from my bro's that Bridgette was deeply in love with him, and he was the reason why Bridgette hides from me about her pregnancy. Marami ring nagsasabi na palaging pumupunta si Bridgette sa condo ng gagong 'yon. Malaki ang posibilidad na ako ang ama pero puwede ring iba. Sana... ako nalang."
"Shut up! Hindi niyo deserve si Bridgette. Paanong naging long term girlfriend mo si Bridgette, kung hindi naman ikaw ang pinakilala niya sa amin na boyfriend niya? Sa kaunting panahon na nakasama ko si Shawn, alam kong hindi niya gagawin iyon. Tiyak ako riyan. Kilala ko kung sino ang gusto niya at hindi ang babaeng 'yon. Sa mga oras na ito alam mo nang hindi ikaw ang ama."
Tumango ang kapatid niya sa kanya.
"Anong nangyari sa bata? Bumalik pa si Bridgette sa stage, a!"
"Hindi ko alam. Wala na akong pake," malamig na tugon nito.
Bagaman nagbago ang kapatid, bakas sa pagkakabagsak ng balikat nito ang pagod. His strong expression might tell he can dodge everything, he is not weak, but in his eyes, she can read how torn and ill he was. He needed help.
"Are you alright?" she asked out of the blue.
"I am perfectly fine."
Sinungaling. Nakangiti siyang umiling-iling.
Ang mga lalaki talaga kailanman hindi kayang magpakatotoo. Kahit gaanong kahina nila, hindi nila ipapakita sa iyo o ipaparamdam iyon. "Do you forgive me now?" she asked her eyes were twinkling brightly as she felt accepted when her brother tsked.
"Si Shawn ba ang kapatid ni Winona?" galit na tanong nito.
Iniwan niya ito sa sala para dumiretso sa kusina. Bigla siyang nauhaw sa hindi maipaliwanag na dahilan. "Gusto mo ng tubig?"
"Yes, please!" sagot nito.
Naabutan niya ang kanyang kapatid na nakaupo sa sofa at tulala. Hinagis niya rito ang bote ng mineral. Napatuwid tuloy ito sa gulat at busangot ang mukhang iniringan siya.
"Friis business is progressing. I saw your video." Anito bago uminom nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"A, 'yung sa Candella." Turan niya biglang natulala sa kanyang cellphone na patuloy na umiilaw. Malik was calling her. Namatay ang tawag, kaya doon lang siya napatingin sa kapatid.
"I think modeling suits you. Bakit hindi mo nalang i-pursue 'yan? Don't worry about Lazarde. I can handle it. Trust me."
Natulala siya sa kumpiyansa ng kapatid. Mukhang nagkamali siya sa nakitang pagod sa mata nito. Mukhang maging ang mismong lakas ng loob ay lalong nadagdagan, parang lumagpas pa nga sa sobrang yabang.
Gayunpaman, ang ideyang bumalik sa pagmomodelo ay kinakatakot niya. She can't understand her sudden fear about that, it was like Winona will get mad. And it was weird.
She shrugged that idea because it was not her top priority as of the moment.
"f**k!" Frank cussed.
Nagulat siya sa biglang pagtayo nito at nagmadali sa pag-ayos ng bow tie. Dahil sa pagkataranta ay lalo nitong hindi maayos iyon.
Agad siyang lumapit dito at inagaw iyon. "Bakit ka ba nagmamadali? Para kang maiiwan sa kasal mo kay Bridgette sa sobrang takot na baka hindi ka siputin."
"Nakakatawa. Sobra," bulong nito sa kanya, humahaba ang nguso.
Tumatawa niyang pinalo ang balikat nito. "Saan ba ang lakad mo?" Dinungaw niya ang pulang marka sa bandang leeg nito. Napangiti siya dahil doon.
"I'm going to meet, Tris."
Umarko ang kilay niya nang matapos sa ginagawa. Mukhang tama pa ang kanyang hinala. "New girlfriend?" she asked pretending innocent.
"Tristan Jacob Caesar, i-search mo nalang. I have to catch him. Mailap pa naman ang isang 'yon."
Naiwan siyang tulala sa nagsarang pinto habang inaalala kung saan niya narinig ang pangalan na Tristan. Biglang sumagi sa isip niya si Roena. She gave her a call immediately.
"He is one of the CEO of Vixie Empire, Ma'am Jyra. Na-receive ko po ang schedule ni Sir Frank sa secretary niya. He has a reservation at Funtastic Club. Kakatagpuin niya po ang best friend niyang si Mr. Tristan. Then, in the evening he has to catch his flight going to Madrid. Congratulations, Ma'am. Elegance just broke the record of International bestselling jewelry. Kinilabutan po ako dahil natalo po ang isa sa popular na tie-up ng Swarovski."
