"COME IN, Olivia," wika ni Alexis ng buksan nito ang pinto sa bahay nito ng makarating silang dalawa do'n. Pumasok siya sa loob ng bahay. Naramdaman naman niyang sumunod si Alesis na pumasok. Naramdaman din niya ang pagsara nito ng pinto. At mayamaya ay napaigtad siya ng maramdaman niya ang pagpulupot ng braso nito sa baywang niya mula sa likod. "A-alexis...." sambit naman niya sa pangalan nito. Mas lalo namang humigpit ang pagkakayap nito sa likod niya. Naramdaman nga din niya ang pagpatong ng baba nito sa balikat niya. "Let me hug you, Olivia," bulong naman nito sa kanya. Sa halip naman na magbigay komento sa sinabi nito ay hinawakan niya ang kamay nitong nakapulupot sa baywang niya. Pagkatapos niyon ay binaklas niya iyon at saka siya humarap dito. May napansin naman siyang

