Nakahanda na ang isang magandang ngiti nang buksan ni Bea ang pintuan. Hindi isang Asuncion o Carillo ang nasa labas ng pintuan. It was Ryan. Unti-unting nabura ang ngiti sa kanyang mga labi at bahagyang namilog ang kanyang mga mata. Kahit na paano ay inasahan na niya na magkikita sila bago umalis ng bansa ang binata at inasahan niyang handa na siya pagdating ng sandaling iyon. Hindi niya inaasahan ang binata ngayong gabi sa kanyang bahay at lalong hindi siya handa sa “the talk.” Nginitian siya ni Ryan. Pakiramdam ni Bea ay matutunaw siya sa ganda ng ngiti nito at sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. He was looking at her like he was remembering everything that happened between them in bed—and against the wall. He was looking like he wanted to devour her again. Over and over. Parang sasa

