PILIT NA NAGPAKATATAG si Bea kahit na gustong-gusto na namang bumigay ng kanyang katawan sa “paglalambing” ni Ryan. “I really, really have to go,” ani Bea na napapaungol. Pinigilan na niya ang mga kamay ni Ryan na patungo sa mga pinakasensetibong parte ng kanyang katawan. Kanina pa nito hinahagkan ang kanyang leeg at likod ng tainga. Sa kanyang palagay ay nahanap na ni Ryan ang lahat ng kiliti niya sa katawan. Lumuwag ang pagkakakapit ni Ryan kay Bea at mabilis niya iyong sinamantala. Lumayo siya at bumaba sa kama. Hinila niya ang blanket at ibinalabal sa katawan. Prente namang nahiga si Ryan sa kama at sinundan ang kanyang bawat galaw. “You can stay here as long as you want, you know that,” ang sabi ng binata sa nang-aakit na tinig. “All you have to do is call.” Iyon din ang kanina pa

