Buong gabi kong inisip ang sinabi niya. "So near, yet so far." Bakit niya nasabi iyon? May ibig ba siyang sabihin? Pinipilit ko sa sarili ko na isang pagkakamali lang ang nangyari sa amin noon. Bata lang ako nang manyari iyon.Wala pa sa tamang pag-iisip,gumagawa ng bagay na hindi man lang napag-isipan ng mabuti.Isang lalaki lang din siya,kinukuha kung ano man ang nakahanda. Kung maibabalik ko lang sana ang panahon...pero hindi ako nagsisisi na dumating sa buhay ko ang kambal. Nagtataka lang ako sa nararamdaman ko kung bakit...parang pamilyar ito. "Mama! Mama! Gising na!" narinig kong sigaw ni Elle habang palundag-lundag sa kama. Kinusot ko ang mga mata ko at dinaganan agad ako ng dalawa. "Anong oras na ba, ha? At ang aga niyong nagising?" tanong ko sa dalawa. "It's already 8am, Mama."

