18

2061 Words

DUMATING DIN SA punto si Bea na hindi na rin niya gaanong natiis si Ryan. May dalawang araw na tumigil sa pagtawag at pagpapadala ng mensahe ang binata at inakala niyang sinukuan na siya nito. Iniyakan niya iyon at nainis na naman siya sa kanyang sarili na hindi malaman kung ano ang talagang nais. Nakaramdam siya ng relief nang muling tumawag si Ryan. Nang araw na iyon ay manipis yata ang kanyang self-control. Hindi niya maipaliwanag ang sidhi ng kanyang pangungulila. Waring hindi siya makapaghintay na marinig ang tinig nito. There was an ache at the center of her chest. “Wow, you answered,” ang pambungad na wika ni Ryan na waring hindi nga gaanong makapaniwala nang sagutin niya ang tawag nito. Nawala ang nadaramang kirot sa dibdib ni Bea nang marinig ang tinig ni Ryan. Parang umayos din

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD