NAALIMPUNGATAN si Olivia mula sa pagkakatulog ng marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya. Nakapikit ang mga matang kinapa naman niya ang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng bedside table niya. At bahagya niyang iminulat ang mga mata para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya. Hindi nga din niya mapigilan ang mapakunot ng noo nang makita kung sino ang tumatawag sa kanya. Si Alexis. Tiningnan nga din niya ang oras na nasa screen ng cellphone niya at nakita niyang alas dose na ng hating gabi. Why is he calling at this hour? Pero mayamaya ay nagkaroon ng ideya si Olivia sa dahilan kung bakit ito tumatawag sa kanya. Alam niyang may kinalaman iyon sa kumakalat na issue sa mga social media account nito. Alam niyang tungkol doon kung bakit gusto siya nitong makausap. "Hello?" Medyo

