Kalbaryo para sa akin ang bawat araw na pagising ko. Kung sa ibang tao, ito ay grasya pero para sa akin ay hindi. Sa bawat araw na nagdaan, mas lalo kong nararamdaman ang katotohanang wala na nga siya. Gustuhin ko mang baliwalain ang nangyari pero ang hirap, sobrang hirap. Kung alam ko lang sana na gano'n ang mangyayari, sana napigilan ko siyang umalis. Mas lalo pang dumagdag sa sakit sa kalooban ko ang makitang nasasaktan rin ang mga anak ko sa pagkawala ni Elton. Totoo nga ang sinabi nila na saka mo na makikita ang kahalagahan at importansiya ng isang tao sa buhay mo...kung wala na siya. Laman ng mga balita kahit saan ang nangyari kay Elton. Simula rin no'n ay palagi kaming binibisita ng mga kaibigan niya 'gaya ng pangako nila. At ang perang ibinigay ni Elton para sa amin ay ayaw na ay

