SIX YEARS LATER... "ARGOS" Napahinto si Olivia sa pagluluto ng dinner nila nang marinig niya ang boses na iyon ng kapatid na si Oliver Pagkatapos niyon ay tumingin siya sa kanyang likod. "Tito Oliver!" wika naman ni Argos sabay tayo mula sa pagkakasalampak nito sa sahig at patakbong lumapit ito kay Oliver na kakapasok lang sa bahay nila. Hindi naman napigilan ni Olivia ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makitang nagpabuhat si Argos kay Oliver. Nakangiting binuhat naman ni Oliver ang pamangkin nito. "May pasalubong po ako, Tito Oliver?" tanong ni Argos sa kapatid ng matapos nitong ipulupot ang dalawang kamay sa batok ni Oliver. "Of course," nakangiting sagot naman ni Oliver dito. Pagkatapos niyon ay gamit ang libreng kamay ni Oliver ay itinaas nito ang hawak nitong isang k

