Escape from the reality

4124 Words
MARIIN niyang tinitigan si Malik. He said he'll be watching her so she doesn't need to worry if she got the swamp. Naniniwala siya rito. He will never leave her. Ipinikit niya ang mga mata at hinayaan ang sariling lumutang sa tubig. Sa una at ikalawa ay palagi siyang lumulubog. At sa bawat pag-ahon niya'y palaging nariyan si Malik upang bigyan siya ng lakas ng loob. "Remove your fear from drowning. Think that you are floating. Calm down." He whispered in her ears before him supple a kiss on her forehead. He let go of her and give some space. Humalukipkip ito at banayad na ngumiti. Iwinaksi niya sa isipan ang takot at kinalma ang sarili. I'm going to float. Determined to learn, she slowly let her body lying on the water. This time, she didn't close her eyes. Her eyes landed on the blue sky. Kung paanong magtago ito sa ibat ibang hugis ng mga ulap. Her eyes drifted on the airplane. It was very far but from her position, she can see it as if it was just in front of her. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya nang mapansin kung gaano na siya katagal na lumulutang. Dala nang pananabik ay napatuwid siya at napatingin kay Malik. Instead of showing her bliss experience, she found herself laughing. Malik's both arm snaked around her small waist. "How was it feel?" "I want some more." She said as her heart race. Still, she can't get enough of what happened. Malik chuckled. "Mukhang hindi ka pa rin makapaniwala." Maging siya ay natawa habang tumatango. "Yeah. I was just enjoying the view until I realize I am really floating." Malik caressed the curves of her waist going to her hip. Doon nalipat ang atensyon niya. "Hmmm. Hindi ba't sanay kang mag-swimming?" "Hmmm?" She sighed heavily because of his answer. Malik was obviously not minding what she was saying because he was busy on caressing her back. She was not sure if he was, but the way his finger linger on her back, sending a sensual bolt of electricity. Pumikit siya at napaawang ng labi dahil sa kiliting dala noon. "I w-wanted to see you doing it." She opened her eyes and caught his hand. "I don't want to enjoy the pool alone." She drifted her eyes on the water. Naging hindi siya komportable sa isang iglap at hindi makatigin dito. Pakiramdam din niya ay naramdaman ni Malik ang naramdaman niya kanina. Hinapit siya nito upang bumulong, "I do enjoy it, baby." She smiled sheepishly. Kahit kailan talaga ay hindi niya mapigilang ma-intimidate dito. The way his hawk eyes boring into her body makes her uncomfortable. "Let's swim, then?" Unti-unti siyang pinawalan ni Malik. Ngumisi siya noong tuluyang kumawala rito. Binalya niya ang tubig bago lumusong at lumangoy. Nasa mababaw lang sila na parte ng pool, kaya noong hindi niya na kayang huminga at pakiwari niya ay hindi niya na abo tang sahig ay agad siyang tumigil. Hindi naging malayo ang distansiya na nagawa niya, pero kung ikukumpara noon ay ito na yata ang pinaka-mahabang nalangoy niya. Luminga siya upang hanapin si Malik ngunit hindi niya mahanap kung nasaan ito. Nawala ang ngiti sa labi niya at nagsimulang kabahan. Malik? Napaigtad siya nang biglang may kamay na humawak sa magkabila niyang baywang at umangat sa harap niya si Malik. Muli itong lumangoy palayo sa kanya. He float for a couple of minutes and when he felt the heat on his body he dive going back to her. Marahas nitong pinalis ang tubig sa mukha matapos ay tinitigan siya. "Are you satisfy now?" Pilya niyang nginisihan ito bago tumango. Napansin niya kasi ang ilan sa mga kababaihan na tumigil sa kani-kanilang ginagawa