Hindi ko na namalayan kung paano ako nakauwi. Ang huling naalala ko na lang ay ibang tao ang naghatid sa akin at hindi si Elton. Hindi siya sumabay sa akin sa pag-uwi at iyon na yata an huli naming pagkikita. Walang akong pakialam sa byahe kahit hindi na matigil ang luha ko hanggang sa nakauwi ako. Nagpapasalamat ako at nandiyan si Amalia para pakinggan ang mga hinanakit ko. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa islang iyon. Ang hirap tanggapin ng lahat. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula at aling parte ng puso ko ang uunahin ko. "Anong gagawin mo ngayon, GG?" nag-aalalang tanong ng kaibigan ko sa akin habang nakaupo ako sa kama at nakapatong ang baba ko sa tuhod ko. Hindi ako nakasagot. Ano ba dapat ang gagawin ko? May gusto man akong gawin, hindi rin naman pwede. Naaawa ako

