Tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin, parang may mali. Si Tatay lang naman ang bibisitahin namin pero mukha pang date ang ayos ko! Tumayo ako at agad nagtungo sa closet at namili ng ibang masusuot. Pero nasa gitna ako ng paghahalungkat ng iba kong damit nang may naisip. Bakit ako magpapalit? Ito ang gusto kung suotin, pake ko ba sa Elton na 'yon. At isa pa, hindi naman para sa kanya ang pag-aayos ko ah. Kaya imbis na magbihis ay bumalik ako sa salamin para tingnan ng huling beses ang sarili. Inalog ko ang ulo ko nang bigla akong nangiti sa salamin. Plain black skirt at may bralette na puti. May kapares din ang skirt na itim na blazer. Bigay sa akin ito ni Amalia noong kaarawan ko at hindi ko pa nagagamit dahil hindi ko alam kung kailan ko ba dapat isusuot ang damit na ito. Sabi naman