para lamang tingnan si Malik. Nauna siyang umahon at agad lumapit sa sun lounger nila. Bago pa man nila maabot ang towel ay naunahan na siya ni Malik. Walang imik nitong tinuyo ang buhok niya maging ang ilang parte sa katawan niya. When his done, he took the bath robe and put on her. "Where do you want to eat?" He asked her while drying his own body. Tinikom niya ang bibig sa naisip na pagkain. Matagal niyang pangarap na kumain ng pizza. Iyon ang isa sa pinaka-ayaw ipakain sa kanya noon ni Pause. Pizza, burger, fries at Ice cream those are the unhealthy foods that extremely prohibited to her. Malik arch his brow when she didn't respond. "Why?" He asked as if he knows what's on her mind. She heave a deep sigh. Hindi na siya si Vika, bakit ba siya natatakot sumuway? "Gusto ko ng burger... double deck, wait... may triple deck bang ganoon?" Pumitik siya sa kawalan. "With strawberry ice cream, please!" Malik backs a laughter. "Alright. We will order everything you wanted." Ganoon na nga ang nangyari. They google map the mushroom and burger. Naintriga kasi si Jyra sa patty na gawa sa mushroom. Nasa tawag si Malik noong ilatag ng Waiter ang order nila. Siya nama'y napakagat labi pa noong makita ang double decker na burger. Double-decker burger looks yummy. She followed the glass of strawberry ice cream. May decoration iyon na lalong nagpatakam sa kanya. Hindi naman malalaman ni Pause ito. "Enjoy your meal," the waiter said. "Thanks," aniya sa Waiter. Nang balingan niya si Malik ay nakatingin na ito sa kanya. "Carbs, ha?" tukso sa kanya nito. She was cleaning her hand using the sanitizer. Dinampot niya ang burger at piniga iyon. "I can burn it." The side of Malik's lip rose in amusement. "Hmmm... and I know the most effective way to burn it." Tinaasan niya ito ng kilay. Alam niya kung ano nag tinutukoy nito pero itinapon niya sa malayong lugar ang ideya na iyon dahil masyado siyang excited sa pagkaing nasa harapan niya. They've talked about the railway. Since North Gate was kind of far from the main city, a railway will do to have a better access. Maraming benefit ang maidudulot noon. At dahil makabago ang proyekto sa North Gate ng Vixie Empire, naayon ang kanilang project at sinang-ayunan na ng tatlong head ng Vixie. While adoring the food she can't help but fall deeply with Malik too. Hindi niya kasi inaasahan ang ganitong pagtulong nito sa kompanya ng ina. At lalo ang malamang future investor pala ito. Lazarde was big, but now it is becoming bigger. Hindi niya sasayangin ang oportunidad na ito. Tutulungan niya si Frank. If he made it to Paris, she can do it here in the Philippines as well. Pinupunasan ni Malik ang sariling bibig noong sumulyap ito sa labas. Napalingon din tuloy siya roon. Napansin niya ang nag-aagaw kahel at asul na kulay. I enjoy the day with you Malik. Ibig bang sabihin nito ay tapos na ang oras nating magkasama? She glanced back at him. Napalunok siya nang makitang titig na titig sa kanya ito. "Colin called me. Today is his birthday." Dinampot niya ang natitirang sanitizer. Habang kinukuha ang wet towel ay tumango siya. Going there means she will see Shawn, but Colin is a good friend and if they didn't go, she is rude. "We can drop by. We're not going to stay long," suhestiyon ni Malik. Hindi siya umimik. Something on the back of her head was saying don't go, but that was rude. Walang dahilan para hindi siya pumunta. Umangat ang tingin niya kay Malik nang maalala na alam nitong may hindi maganda sa pagitan nila ni Shawn. Perhaps, he was thinking the same thing. Muli siyang tumango. "Will not stay long," she agreed. Malik was just staring at her. Tinitimbang ang kanyang isinagot. Hindi nga nito nilingon ang lumapit na waiter para ipatong ang bill sa mesa nila. She dropped her agonizing thought and forced herself to smile. "Because I have to burn this heavy loads later. You know." Nagdaan muna sila sa isang mall para bumili ng regalo. Malik suggested a watch and she agreed on that since he's a man too. And a close friend of Colin. They drove off to Colin's Mansion. Hindi niya inaasahang ang natunghayan. The mansion was very Spanish Vintage style. Malayo sa pagiging modernong tao ni Colin. Tipong kapag pumasok siya roon ay kakailanganin niyang magsuot ng pangmaharlikang damit at malobong gown. Lumingon siya kay Malik. Gusto niyang magtanong kaso pinigilan niya nalang. Baka kasi magduda pa ito sa pagiging usisera niya. Malik stopped the car on the entrance of the mansion. Nauna itong bumaba upang umikot at pagbuksan siya. She wears a conservative black flare dress. As usual, Malik pick the design. Hindi na kasi siya umuwi dahil magagahol sa oras. Hindi niya rin kasi inaasahang may kalayuan ang lugar ng mga Fuentebella. Kanina pa niya pinipigil ang sariling 'wag matawa habang papasok sila. Everything inside was very far from the Colin she'd knew. Una nilang nakilala ang ina at ama nito na sobrang pormal. Hindi niya tuloy malaman kung kanino ito nagmana. Pero nang makita niya ang lolo nito, doon niya na naintindihan. "Alam ko ang iniisip mo," bungad sa kanya ni Colin. Doon na siya bumungisngis at mahinang pinalo sa balikat ito. "Hindi lang talaga ako makapaniwala." Colin laughed heartily, "Hindi ka nag-iisa." Sinulyapan nito ang kasama niya. "Iyang kasama mo, bully ang inabot ko noong high school. Anak lang talaga ng taran." "Heaven mga tao rito. Ikaw lang ang demonyo, Colin." Pao butted in, he raised his flutes to them. May kasama itong babae na sa tingin niya ay ang girlfriend ngayon nito. The woman eyed her from head to toe before glancing the man on her side. A mocking smirk rose on the woman's face. May idea na siya kung bakit ganoon iyon makatingin. Kalat sa media ang katotohanang girlfriend ni Malik si Vika, ano pa bang maaaring isipin nito?   "Siraulo. Mabait kaya ako," Colin defended himself.   Fred joined them. At gaya ni Pao ay may kasama rin itong babae. Parang siya ang panira ng gabing iyon dahil maging ang kasama nitong babae ay masama rin ang tingin sa kanya. Nagtawanan ang mga lalaki habang siya at ang dalawang babae ay may sagupaan. "Malik is that you?" Lahat sila ay napalingon sa likuran niya. Napahiwalay siya kay Malik dahil sa paglapit ng babae para halikan si Malik sa pisngi. The woman was obviously ranging with Malik's age. And her voluptuous butt and revealing cleavage from her black peplum dress make her captivating. Who is she? "Sino ba 'yang kasama ni Malik?" she heard from her back. "Shut up, Clara." Nilingon niya si Pao na siyang nagsalita. Nahuli niyang masama ang titig nito sa kasamang babae. So, your name is Clara. Napabaling siya kay Malik noong haplusin nito ang baywang niya. "Are you alright?" Hindi niya sinagot ito. Hinahanap niya iyong babaeng lumapit dito. Nakita niya itong nasa kabilang grupo na ng kalalakihan. Sumingkit ang mata niya nang mahuling sumulyap ito sa kanila ni Malik. Pinatong niya ang kaliwang kamay sa dibdib ni Malik nang hindi inaalis ang titig sa babae. "Maybe we can stay for another couple of minutes," she whispered. "Guys, join us here." Tawag ni Carl sa kanila sa may pinakamalaking mesa. Sabay silang lumingon doon ni Malik. "Sabihin mo lang kung gusto mo ng umalis." Ganting bulong ni Malik habang palapit sa kinaroronan nila Fred at Pao. Colin was busy. Given na iyon dahil kaarawan nito. Kasalukuyang hinahanda ang pagkain sa bawat mesa nang anyayahan sa sentro ng bulwagan ang matandang Fuentebella. Dito nakuha ni Colin ang pagiging maharot. The way he speaks screams humor. Hindi sarcastic, flawless ang paraan nang pagbibiro nito. Marami sa mga bisita ang labis ang halakhak noong tuksuhin pa ng ginoo ang apo na gusto niyang maabutan ang apo nito sa tuhod. Something on her eyes landed on the corner of the place. Nahuli niya ang babaeng ngimi sa gilid habang nakatingin kay Colin. Her dress was just like her, too conservative. "Relax, Lo. Bukas bibigyan kita ng tatlo, ano bang gusto mo Dalmatians?" Umingaw ang bulawagan dahil sa masiglang tawanan ng lahat. She's clapping her hand from the gift that Colin received from his grandad until she caught the familiar woman on the other side. Mrs. White? Bumaling siya kay Malik noong maramdaman ang haplos nito sa hita niya. "Are you alright?" he worriedly asked. She smiled at him. "Ibigay na natin kay Colin ang regalo niya?" she diverted. Malik nodded his head. Hinintay nilang matapos ang ilan sa mga kamag-anak ni Colin. At noong lumapit ito sa table nila, doon na siya tumayo para ibigay dito ang kanilang regalo. "Wow. Mahal 'to, ah?" Manghang nagpalipat-lipat ang tingin ni Colin sa kanila ni Malik at sa relong hawak. Ang pamilyar na ngisi nito ay nagsasabing sobrang nagustuhan ang kanilang regalo. "Nasa ibang bansa kasi ang jowa kaya nilalandi si Malik." Nilingon niya si Clara. Hindi niya alam kung bakit mainit ang dugo nito sa kanya, gayong wala naman siyang ginagawa rito. The other boys greeted and give their gifts to Colin. Hinayaan din niyang panandalian na makisama si Malik sa mga ito dahil alam naman niyang magkakaibigan ang mga ito noon pa man. Sumulyap siya sa kanyang cellphone noong umilaw iyon. Shawn: Look at your back Kinakabahan niyang tiningnan si Malik na nakikipag-shake hands sa ilang katandaan ng Fuentebella. Hindi niya magawang lumingon sa likuran dahil hindi niya alam ang posibleng mangyari kapag nagkita sila ngayon ni Shawn. Tonight is still not the right time. Maraming matang nakamasid sa kanya. Wala pa nga siyang ginagawa ay galit na ang mga ito sa kanya, paano pa kaya kapag nakitang may kasama siyang ibang lalaki? Muling umilaw ang cellphone niya. Shawn: Let's talk. Shawn: Please Shawn: Jyra let's talk. Ang lakas ng kalabog ng dibdib niya. The way Shawn send a bunched of the message makes her think that he might lose his patient. Umangat ang tingin niya upang muling tingnan si Malik. To her surprised Shawn is with them. He was nodding his head to one of the old women of Fuentebella. Tumingin ito sa kanya ngunit muling ibinalik ang tingin sa kausap na matanda. "Baby, let's go?" She'd almost jumped on her sit when Malik cover her vision. "Y-yeah. Sure." Kinuha niya ang pouch sa mesa at napatingin kay Clara. Inirapan siya nito bago umiwas nang tingin. Malik was holding her hand when they leave. Hindi na siya lumingon. She's afraid really. She doesn't exactly know why, but Shawn's action lately makes her fear him. And, that girl Clara, she's getting on her nerves really. Bago lumiko ay sinubukan niyang sumilip sa likod. Nakita niya iyong babaeng tinutukoy niyang Mrs. White. The woman was staring roughly at her. "O, aalis na agad kayo?" Napahinto sila ni Malik dahil sa ina ni Colin. Nginitian niya ito. "Good evening, Mrs. Fuentebella." The woman smiled as well, "Good evening din." Bati nito sa kanya, bumaling kay Malik. "Ang gandang dalaga nito, Malik. Siya na ba ang bumihag sa iyong puso?" Ang pagiging pormal sa pakikipag-usap ni Mrs. Fuentebelle ang dahilan sa paglingon niya sa kasama. Bukod sa curiosity sa sagot nito ay gusto niyang malaman kung paano ba kumausap ng isang formal na tao? Malik reached the woman's hand and kiss her knuckles. That makes her surprised. Marahang binitawan ni Malik ang kamay nito at agad bumaling sa kanya. He snaked his hand to her waist. Napuna niya agad ang pagkamangha sa mukha ng ginang. "Yes, she is," Malik rustled on her ears. "Alice will surely regret of not seeing her. Kung hindi mo lang naunahan ang Colin ko, gusto kong ang gaya niya." Natawa siya sa sinabi nito. Kahit papaano'y hindi naman pala formal ang ginang. Nagkamali siya ng husga. O, baka dahil kakilala nito ang kausap? "You bet," ani Malik, sinakyan ang biro ng kausap. Nahihiya niyang pinalo sa dibdib si Malik. "I like Colin. He's a good guy. For sure he will find the perfect woman for him." Tumawa ito sa kanya. "Naku, 'wag mo nang purihin ang anak ko. Alam kong maraming kalokohan na ginagawa 'yon." "Mama, join us. Dumating na si Mr. Suarez!" Dahil sa sigaw na iyon ay agad silang nagpaalam dito. Mrs. Fuentebella gave her a peck on her cheek. Ganoon din ang ginawa niya rito. Katahimikan ang namayani sa pagitan nila ni Malik sa kanilang biyahe. Gusto niyang sabihin dito ang tungkol kay Mrs. White ang kaso'y naisip niyang sarilinin nalang. Bukas ay pupuntahan niya ito. Siguro kaya niya ito nakita sa parehas na lugar ay dahil kailangan niya ng muling bisitahin. Hinatid siya ni Malik sa Nightingale Palace. He was holding her hand until they reached the door of her sacred place. Inangat niya ang tingin upang masdan ito. Malik was towering her. His broad shoulder and massive stance were very powerful. It does compliment his menacing expression. Mangliliit ka kapag nasa harapan nito. "Thank you. I enjoy our swimming lesson," she broke their silence. Malik gripped her hand. Bakas sa paraan nang paninitig nito na ayaw pang umalis. Lumingon pa sa pinto. Alam niya ang ibig sabihin noon. She heave a long sigh. "Good night, Malik." Tumango ito at mabilisang pinatakan ng halik ang kanyang noo. "Good night, Jyra. Go inside now," utos nito. Sinunod niya ang sinabi nito. She unlocked the door and open it. Agad siyang humarap dito mula sa nakauwang na pinto. "Text me when you got home." Pahabol niya bago sinara ang pinto. Saglit siyang nanatili roon habang nakapikit ang mata. Today, we escaped from the reality. And tomorrow, we will face the huge waves of trials of what we did today. Sa pagmulat niya nang mata nang araw na iyon ay tawag agad sa Candella ang umagahan niya. Riding the BMW, she drove off to the main. Mr. Ross wants to help her portfolio. Ang naging feedback kasi sa video niya sa Candella ay pumutok sa madla. May ilang interesadong company ang gustong makilala siya. Kalakip noon ay kakailanganin ng samples. She's on the phone with Mrs. Friis when she stepped her feet out on the elevator. Three ladies in casual attire eyed her from head to toe. Habang tumatagal parang nasasanay siya sa ganitong pagbati. Kapag talaga bago ka sa paningin nila iniisip nilang wala kang karapatang magtaas ng noo o magbuhat ng bangko. Dapat ay hanggang sa lebel ka lang ng pagiging bago dahil mas matagal na sila. I don't give a s**t. "Yes, I am here now. Kailan po kayo uuwi?" Nahuli niyang bumulong sa katabi niya iyong babaeng nasa gitna. The lady on the left uses wig. Iyong gaya ng kay Sia. Halata iyon noong tumango at lumingon pa sa kanya. "Miss ko na po kayo. Sige