Trouble

3834 Words
TINABIG ni Jyra si Timmy na nakaharang sa daraanan niya. She stormed the staircase of the club the fastest that she can never minding the volume of people on the way. Nanginginig at hinihingal niyang hinanap si Frank. Naabutan niya itong kinukuwelyuhan si Shawn, habang si Bridgette ay nasa gilid at gulat na gulat. Agad siyang lumapit at hinawakan ito sa braso. "Bitawan mo siya Frank. Ano ba!" Nagdidilim ang paningin ni Frank kay Shawn, bakas iyon sa nagngangalit na mata nito at nanginginig na labi. "Gago ka. Talagang hindi ka pa nadadala," asik nito bingi at hindi alintana ang kanyang prisensiya. "Frank!" Iyak niya ngunit tinulak lamang siya nito upang bigyan ng suntok ang kaaway Sinalo siya nila Mark, Grace at Lawrence na sumusunod lamang sa kanya kanina. They were all looks worried, shock and clueless to what was going on. Tumili si Bridgette noong lumanding si Shawn sa bakanteng mesa at natabig ang mga bote roon. Frank looks scary and wild beast crawling on his fray when he walked fast and grab Shawn on his shirt. Tatayo sana siya upang muling pigilan si Frank, ngunit agad lumingon sa kanya si Shawn. Wala itong sinasabi ngunit sa mga mata nito ay malinaw niyang nababasa na ayaw nitong lumapit siya at hayaan lang. Umiling siya at hinila ang braso nila Mark. "Please Mark pigilan mo ang kapatid ko. Please! Please!" Tumalima si Mark ngunit dalawang bouncer ang agad lumapit noong aakmang suntikin ni Frank si Shawn. Pinaghiwalay ng apat na malalaking lalaki ang dalawa. Noong hawakan noong isang lalaki ang kapatid niya'y biglang sumulpot ang dalawang bodyguard ni Frank. May ilang pag-uusap ang mga ito at ipinakita ang VIP card ng kapatid niya. Tinuro rin siya ng isa sa mga body guard kaya lumingon sa kanya ang mga ito at agad tumango. Nananakit ang gulugod niya noong subukang tumayo. Ngayon niya lang naramdaman iyon matapos ang lahat. All the gossipers come back on their own world. Hindi pumayag si Shawn na gamutin ang pumutok niyang labi. Nananatili lang ito sa gilid at matamang nakatingin sa kanya. Frank was all eyes to Bridgette while the girl was crying as if she's the one who got hit. "Hindi ba't kasama 'yan sa parade ni Vika?" the bob cut woman on her group spoke. Sinundan niya ang tinitingnan nito. Nakita niya sa kabilang table si Graciella. Hindi pala nag-iisa si Bridgette rito. She's with Gracy. Her curious eyes drifted to Shawn and to the other tables. Hinahanap niya sila Colin or Pao, dahil malabong mag-isang pumunta rito si Shawn para magsaya. "Mukhang nagkakasiyahan lang sila Bridgette noong biglang sumulpot ang kapatid mo, Jyra. May ano ba sa kanila at galit na galit 'yon?" Hindi niya iyon sinagot. Nanatili kasi ang tingin niya kila Graciella. May kasama itong dalawa pang babae na hindi niya kilala at tatlong lalaki na parang pamilyar. Napaiwas siya nang tingin noong maglingunan ang mga ito sa kanila. Lalo noong tumayo 'yung isang lalaki at lumapit kay Shawn. "Hindi ba't si Winona 'yan. Kilala niya si Frank?" Ngayon alam niya kung bakit pamilyar. Isa ito sa mga inhenyero na kasama naroon sa North Gate noong bumisita siya. Hindi sumagot si Shawn. Hindi na rin ito tumingin sa kanya. "Okay ka lang ba?" si Grace. Inabutan siya nito ng mineral water. Tumagos ang paningin niya sa tubig patungo kay Shawn. Napansin niya ang natutuyong dugo sa gilid ng labi nito. Kinuha niya ang tubig. "Okay lang ako, Grace. Salamat." Agad siyang tumayo para lumapit kay Shawn. Hinila niya ang isang upuan at padarang na ipinatong sa tapat nito ang tubig. Pagkaupo'y kinuha niya ang first aid kit. "Salamat at hindi mo pinatulan ang kapatid ko." Bulong niya rito habang abala sa pagprepara ng panglinis ng sugat nito. Huminto siya nang mapansin si Bridgette na lumabas. Tahimik na sumunod dito si Frank. "Bakit ba kasi pinipilit pa rin ng batang 'yan ang sarili kay Bridgette. Hindi nga siya ang ama. Ang kulit!" Lumingon siya sa table nila Graciella noong magsalita ang isa sa mga babae roon. Napansin niya rin ang pag-irap sa kawalan ni Lawrence. Nang makita siyang nakatingin ay inilingan siya nito habang nangingiti. Tahimik na ngiti ang isinukli niya rito at nag-mouth na manahimik nalang. Pagbaling niya kay Shawn ay nawala ang saya sa labi niya. Pinapanood kasi siya nito. "G-girlfriend mo si Bridgette." Aniya habang nilalagyan ng alchohol ang cotton. Pagbaling niya rito'y bumuntong hininga siya sa pagiging tahimik lamang at hindi pagsagot. Binigla niya ang dikit kaya napakislot sa hapdi ito. "Gusto mo talaga dinadaan ka sa rahas, e." Parinig niya rito, sinasadyang idiniin ang pagpahid. Natigilan siya noong hawakan ni Shawn ang kamay niya. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Shawn was making her uncomfortable. Hinila niya ang kamay upang kumuha ng bandage. Binuksan niya iyon at agad idinikit sa sugat nito. "Mag-usap tayo sa ibang araw, Shawn." Niligpit niya ang first aid kit at aakmang aalis ngunit pinigilan siya nito. Her eyes roam the two tables. She awkwardly look on Shawn's stance especially with his familiar concern eyes. Amoy alak ito kaya alam niyang wala sa katinuan. Ayaw niyang isipin ng iba na may kakaiba sa pagitan nila. She casually come closer to him to give a peck. She even whispered, "I'll be home by the next day." Hinarap niya sila Graciella. "Pasensiya na kayo sa ginawa ng kapatid ko. By the way, my real name is Jyra Keith Aldrich but I am still Shawn's sister—" "Will you shut the f**k up! You are not my sister!" Shawn immediately interrupted her and grabbed her arm. Sa sobrang gulat ng dalawang panig ay magkakasabay itong tumayo. Nagulat din si Jyra sa biglang pagsulpot ng isang bodyguard sa gilid niya. Pinigil niya lamang ang gagawin nito noong itaas ang kamay. Alanganin niyang hinarap ang grupo nila Mark at Graciella. "Lasing lang si Shawn." Nanatili ang mata niya sa pamilyar na lalaki. "Please, iuwi niyo na ang kapatid ko." Marahas niyang hinila ang braso ngunit ayaw papatibag ni Shawn. He even snaked his other hand around her waist. "Shawn, let go of me." Galit niyang bulong dito. He looks struggling of letting her go. That if he did it, she will never come back to him and he feared that happen. "Get off your hands of her." Jyra's back stiffened because of the familiar deep voice. Tinulak niya si Shawn at matagumpay na nakalayo rito. Nang harapin niya si Malik ay bigla siyang nahiya. The image of the night with him flashed on her mind. But she got distracted when he stepped forward and pass through her. Lumapit ito kay Shawn at saglit na may sinabi. Shawn's face hardened but when their eyes met, his eyes become soft and delicate. Wala ito sa sariling tumango at umalis. Nagsunuran ang grupo nila Graciella rito, huminto pa saglit 'yung isang lalaki para tanungin siya. "Hindi ikaw ang totoong si Winona?" Nahihiya siyang tumango. Nagkamot ng batok ang lalaki at napa-atras noong tumagos sa likuran niya ang tingin nito. "Kaya pala parang lalong naging masaya si Shawn. Nasaan pala ang totoo niyang kapatid?" "Ashong, tara na!" Lumingon sa bukas na pinto ang lalaki dahil sa sigaw mula roon. "Sige na, Win este Jyra. Alis na kami. Sir. Malik." Parang maamong tupa itong nagbigay galang bago umalis. Someone cleared her throat. Her eyes landed to Lawrence who's blushing her cheek. Nakatingin ito sa likuran niya at nahihiyang tinusok ang tagiliran niya. "Girl, ang dami mong sikreto. Chikahan tayo next time. Basta sa audition sabay tayo, ha? Kunin ko nalang kay Mark ang number mo." The bob cut lady was blushing too. Hindi na nito nagawang magsalita at nahihiyang kumindat sa kanya sabay sunod kay Lawrence. "Your private matter will be kept secret, Jyra," Mark butted in. Nakahawak ang kamay nito kay Grace na hila-hila sa pag-alis. Nahuli niya rin ang babae na sumuyap sa likuran niya at gaya ng naunang dalawang babae ay namula rin ang pisngi nito. Pagod siyang bumuntong hininga bago humarap sa taong nasa likuran niya. Malik on his fresh and angelic white jacket welcomed her. Now she understands why they were blushing, he looks goddamn hot and his luscious and sweaty lips was an attention grabber. Napakagat labi siya nang matuon doon ang kanyang atensyon. "Bakit ka narito?" tanong niya sa mahinang boses. She even chewed her lower lip and drifted her eyes on his vicious eyes. A man in his complete black suit appeared on the opened door. "Sir. Pilit pong hinahabol ni Mr. Aldrich si Bridgette." Takot ang rumehistro sa isip niya kaya agad siyang tumalikod kay Malik upang dumiretso sa parking. She fears what can Frank do this time. He might be going to kill Shawn because of his strong feelings for Bridgette. Wake up from darkness, Frank. She's not the right woman for you. Please! Biglang hinto siya nang makita sa unahang bahagi ang kapatid habang tulala sa kawalan. Muli siyang tumakbo upang lapitan ito, ngunit nabigla siya sa nasaksihan – tulalang lumuluha. "Frank," tawag niya rito na halos pabulong. It breaks her heart seeing him broken just like that. He must be really in love with Bridgette to an extent he almost gave his all. All along, she thought that he was Casanova. He dated every girl and made them cry. She was wrong. She doesn't know what exactly happen, just a bit of it but she will not let his brother cry once more. This would be the last. "Masakit pala talaga kapag napagtanto mong hindi na maibabalik ang dating sa'yo," wika nito bago siya nilingon. Malungkot niya itong nilapitan, ngunit umatras naman ito sa kanya. "You doesn't deserve her." "You can say that." Pinalis nito ng braso ang mga luhang walang patid na rumaragasa sa kanyang pisngi. "Minahal ko kasi, kaya nagkakaganito ako. You will understand me once you bear this same feelings. It's hard to let go, really." She let out a long sighed. Of all her obstacle, maybe the part of letting Malik was really hard too. If she reached the limit of letting him go because he says so, maybe that was the time to don't hold his hand anymore. "I lied too," he mumbled. "I can't understand you." "Hindi si Tristan ang kinatagpo ko kung hindi siya talaga." Pag-amin nito sa kanya. Umiwas nang tingin ng may mapansin sa likuran niya. "You mean... you didn't come back because of me." "Isa iyan sa rason ko, pero mahalagang malaman ko rin ang totoo tungkol sa kanya." "Then what did you discover? Do you still love her?" "Hindi kita masasagot sa ngayon." Huminto ito para sumulyap sa relong suot. "I have to go." "Makakaabot ka pa ba? Ang buong akala ko ay lumilipad ka na ngayon." Ngumisi siya. "For Bridgette you are willing to risk the special event of yours." Pagak na tumawa ang binata. "Tatawanan ko nalang ang nangyari ngayon." Nilagpasan siya nito upang kausapin ang taong nasa likuran niya. She got surprised when Malik and Frank do a fist bump. "Thanks, man," Frank said afterwards. Malik smirks. "You can always count on me." Natatawang bumaling sa kanya ang dalawa. Siya naman ay palipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Magkakilala kayo?" Frank shrugged. "Ngayon lang. He said he is your friend. A close friend to one of our top investor. That's." Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Malik. Tinging alam niyang nag-aakusa ng kung ano. Humarap ito kay Malik, "Anyway, I hope we can schedule a tour for the project railway. I haven't visited the North Gate, so." "Will sort that next time." Malik gaze on his watch. Nakuha naman ni Frank ang ibig sabihin noon kaya agad itong lumapit sa kanya para humalik sa pisngi. "I will give you a face time when I get to Madrid. One of the elders of Lazarde wants to see you." Tumango siya. She even gave him a light tap on his cheek. "You've been an asshole a while back, but I still love you. You know that right?" Nahihiyang dumistansiya sa kanya ang kapatid. Parang kinikilabutan at nandidiri, "Para kang si mommy. Puwede ba, nakakakilabot. Sige na lakad na ako." She watched Frank ride his vintage Dodge. Kinawayan pa niya ito noong papaikot hanggang sa mawala sa kanyang paningin. Ang muling mawalay sa kapatid ay nag-iiwan ng kalungkutan sa puso niya. Dalawa na nga lang sila pero magkahiwalay pa. It was tough but she have to be strong. Pagod niyang hinarap si Malik na kanina pa siya pinapanood. She weakly smiled at him. Hinawakan naman nito ang kanyang braso para hilain. "Let's go home," he suggested. Lumingon muna siya sa ikatlong palapag kung saan dinig ang musika ng club. Kahit pa nagkaroon ng gulo ay patuloy pa rin ang ilan sa kasiyahan. Just like how the life goes on each time passes by. Kahit ano mang pagsubok ang dumaan kailangan niyang maging handa at matatag. Nakangiti niyang hinarap si Malik. "You talk with the management?" Piniga ni Malik ang kamay niya bilang tugon. His serious gaze remains doubted. Alam niya na ang ibig sabihin noon. Ang eksenang hawak siya ni Shawn ang marahil na gumugulo sa isipan nito. A black luxury car stopped in front of them. Bumaba ang valet doon at umikot para ibigay ang susi kay Malik. Nagtataka niyang pinanood ang pagbukas nito sa passengers door. He didn't say anything but his eyes were telling her to hop in. She slid in quickly. Habang inaayos ang laylayan ng suot niyang knee-length dress ay isinara nito ang pinto at umikot upang makasakay sa driver seat. She can't believe it. Malik has different sets of expensive cars. He must be really high now compared before. He had modern condo unit, bigger than she has. He had a famous name that surely every woman would dare to get his attention, not only because of his name because he was single, rich and good looking. I wonder if he has siblings. Cousins? Lahat kaya sila ay kasing kisig at bagsik ni Malik? She cleared her throat when Malik caught her. Doon niya sa labas itinuon ang atensyon kaya napansin niya kung saan sila patungo. Dadalhin na naman siya nito sa mamahaling condo nito. Muling sumagi sa isip niya ang nabiting pangyayari kagabi. Naiinitan niyang hinaplos ang leeg niya at huminga ng malalim. "Gusto mong lakasan ko ang a.c?" Napasulyap siya kay Malik dahil sa tanong nito. "H-huh? Yes, please." The silent filled their air as she felt awkward on how she will approach him again. Umalis siyang walang sabi kaninang madaling araw. Binitin niya ang dapat ay love making nila. Sinabi nitong hindi na siya papawalan kailanman at naabutan nitong yakap siya ni Shawn. Ipinikit niya ang mga mata ng mariin. Anong gagawin ko? Sabihin ko bang hindi ako sa condo niya matutulog? What if magtabi ulit kami sa higaan? Ngumiwi siya nang maalala kung ano ang nadatnan niya bago umalis sa tabi ni Malik. He was shirtless while hugging her from the back. Was is normal for him or he do it on purpose? Nagitla siya sa biglang paghawak nito sa kaliwang kamay niya. "Where do you want to eat?" Malapot niyang nilunok ang hiyang nadarama. "Let's go to Broccoli Avenue," she suggested. Gumuhit ang tusong ngiti sa labi ni Malik bago dinampian ng halik ang kanyang kamay. "You've been scared to broccoli before. You said someone is living on it so why do we have to eat it." Napangiti siya. Naalala nga niya iyong araw na nagluto si Alice noon. Hinihiwalay niya ang broccoli sa gilid at hindi kinakain. Nagtatampong pinuna ni Alice iyon at ang sinabi ni Malik ang eksaktong isinagot niya. Sobra ang tawa nang mag-ina habang siya'y naguguluhan. "Believe me. It is now my favorite vegetable." She said can't get enough of laughing because of her old hilarious days. Malik added some speed and turn left on the crossing. Sakto malapit lang ang kanilang target place. He perfectly maneuvered the car on the side and parked it. They were silent when they enter. The ambiance of the place makes her feel comfortable, bukod kasi sa may pribado itong rooms nagustuhan niya talaga ang lasa ng luto. "Do you missed our old house?" "Our?" she highlighted as her voice sounded questionable. She flipped the menu book and innocently gaze at him. Nahuli niya itong buong atensyon na pinapanood siya. "I mean, yes I do. How was it now?" "I renovated it. Kapag natapos ay dadalhin kita." She nodded her head when she spotted her favorite dish. Agad namang tinawag ni Malik ang atensyon ng waiter para sa kanilang order. "H-how's Alice?" she asked nervously. She can't help herself to know the truth. Lalo kapag ganitong may ideya siya kung ano ang nangyari rito. Kung pagdudugtungin ang mga nangyari, lumalabas na may utang pa rin ang Hetch sa Twinny. Bakit single pa rin siya kung engaged na ito kay Cielo? Malik shifted his seat to her side. Hinila rin nito ang upuan niya palapit dito. "She was in heaven now. Do you remember Patillon? I still have your man." Nahati ang nararamdaman niya; saya dahil buhay pa ang regaling kabayo ni Alice para sa kanya at lungkot dahil halatang iniiwasan ni Malik ang kuwento tungkol kay Alice. He must be already move. "Gusto ko siyang makita." Malik rested his right arm at the back of her chair. Bahagya rin itong lumapit sa kanya para bumulong, "Gusto mo bukas?" Lumundag ang puso niya sa sobrang saya. Nananabik niyang hinarap si Malik matapos ay tumango. Gusto niya iyon, sobra, lalo dahil kahit papapano mayroon siyang alaala ni Alice. They finished their dinner by talking about the memorable experience they've shared before. Hindi na nga niya alintana ang posisyon nila, basta ang mahalaga sa kanya ay masaya siya at sa mga oras na ito ay wala silang problema. Hindi gaya nang unang gabi niya sa condo ni Malik. Hindi sila magkatabi. Hindi niya sure dahil noong mahiga siya ay hindi pa pumapasok si Malik sa kuwarto. Dumiretso kasi ito sa private room nito habang nasa tawag. Nang siya'y magising ay wala ring bakas ni Malik. Walang lukot ang bed sheet at ang kumot ay maayos ang pagkaka-tack in. Nag-aalala niyang hinanap ito. Dumiretso siya sa pintong natatandaan niya kagabi. Kinatok niya iyon at sinubukang buksan. This is his office? She asked herself while her eyes were roaming the black and white spacious room. May dalawang pahaba na sofa sa magkabilang side at sa dulong bahagi ay may mesa at swivel chair. Sa likod nito ay may malaking bintana na gaya nang estilo sa living room. Agad siyang lumabas doon at dumiretso sa ibaba. Mid-way she stopped when she noticed the kitchen. She tip-toed the distance and peep inside the kitchen. Umarko ang kilay niya dahil walang Malik ang naroon. Where the hell is he? Dismayado siyang umikot nang biglang sumulpot si Malik sa likuran niya at ginaya ang ginawa niya. "Anong sinisilip mo?" inosente nito tanong nang walang makita. Awang ang bibig niya sa pawisang katawan nito. Halos maghurumentado rin ang physical niyang katawan dahil nagngangalit ang anim na tinapay nito sa gawing ibaba. "Do you always do that." Tinuro niya sa katawan nito pero ang totoong tinutukoy niya ay ang pag-ehersisyo sa umaga. Nilagpasan siya nito upang pumasok sa kusina. Bago binuksan ang pinto ng refrigerator ay lumingon ito sa kanya. "Ang alin?" Sumunod siya sa loob. "Iyang... kuwan." Tumingin siya saglit sa v-shape nito at agad umiwas. "Exercise sa umaga." "As much as possible, yes. As a model, you have to take care of your body. So, how do you take care of yourself?" balik tanong nito sa kanya. "I always allow myself to have time on my mini-gym. I have video exercise that my friend Tom always send to me." She casually said, "Thanks." Hinigop niya ang coffee na binigay sa kanya ni Malik. "Hmm... Tom?" His forehead creased with the name she mentioned as if a man name came out from her mouth is bad words. "Yeah." She raised her right eyebrow, confused. "He is my best pal's husband," she added. Malik nodded his head nonchalantly but a ghost of a smile showed on his lips. Was he jealous? Malik looks prepare because he bought her some dresses for their mini trip. Hindi niya na inisip na sukatin iyon kung sakto dahil excited na siyang makita si Patillon. Lalo pa siyang nanabik dahil sa sombrero at boots na binigay ni Malik sa kanya. She was like a real cowgirl. Malik wears a hat and boots too. A perfect cowboy for a cowgirl like her. She smile maliciously when she caught him checking her top. Ang laki kasi noon na parang t-shirt ng lalaki kaya ang ginawa niya ay tinastas niya ang gilid at tinali. Lumilitaw tuloy ang lower abdomen niya. "Why it turns like that?" he grimly asked. "Bakit pangit ba?" The muscle on his face waved as his eyes showed disapproval to it. He took a long sighed and fixed her hat. Mukhang wala na itong magagawa dahil nariyan na. Lihim siyang napangiti at nauna na sa pagsakay sa sasakyan nito. The road going to Patillon's crib was not that far. The barn house on the front row makes her wander around. Sino ang may-ari ng lugar na ito? Napansin niyang walang gaanong kabayo, pero noong lingonin niya ang malawak na field ay napagtanto niyang naroon ang mga ito. Her eyes fixed with Malik when an old man approached him. Tinuro nito ang kabilang side ng lugar. Naramdaman niya sa pagkawala ng saya sa labi ni Malik ang hindi magandang balita. Tumango ito sa ilang pinapaliwanag ng matanda matapos ay nakipag-shakehands. Lumapit agad sa kanya si Malik at nagdadalawang isip kung sasabihin baa ng inaasahan niyang hindi maganda. "Some of the horses are sick, including Patillon. Don't worry he will be alright. Babalik tayo rito kapag gumaling na siya. Anyway, may malapit na resort dito. Do you want to tour around?" She knows that he was just trying her to maintain her excitement, but she can't help but to feel disappointed. They prepared for today, their attire screams for it. Marahan siyang tumango. Nakakahiya rin namang damdamin niya ang maliit na bagay, isa pa magiging okay rin naman daw ito. "Shall we go?" she asked pulling back all of energy to her body. Napangiti si Malik sa ginawa niya. Hinawakan nito ang kamay niya at dumiretso sila sa resort na sinasabi nito. "I will just change my clothes inside," aniya rito noong makapili sila ng cottage. Malik let her. Naniningkit ang mata nito dahil sa biglang init ng panahon. Perhaps today was not perfect for a horseback riding, instead of a fresh water for an unusual not so summer. Tinanggal niya lang ang boots niya at hat, pero ang top niya ay iyon pa rin na tinernohan ng two piece. She put her jeans, boots and hat inside the paper bag. Mukha tuloy siyang nag-shopping sa dala. She was oblivious to the pair of eyes gawking at her body when she passed through the side of the huge pool. Pigura agad ni Malik mula sa 'di kalayuan ang nakita niya. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sun longer at humalukipkip. He was now shirtless pair with summer shorts. And his hawk eyes were hiding on his aviator. "Hindi ako sanay lumangoy," bungad niya rito. Pinalupot nito ang braso sa kanyang baywang at pinatakan ang kanyang noo. "I think I've made a mistake of bringing you here." "H-huh?" She watched him took the paper bag on her hand and put it on their cottage. Hinila siya nito sa sun lounger para lagyan ng sun block. Noong una ay normal lang sa kanya ang ginagawa ni Malik, kaso noong mapansin niya 'yung lalaking dumaan na halatang huminto para lang tingnan sila ay bigla siyang nahiya. Napalingon din siya sa ibang mga naroon. Oh my gosh, bakit sila nakatingin sa amin? Malik took her attention. "Don't worry, baby, I will teach you how to swim."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD