Nakatalikod ako at narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa kwarto. Agad inatake ang ilong ko sa sabon na ginamit niya, at sabon ko iyon! Narinig ko rin na tumikhim siya. "You aren't good in pretending. Quit it," saad niya at namilog ang mga mata ko sabay baling ko sa kanya at nariyan na ang pilyo niyang ngiti. Ibinaling ko ang mga mata ko sa itaas dahil tuwalya lang ang tanging suot niya at kasing hagupit ng ulan ang kalooban ko ngayon. "Hindi naman talaga ako tulog." Kung naririnig ko lang ang mga anghel ngayon ay paniguradong tuwang-tuwa sila dahil hindi man lang ako nautal kahit sobrang kaba ko na! Bakit ba ako ganito? Para namang virgin, GG, ah! Bakit ko naman naisip na may mangyayari sa amin? Gano'n na ba talaga ka halay ang pag-iisip ko? Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama kahi