po. Mag-iingat po kayo riyan. Bye!" She put back her phone in her sling bag and greeted the three ladies, "Good morning!" Sabay-sabay na umismid ang mga ito. Ngumisi siya dahil doon. Hindi naman nagpasabi itong si Clara na marami palang gaya niya. Sa susunod paghahandaan ko ito. "Anong oras na? Kanina pa kami rito, ngayon ka lang." Reklamo noong naka-brush up ang buhok. Sumulyap siya sa relo at inalala ang sinabi ni Mr. Ross. "I'm not late. Actually, I'm early. Bakit ka nagagalit?" buwelta niya rito. Halatang na-offend 'yong babaeng naka-wig. Tumayo ito pero humalukipkip lang. "Kanina pa kami rito. Hindi kami pinapapasok dahil apat daw dapat na babae. Ikaw ang dumating, so ikaw ang hinihintay namin." "Hello!" Naguguluhan niyang tiningnan ang babaeng kakarating lang. She's pretty but messy because of an obvious reason. Taas ang kilay niyang binalingan ang tatlong babaeng hindi rin makapaniwala. "Tingin ko. Hindi ako ang rason kung bakit hindi pa rin kayo pinapapasok." Aniya, dumiretso sa pinto para itulak. Some of the staff greeted her. She teasingly stayed at the open door. Tinawag niya ang isa sa mga facilitator ng photoshoot at tinuro ang tatlong babae. "Who are they?" she asked, mimicking of how they eyed her from head to toe. "Ay sila po ang makakasama niyo sa shoot, Ma'am." Mahinahong sagot ng babae, bmaling ito sa apat na babae. "Sa dressing room nalang." Tinuro nito ang kabilang daan. "Diretsohin niyo lang 'yan at sa pinakadulo kumaliwa kayo." "Ano bang theme?" singit niya rito. "Hot girls on the club, Ma'am." Tumango siya at sumunod dito patungo sa kabilang set. She has a separate solo photoshoot. It was about modern Tinkerbell. Ang bagong design para next month ay peplum dresses, pero ang sa Candella ay may twist. She's excited when she scanned the samples. She grabbed her quick breakfast. Her twenty minutes preparation were very fast. Hindi nga niya matandaan kung nanguya ba niyang maigi iyong croissant. "Beautiful. Look up and add some drama!" Mr. Ross shouted. Tumingala siya at hinaplos ang leeg. Her eyes were drowsy when she glanced at the camera. Napansin niya ang ngiti sa labi ni Mr. Ross, marahil ang nagustuhan nito ang post niya. She walked a little and face forward. "Very good. Keep it up, Jyra!" Mr. Ross shouted while checking the camera. Humiga ito sa sahig at sa ganoong posisyon ay kinuhaan siya ng larawan. That reminded her about Mr. Chen. All the models of Swizz like him because he's lively and exotic. His ideas were exquisite and fascinating. Mahirap ang madalas na stunts na naiisip nito pero panalo kapag nakuha niya ang perpektong anggulo. "Okay, let's move to next phase." Mr. Ross shouted. Tinawag nito ang isa sa staff. "Tell Cinder to changed Jyra. The hotter the better make-up." Lumingon ito sa kanya. "I will assure you that you will not regret coming here." Ngumiti ito sa kanya bago sinagot ang tawag. "Honey, she's here. I told you she will come. Pumunta ka rito at nang makilala mo siya." Nagpahatak siya kay Cinder ngunit nananatiling nakatingin sa ginoo. "Ingat, Honey. I love you." Ngumiti siya rito noong sumulyap sa kanya. Mali kasi ang unang impression niya kay Mr. Ross. He is respectable and gentleman. And she's glad that there's still a good man in this world. Pinapanood niya sa salamin kung paano lagyan ni Cinder ng smoky effect ang kanyang mata. Cinder is like her famorite make-up artist in Swizz. Parehas silang may mabilis na kamay at palaging maganda ang resulta. Ang ipinagkaiba lamang ay si Cinder alam ang itsura niya habang ang kilala niya ay hindi. Kamusta na kaya siya? Her eyes drifted on her phone. Malik is calling her. "Hello?" She completely closed her eyes when Cinder tells her to do so. "Good morning. Where are you?" Napangiti siya sa boses nito. "Kakagising mo lang?" "Hmmm. Miss na kita agad. Can I see you?" "I'm here in the main. Maaga akong gumising. Wala ka bang pasok?" Dumilat siya nang maramdaman ang pagbaling ni Cinder sa kanyang buhok. Nahuli niyang nakangisi sa kanya ito. Inilayo niya ang cellphone para bulungan ito. "Anong nginingisi mo riyan?" "Si Ma'am talaga. Kaya blooming. Papuntahin niyo po rito." Tukso sa kanya, busy sa pagplantsa ng kanyang buhok. Lumapad ang ngisi niya dahil doon. Some part of her was telling why not, but hell she might lose her focus if he did. "I have work today. But, I can pick you up when you're done." Medyo napalakas ang boses ni Malik kaya narinig ni Cinder. Bahagya itong tumili para sa kanya. "No. I mean, Malik, you don't have too." "I badly wanted to see my baby." Napakagat labi siya noong hindi na napigilan ni Cinder ang mapa-upo sa kilig. Tinakpan pa nito ang bibig para hindi marinig ni Malik ang pagtili nito. Tinitigan niya ng masama si Cinder. She even mouthed her to shut her mouth. "Silly. Baka matagalan pa kami rito. Maraming phase at ideas kaya hindi ko alam kung anong oras matatapos." And why I am explaining myself as if I wanted him to pick me up for real? Tiningnan niya mual sa salamin si Cinder. Namumula sa pisngi nito sa sobrang kilig na para bang ito ang kausap ni Malik at hindi siya. "Alright. In one hour I'll be there." Napadiretso siya sa upuan dahil doon. Samantalang si Cinder ay hindi magkamay sa pagtili. Bumukas ang pinto at niluwa ang nagtatakang si Mr. Ross. "Are you guys alright?" Nagkatinginan sila ni Cinder at inosenteng tumango. Kunot na kunot ang noo ni Mr. Ross lalo noong tumingin ito kay Cinder. "Okay, bilisan mo Cinder. Five minutes, Jyra should be in room five." Wala nang inubos na oras ang dalawa. Ganoon nga ang ginawa ni Cinder habang siya naman ay biglang kinabahan. Room five photoshoot done in less forty minutes. Aminado siyang magaling ang tatlong maldita kanina. Nagbago ang mga itsura nito noong maayusan. Hindi nga niya nakilala. At naging mabait din sa kanya. "Ma'am, sorry nga po pala kanina." Iyong naka-wig na ngayon ay naka-balck long hair na. "It's okay. I enjoyed working with you. Basta 'wag niyo ng uulitin ang attitude. Hindi iyon maganda." Sinulyapan niya ang late na babae. Tahimik lamang ito at halatang bully ng tatlo. Naka-ilang iling siya sa mga ito nang talikuran upang dumiretso sa dressing room. Cinder assisted her for the next outfit. Isang hilera ng one piece at two piece ang mga naroon. She can wear them actually, but being watched by Malik on the shoot while wearing those makes her uncomfortable. Bakit kasi swimsuit pa? Isinuot niya ang itim na one piece. It was shiny and crisscross on the back. Sobrang hapit noon sa katawan niya. At some point, it suits the background but when she knew that she will be assisted by a male model she speaks with Mr. Ross. Hindi ito pumayag pero sinabihan naman siyang 'wag masyadong dumikit. Habang papasok sa room six ay natigilan siya noong sabay-sabay na lumingon sa likuran ang mga kasama niya. Malik in his dashing corporate attire filled her system. Inasiste ito ng kanyang maharot na make-up artist na si Cinder. He was treated VIP with the staff. Binigyan pa ng upuan pero hindi pinansin dahil titig na titig ito sa kanya. Perhaps, this is one of the trials of reality. She heave a long sigh. Anong gagawin niya ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD