Nang magising ako ay alam kong nasa hospital na ako. Bumungad sa akin silang lahat kasama na roon ang naka ngising aso na si Zella. Hindi ko alam kung bakit naman kaya siya nangingiti ng ganyan. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" sabay nguso niya sa may ano ko. Nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin at agad bumalik sa akin ang hiyang naramdaman kanina. "GG, how are you feeling?" tanong ni Mac pero hindi maitago ang pilyong ngiti sa labi niya kaya inirapan ko siya. "That's normal, I guess," si Taiden. Sinipat siya ni Zella kaya napatikom ang bibig ni Taiden. "Hindi kasi makapagpigil. Akala mo naman mauubos." Umiling si Zella at mahinang nagtawanan ang mga kalalakihan. "Pwede ba, lumabas na muna kayo? Mga tsismoso. Hindi naman kayo kailangan dito," pairap na giit ni Suzie. Nagpaalam ang