"Salamat, Roena." Pinatay niya ang tawag habang tumatambol ang kanyang puso. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang nakangiting si Carla. Malamang kung itoy' nabubuhay sobrang proud nito sa kapatid.
Sino ba ang mag-aakalang ang isang basagulero at mukhang walang future na si Frank ay maabot ang ganitong tagumpay?
Nakangiti niyang nilingon ang cellphone. Naabutan niya iyong umiilaw. She tried to chase the call but her phone suddenly drain. Nanghihina niyang ibinagsak sa sofa ang katawan at patamad na tumingin sa kisame.
I should make myself busy.
Habang naka-charge ang kanyang mobile, inabala niya ang sarili sa ibang bagay. She answered some of her emails and do some paper works that Roena send her from yesterday. Hindi na siya nag-abalang magluto dahil wala rin namang laman ang refrigerator. She asked for a delivery. And within thirty minutes the food arrived.
When she felt she needed to check her phone, she immediately crept the small space going on the side table. Nakita niya ang sign na fully charged na kaya agad niya iyong dinampot at binuksan.
Nananagana sa miscall at text ang bumungad sa kanya. Pinaghalong pangalan ni Shawn at Malik ang naroon, hindi niya tuloy alam kung dapat ba niyang tawagan ang dalawa o hahayaan niya nalang. Pero sa huli si Malik pa rin ang iniisip niya.
He must be at work now.
Napapitlag siya nang bigla tumawag ang cellphone niya rito. Sa sobrang sensitive at makabago ng kanyang mobile, nahagip lang ang button ay nagkusa na itong tumawag. Kinakabahan niyang pinatay iyon habang namimilog ang mga mata.
Oh my gosh, ano nalang ang iisipin niya?
Muli siyang umupo at tinakpan ang mukha gamit ng parehas na kamay. Naiiyak niyang inisip ang matatalim na titig ni Malik.
Nakakahiya. Ano ipapalusot ko?
Marahas siyang tumayo at nginatngat ang kuko sa hinlalaki. "Really, tumawag ako? Hindi ako 'yon." Ginulo niya ang buhok habang umiiling-iling. That's frigging lame, Jyra. Think something else. "Namalikmata ka lang. Hindi ako tumawag sa'yo." Masigla niyang dahilan ngunit sumagi sa isipan niya ang nag-aapoy na tingin ni Malik kagabi. Umiling-iling siya at agad pinulahan ng mukha.
A-ano 'tong iniisip ko? God!
Walang pag-asa niyang ibinagsak ang katawan sa sofa. Ibinaon ang kanyang mukha sa throw pillow at ilang beses nagtitili sa sobrang hiya.
HINAYAAN ni Jyra na magulo ang buhok mula sa agresibong ihip ng hangin. Tahimik niyang inusal sa isip ang munting panalangin para sa ina. This is one of her plan for today. She will visit her mother before the Candella.
Nang matapos ay saglit niyang inayos ang dalang mga bulaklak. "Frank really hit the top, mom. Surely you'll be proud of him," bulong niya habang nakangiti.
Buhat pagdating dito ay nakangiti siya. Sobrang excited kasi siyang ipagmalaki sa ina ang tungkol sa bunga ng paghihirap ni Frank. Bagaman sobrang hiya naman niya dahil sa kapangahasang ginawa, hiningi na niya iyon ng kapatawaran.
Muling umihip ang sariwang hangin. Katanghaliang tapat ngunit hindi iyon masakit sa balat. Ipinikit niya ang mga mata at hinele ang sarili mula sa mumunting halik ng hanging dumadampi sa kanyang pisngi at braso. Para sa kanya, iyon ang paraan ni Carla upang ipadama ang kanyang walang hanggang pagmamahal sa kanila ni Frank.
"Don't worry, mom. Hindi na ako papayag na maging mahina. Lalaban ako, gaya nang ginawang paglaban ni Frank. Magtatagumpay din ako. Pangako po iyan."
Positibo siyang umalis doon at baon iyon mula sa kanyang biyahe hanggang makarating sa mall. Napag-alaman niyang may maliit na boutique branch ng Candella roon. At kapag pumunta siya roon ibig sabihin ay mapapanood niya ang video na ginawa.
Napaayos siya ng suot na aviator noong naghihintuan ang ilan sa papasok sa boutique para panoorin ang video sa malaking screen. The sight of them watching it and reacting positive makes her heart flattered.
"Ang ganda, ano? Maganda pa kay Vika!"
Napalingon siya kaliwang bahagi dahil sa narinig.
"Mukhang bagong mukha. Sana ma-discover ng Swizz 'yan. Maganda pa nga kay Vika. Alam mo bang si Graciella na ang type ni kuya mula noong ipakita ni Vika ang mukha niya. Sabi niya nawala 'yung sparks. Yung Vikalonian fansign noong nakaraan nilangaw kaya," mahabang turan noong isang estudyante sa kasama nito.
"Tara sa loob. Gusto kong bilhin 'yung floral na skirt."
Sinunandan niya nang tingin ang dalawang papasok sa loob ng Candella.
Nilangaw? Ang ibig ba niyang sabihin ay walang gaanong pumunta? Matamlay niyang binalingan ang video. Bigla siyang nawalan ng gana dahil sa narinig. Paano kung siya ang nasa katayuan ni Winona at mangyari ang ganoon sa kanya? Ano ang gagawin niya?
Malungkot siyang tumalikod at papaalis na sanan nang mapahinto dahil sa kamay na pumigil sa braso niya.
"Sabi na, e."
Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi nang makilala kung sino ito. "Mark?" tanong niya dahil kapwa naka-aviator ang binata at nagbago ang gupit ng buhok.
"Akala ko namamalikmata lang ako. Ikaw nga, anong ginagawa mo rito?"
Tumingin siya sa video bago rito. Napasunod tuloy ang kausap doon. Nagulat din ito sa nakita at nagtatanong ang mga matang bumaling sa kanya. "Kaya pala sabi nila Roderick, modelo ka na raw. Tama nga ang balita, kailan pa?"
Maagap niyang hinila si Mark paalis doon. "Roderick ba ang pangalan noong may kudlit sa kilay?"
Naguguluhang tumingin sa kanya ito. "Si Jacob 'yon. Si Roderick ang matalik na kaibigan niya. Malilito ka sa dalawa kasi magka-height at ang hulma ng mukha parang galing sa iisang kuweba."
Natatawa niyang hinampas ito. "Maloko ka pa rin. Kamusta pala si Nessie at Donna?"
"Ayon, buntis na si Nessie. At si Donna, single pa rin. Ay, oo nga pala, mamaya despedida ng girlfriend ko. Isasama ko sa Dubai, doon na kami magpapakasal."
"Sure, wow! Congratulations, Marky."
"Sunduin ka namin. Hindi ba't sa Nightingale Palace ka nag-stay?"
Alanganin siyang napatango. Kahit naman hindi na siya sunduin basta't sabihin lang kung saan. Kaso ayaw niyang abalahin si Darcy, lalo pa't noong huling lakad niya ay naiwan niya ito.
"Sige. Sunduin niyo nalang ako sa N.P."
"Okay. Deal 'yan, ha. Get ready by nine," Mark teased.
Natatawa niyang tinanguan ito. "See you, then Mark. And say my congratulations to your future wife." She waved her hand before she left him. Nang marating niya ang exit ay agad niyang pinara ang paparating na taxi.
Tinawagan din niya ang mag-asawang Friis para kamustahin ito. They are currently in China. They were very apologetic because of Shawn's action, but then she explained to them that she has fault too. They ended the call with both parties thankful and sorry for their mistakes.
Pasado alas ocho y media nang silipin niya ang kanyang cellphone. Wala na kasi siyang nakukuhang tawag o mensahe mula kay Malik o Shawn. Nagtataka man ay naging abala kasi siya sa pagsagot sa ibang inquires at issue sa Lazarde.
"Hindi po sinasagot ni Sir Frank ang tawag kaya dumirekta na po kami sa inyo, ma'am," si Roena, halatang tensyionado kumpara sa normal na araw na tinatawagan niya ito.
"Sige, ano ba iyon?" Bagaman kinakabahan ay nananatili siyang kalmado habang naglalagay ng base sa mukha.
"Nag-email po 'yung isa sa target investor ni Sir Frank. Naghihintay po siya ng meeting date, kung saan at kailan."
Huminto siya sa pagpakalat ng foundation sa pisngi. "What's with the tension, Roena? Are you alright?"
"Kasi, Ma'am, tumawag si Sir. Malik kanina."
Kunot noo niyang ipinagpatuloy ang ginagawa. "Anong sabi?"
"Sinabi niya lang po na sabihin ko kapag tumawag kayo."
Tuluyan siyang natigilan sa paglagay ng red lipstick sa labi. Something on Malik's action makes her guilty. She changed her mind, she will apply a simple makeup instead of strong.
When she's done, she also ended up the conversation with Roena. She remembered the night he said he will never let her go again. She wanted to believe on that, but whenever Winona is there she doesn't him to get near her. Winona likes him and she believed that Malik at least has feelings for her best friend.
They slept in one bed.
Nagulat siya sa paghinto ng itim na sasakyan sa harapan niya. Gumalaw ang bintana noon at dumungaw ang nakangiting magandang babae. "Hello po, I'm Grace. Fiancee of Mark."
The lady's sweet effect pushed her to smile brightly and hopped in the car. She even handed to the couple her gift. It is a couple ring that she personally designed. Grace almost teary when she saw the decoration. "Thank you, Miss Jyra."
"Oh, drop the formality. Tawagin mo nalang akong Jyra or Keith. She gave her a winked.
They were lively when they entered the place. Nakapalupot siya sa braso ni Grace, si Mark naman ay nauuna sa kanila sa pagpasok.
Isa iyong mamahaling hotel na limitado ang access. Tanging green card holder ang puwedeng pumasok, at naniniwala siyang mayroon noon si Mark. Hindi naman siguro siya dadalhin nito roon kung wala. Natawa siya sa sarili nang masulyapan ang hall kung saan sila pumunta ng ina noong nag-opening ang Swarovski Philippines. Kakauwi niya lang ng Pilipinas para sa bakasyon. She was wearing a sparkling silver tube dress that hugs her body. Winter noon sa Canada habang dito naman sa Pilipinas ay summer. Ang super puti niya at ash blonde ang kulay ng buhok, kaya noong pumasok siya sa pinto ay nakuha niya ang atensyon ng lahat. Some of them can't stop themselves from staring at her. Doon din niya nakilala si Ms. Swizz. Sinabi nitong namamangha sa talento niya at gandang angkin.
"Narito na ang ilan sa mga kaibigan ni Mark. Gusto mo bang sumama sa table nila o bubukod tayo?" bulong sa kanya ni Grace. Nakapasok na sila sa club na kanina pa niya kutob na pupuntahan.
Gaya ng club sa Dubai, parehas ang ambiance nito roon. Kaso ang isang ito ay darker at retro style. Hindi niya halos makita ang sakop dahil sa dilim at mapaglarong ilaw.
"Kayong bahala, Grace. Basta hindi ako hihiwalay sa inyo," sigaw niya rito. Malakas na ang musika noong dumating sila, at nang sila'y papalapit sa tingin niya ay ang mesang para sa mga kaibigan ni Mark lalo siyang nabingi.
Nag-sign ng okay ito at saglit na kinalabit ang boyfriend para ibulong ang sagot niya. Sumulyap naman si Mark sa kanya bago ngumiti. "Ibubukod ko nalang kayo sa mga lalaki. Doon."
Hindi niya gaanong marinig ang sinabi nito, pero noong ituro nito ang bakanteng mesa ay tumango siya. Sumama si Mark sa kanila para makipag-bonding saglit, pero noong nagtatayuan na ang ilan patungo sa sentro ay tumayo na rin ito para kausapin ang ilan sa mga kaibigan sa kabila.
Mark's fiancée was sitting on her left side while another two girls that she just met tonight on her right. They were a schoolmate of Mark. Kay Grace niya nalaman na ang isa sa mga ito ang naging ex ng fiancé niya.
She awkwardly tossed her redheaded slut glass to Mark's ex. She cannot believe that Grace let an ex go along with her fiance. It was really awkward for her but seeing to the woman a genuine and sweet smile makes her realize that she was not that kind of possessive fiancee. Actually, her impression of her was very down to earth and innocent.
"You're a model?" gulat niyang tanong kay Lawrence – ang ex ni Mark.
Iling ang isinagot sa kanya nito dahil kasalukuyan nitong bino-bottoms up ang ikalawang baso. Marahas nitong ipinatong iyon sa mesa nang maubos. "Freelance lang. Inaabangan ko nga ang opening ng Swizz, sasali talaga ako."
She can justify now why Mark chooses Grace between Lawrence. His fiancée was touch with light and sweet while Lawrence was audacious.
"Maganda ka, Jyra. Bakit hindi kayo magsabay ni Lawrence," singit noong bob cut ang gupit ng buhok.
Sinang-ayunan ni Lawrence ang opinion nito. Bagay na ikinatahimik niya. Bigla niya kasing naisip si Winona. Ito ang katumbas ni Grace habang siya ay si Lawrence.
"Uy, Winona?"
Nagitla siya sa biglang paglitaw ni Timmy. Una niyang napansin ang buhok nitong pagkahaba-haba.
"Excuse me, Miss. Jyra ang pangalan niya at hindi Winona." Pagtama ni Lawrence sa kaharap niya.
Hindi manlang binalingan ng lingon ni Timmy ang kasama. Seryoso lamang itong nakatingin sa kanya. "Bakit ka narito? Nasa kabila sila Shawn."
Lumipad sa itaas ang paningin niya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nakita niya si Shawn nakalingkis sa magandang babae. Sa puti noong babae at pagtama ng ilaw sa gawi nila ay nakilala niya kung sino ang babae. Bridgette? Napatayo siya nang biglang umiksena si Frank sa dalawa at binigyan nang suntok sa mukha si Shawn.
No.No. No. You cannot be my brother.