NAGISING si Olivia na may mabigat na bagay na nakadagan sa kanya. At nang magmulat siya ng mga mata ay napakunot noo siya nang medyo madilim ang nakita niya. Bahagya naman niyang inangat ang mukha at doon niya na-realize kung bakit medyo madilim ang nakita niya ay dahil nakasubsob pala siya sa matitipunong dibdib ni Alexis. At ang mabigat na bagay na nakadagan sa kanya ay ang mga bisig nito. Nakayakap kasi ito sa kanya ng mahigpit. Tumingala naman siya. At parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya nang makita niya ang nakapikit na mukha ni Alexis. At mukhang mahimbing ang pagkakatulog nito dahil sa mabining paghinga nito. At dahil tulog ito ay nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon na pagmasdan ito. Alexis is really handsome. Mula sa makamapal nitong kilay, sa matangos nitong ilon

