Kabanata 21

1677 Words

Pinili kong mag-ayos sa kwarto ng mga bata. Hindi kamahalan ang bahay na ito dahil medyo kailangan mo siyang ayusin. Kagaya ng mga pintura at mga sira-sirang parte ng bahay. May mga maayos naman na bahay na binibenta dito, pero hindi pa namin kayang bilhin. Okay na rin naman ito kaysa sa bahay namin noon at sa probinsya. "Hindi ako makahinga, GG." ani Amalia habang tinutulungan ako sa pagpipintura ng dingding. "Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalala kong tanong sa kanya, pero iba ang nakikita ko sa mukha niya. Inirapan ko siya at bumalik na lang sa ginagawa habang naririnig ko siyang humahalakhak. "Puro ka kalokohan" dagdag kong sinabi. "Bakit? Kalmado lang ba diyan ang kalooban mo kahit andiyan siya?" nahimigan ko panghahamon sa boses ni Amalia sa tanong niya sa akin. "Oo naman."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD