Chapter 87

1099 Words

Dumating ang araw kung saan ang napagpasyahan kong pupunta sa bahay, para bisitahin si Lolo. Pasado alas sais na ng umaga, maaga akong nagising dahil na rin sa pagsusuka ko kanina. Mabuti nga at nariyan si Kidd, sa nagdaang araw ay hindi niya ako pinabayaan. Bagkus ay mas inalagaan pa ako nito, tila ba siya iyong naging kamay at paa ko sa tuwing nahihirapan akong gumalaw. Hindi niya ako iniwan, knowing na buntis ako ay nagmukha na itong tarsier na ayaw akong pakawalan. Mas naging clingy niya, roon ko naramdaman iyong pagpapahalaga ng ibang tao, kaysa sa sarili kong ama. Mas naging importante ako sa iba, kaysa sa pamilya ko mismo. Kay Kidd ko nalaman na may halaga pala ako, na pwede pala akong mahalin, na importante rin pala iyong presensya ko. Wala sa sariling napabuntong hininga ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD