“I THINK I should go to my room.” Kahit na ganoon ang sinabi ni Bea, hindi pa rin niya mautusang gumalaw ang kanyang katawan. Kasalukuyan siyang nakahiga sa malaking kama ni Ryan. She didn’t know a bed could be that comfortable and divine. Hindi gaanong malambot ang mattress. Maging ang mga unan nito ay perpekto sa laki at lambot. Nanlalambot pa ang buong katawan ni Bea. Hindi pa nanunumbalik sa normal ang kanyang paghinga at t***k ng puso. She was getting sleepy but she tried so hard to keep her eyes open. Hindi niya sigurado kung nais siyang makatabi sa kama ni Ryan. They had shared a bed in the past ngunit sa mga hotel suites nangyayari iyon. Baka naman kasi ibang usapan kapag sa tahanan na nito. Tumagilid ng higa si Bea sa naisip. Pilit niyang inipon ang natitirang lakas upang makaba

