NAGIGISING NA ang diwa ni Bea ngunit hindi siya nagmulat ng mga mata. She was warm and comfortable. Nakadapa siya katulad ng madalas na puwesto niya kapag nagigising. Malikot siyang matulog. Si Mattie ang unang nagsabi niyon sa kanya sa dami ng sleepovers na ginawa nila.
Unti-unting tumimo sa kanyang isipan na parang hindi ang pamilyar niyang kama ang kinalalagyan. Ni hindi siya sigurado kung sa kama nga siya nakadapa. Nagsimulang dumama ang kanyang mga kamay. She felt something silky and firm. Hindi iyon bedsheet. May nadarama rin siyang kung anong nakakakiliti sa kanyang pisngi.
Mabilis na nagmulat ng mga mata si Bea. Mas nanlaki pa ang kanyang mga mata nang makumpirma na sa isang lalaki siya nakadapa. Gising na gising na ang kanyang diwa nang mga sandaling iyon. Maingat niyang iniangat ang kalahating katawan upang mapagmasdan niya ang anyo ni Ryan na nahihimbing pa rin sa pagtulog. He looked so divine and just gorgeous. His beauty was stunning. Tumubo na ang stubbles nito na mas nagpadagdag ng kariktan nito.
Nagsimulang gumalaw si Ryan. Natigil nang ilang sandali sa paghinga si Bea. Muli lang siyang huminga nang bumalik sa pagtulog ang binata. Nais pa sana niyang pagmasdan ang napakagandang tanawin ngunit binubulungan na siya ng rasyunal na bahagi ng kanyang isipan.
The time for fun is up, Bea. It’s time to be an adult now. A responsible adult.
Ingat na ingat niyang inalis ang sarili sa ibabaw ni Ryan. Napaungol ang binata na waring nagpoprotesta ngunit hindi naman ganap na nagising. Ingat pa rin ang bawat galaw na tinungo niya ang banyo. Naisubsob niya ang mukha sa kanyang mga palad habang nakaupo sa may toilet. Hindi niya sigurado kung ano ang unang mararamdaman niya ngayong nagbalik na sa kanya ang lahat ng nangyari noong nakaraang gabi. Hanggang sa kasalukuyan ay ramdam pa rin niya ang panlalambot ng mga binti. Hindi na niya matandaan kung ilang beses niyang narating ang rurok sa buong magdamag. He was that good.
Nagising si Bea sa mga halik at haplos nito. Hinayaan niya si Ryan na gawin ang lahat ng nais nito sa kanyang katawan. She was too willing. She begged so many times during the night. It had been the best night of her life.
Walang maramdamang guilt o pagsisisi si Bea sa kasalukuyan. Nanumbalik ang ilang pag-aalala, gayunpaman. Hindi basta-basta na lalaki si Ryan. He had been the man of her fantasies. Ang celebrity na hinahangaan niya nang labis. But he was also her best friend’s ex boyfriend. The guy she almost married. Oo nga at hiwalay na ang dalawa at nagpakasal na sa ibang lalaki si Sunday Blue ngunit hindi pa rin gaanong komportable si Bea. Sa dinami-dami ng lalaki sa buong mundo.
Idagdag pa ang mga issue niya sa pakikipagrelasyon. Siguro ay napaso na siya nang tuluyan sa pag-ibig at pakikipagrelasyon pagkatapos ng kinahinatnan ng relasyon nila ni Alvin. O siguro ay napagtanto niya na kaya naman pala niya kahit na hindi nakasandal at umaasa sa isang lalaki. Kaya niyang buhayin ang sarili niya at ang kanyang anak. Kaya niyang maging matagumpay dahil pinagsumikapan niya. Sa loob ng maraming taon ay hindi siya naengganyo na makipagrelasyon o humanap ng makakasama. Dahil kaya niyang maging masaya at kontento kahit na wala siyang lovelife.
At bakit ba ganoon na ang takbo ng kanyang isipan? Hindi niya sigurado kung ano ang ibig sabihin ng nangyari sa kanila ni Ryan kagabi at masyado naman yata niyang pinangunguhan ang mga bagay-bagay sa naiisip. What if last night was just a hook up?
“Then it’s a good thing,” ang sabi ni Bea sa sarili kahit na alam naman niya na hindi siya lubos na naniniwala. “Hindi ko kailangan ng komplikasyon sa puntong ito ng buhay ko. Komplikasyon si Ryan. Hindi mo puwedeng hangarin ang isang relasyon kasama siya. Hindi mo kailangan ng lalaki. I have to get out of here.”
Nais sanang mag-shower ni Bea bago umalis ngunit nag-aalala naman siya na baka magising na si Ryan. Bigla ay naduduwag siyang harapin ang binata sa umaga. Nahihiya siya. Hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan, kung ano ang mga angkop na salita na sasabihin. Mabilis siyang naghilamos at nilinis ang ilang bahagi ng katawan. Maaari siyang maligo mamaya sa sarili niyang bahay. Isinuot niya ang isang bathrobe na nakasabit doon.
Maingat na lumabas ng banyo si Bea. Sinilip muna niya kung gising na si Ryan bago siya ganap na lumabas. Nahihimbing pa rin sa kama ang binata. May masidhing hangarin siyang nadama. Nais niyang bumalik sa kama at maramdaman uli ang init na nagmumula sa katawan nito. Nahirapan man, nagawa pa rin niyang pigilan ang sarili. Isa-isa niyang dinampot ang kanyang mga kasuotan. Pinakanahirapan siyang hagilapin ang kanyang panties. Nahanap niya iyon sa ilalim ng isang console. Mabilis niya iyong isinuot kahit na mas nais sana niya ng fresh panties.
Napagpasyahan ni Bea na sa labas na lang ng silid isuot ang sapatos. Hawak na niya ang doorknob at akmang pipihitin nang matigilan siya. Nais niyang umalis na roon, umiwas sa komprontasyon o anumang pag-uusap na mamamagitan sa kanilang dalawa ni Ryan kung mananatili siya. Ngunit may malaking bahagi pa rin sa kanya ang nais tumutol. Tama bang umalis na lang basta? Gagayahin niya ang mga babae sa mga napapanood at nababasang rom-com? Ngunit hindi pa siya talaga handa. Pinihit niya ang doorknob.
“Wow, you’re really gonna leave without saying good-bye.”
Napapitlag si Bea at pakiramdam niya ay tumalon palabas ang kanyang puso nang marinig ang pamilyar na tinig ni Ryan. Muli niyang naisara ang pintuan ng suite at nilingon ang kinaroroonan ng kama. Nakaupo si Ryan at nakatingin sa kanya. Nakangiti ang binata ngunit hindi nasisiyahan. Kahit na sa distansiya ay nakita niya ang inis at pagkayamot sa mga mata nito. Hindi niya marahil masisisi ang binata na mainis sa kasalukuyang inaasal niya.
“I... I’m s-sorry,” ani Bea. “I just... need to go get my kid and go home.” Mariin niyang nakagat ang ibabang labi. Isang bahagi sa isipan niya ang nais hablutin pabukas ang pintuan at tumakbo palayo ngunit mas nanaig ang bahagi na nais manatili at magpaalam nang tama.
Bumaba si Ryan sa kama at iniunat ang katawan. Napatitig siyempre si Bea sa napakaperpektong kahubdan. Hindi rin niya napigilan ang paglalaway. Kanyang nabatid na hindi niya gaanong nabistahan nang tama ang mala-Adonis na katawan na iyon kagabi. In the morning light, he was a god. Did she really had him last night?
“We both know you’re just making an excuse,” ang tugon ni Ryan. Tinungo nito ang personal refrigerator at naglabas ng isang bote ng tubig.
It took so much effort to concentrate on what he was saying. Nakatuon ang kanyang mga mata at atensiyon sa mata nito. “C-can you put some clothes on, please?” ang pakiusap ni Bea. Itinuon niya ang mga paningin sa mukha nito upang hindi siya ganap na bumigay. Hindi rin iyon nakatulong dahil ang ganda ng ngiti nito. Nabura na ang inis sa mga mata nito. Naroon sa halip ang pinaghalong pagkaaliw at panunudyo.
“You’re still blushing?” ang pamumuna ni Ryan, nagsasayaw ang mga mata sa kaaliwan. “After everything that happened last night?”
Napabuntong-hininga si Bea. Nahirapan man, ibinaling na muna niya sa ibang direksiyon ang mga paningin. “What happened last night...” Tumikhim siya bago nagpatuloy. “What happened to us last night was a—“
“Don’t,” ang maagap na pamumutol ni Ryan sa nais sabihin ni Bea. “Don’t say it’s a mistake because we both know you’d be lying.”
Sunod-sunod na napalunok si Bea. Iyon nga sana ang nais niyang sabihin. At tama rin ang sinasabi nito tungkol sa pagsisinungaling.
“We’re both adult. We both wanted what happened. We chose to give in to the urge—finally. I don’t wanna believe everything that happened last night was a mistake.”
“You’re right. I’m sorry.” Napansin ni Bea na kanina pa siya humihingi ng paumanhin. “I’m very new with this. I don’t do something like this.” Hinayaan niya ang sarili na tumingin uli kay Ryan. He was already looking at her.
“I know. You’re not the type. I know you’re freaking out. You’re not sure how to deal with this, with what happened.”
Sunod-sunod na napatango si Bea. Nagpasalamat siya sa nakikitang pag-intindi sa mga mata nitong nakatunghay sa kanya. Bumilis ang t***k ng kanyang puso nang makita na palapit sa kanya ang binata.
“You’re still naked,” ang sabi ni Bea na waring hindi pa iyon obvious. Nabitiwan niya ang hawak na sapatos at napaatras. Tumama ang kanyang likuran sa pintuan.
Mas lumawak at mas tumamis ang pagkakangiti ni Ryan. “And we’re back to where we started.” Pumaikot ang mga braso nito sa kanyang baywang, yumuko at walang abog na sinakop ng mga labi nito ang kanyang mga labi.
Bea’s mouth automatically opened for him. Napakapit siya sa braso nito nang mas hapitin siya nito palapit. Pinatuloy niya ang dila nitong nais makipaglaro uli sa kanyang dila. Tinangay ng hangin ang lahat ng plano niyang pag-ali. Mabilis na nahubad sa kanya ang mga damit. Ang sunod niyang namalayan ay nasa kama na silang muli ni Ryan.