Narating namin ang isang building na mukhang pag-aari nila dahil sa nabasa kong pangalan sa naturang building. Nagtataka ako kung bakit dito niya ako dinala. Andito si Tatay sa building nila?Agad kaming sumakay sa elevator papuntang...rooftop? Dahil sa sobrang pagtataka ko ay hindi ko na napigilang magtanong. "Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko at napatingin siya sa akin. Inilahad niya sa akin ang kamay niya at nagtataka ako sa ginagawa niya. "Trust me, please..." giit niya at tiningnan ko pa siya ng isang beses bago ko nilagay ang kamay ko sa ibabaw ng palad niya. Bumukas rin ang elevator at namangha ako nang makitang helicopter iyon na papaandar pa lamang. "Bakit tayo sasakay diyan?! S-Saan ba talaga tayo pupunta?" nag-aalalaa kong tanong. Bakit kailangan pa naming sumakay ng he

