Nang makauwi sa unit ay kaagad akong nagkulong sa kwarto, pabagsak pa akong naupo sa may center table at saka binuksan ang laptop. Doon ko ginawa iyong bagay na kailanman ay hindi pumasok sa utak kong magagawa ko. Matapos mai-print iyon ay halos manginig ang mga kamay ko nang mahawakan ko ang isang piraso ng papel— ang resignation letter na ipapasa ko bukas sa Monte Alba Hospital. Wala ito sa plano, pero ngayon ko naisip na kailangan ko rin palang magpahinga. Almost twenty years din ng buhay ko ang iginugol ko sa loob ng hospital, nagmistulan akong preso na ngayon lang makakalaya. Gusto kong magpahinga, para mas maalagaan ko iyong sarili ko. Hindi ko alam ang mga posibleng mangyayari pa, pero sobrang aware ako sa mga babaeng nagbubuntis ng ganitong edad. It's either a successful, or no

