Sa palagi kaming magkasama ni Kidd ay ngayon na lang nito nagawang kunin ang phone number ko. Mayamaya pa nang tumango ako, saka mabilis ding tinipa ang numero ko roon, bago ibinigay sa kaniya. "Mukhang mami-miss kita," segunda ni Kidd, kaya tuluyan nang umalpas ang masayang ngiti ko. "Para namang mangingibang bansa ako," tumatawang saad ko. Siya namang paghapit nito sa batok ko, kapagkuwan ay wala nang sabi-sabing inangkin ang labi ko. Nagulat man ay kusa na rin akong napapikit, kinabig ko ang leeg nito at doon ay sinuklian ko ang mapaghanap niyang mga halik. Hindi pa nagtagal nang mamalayan ko na lang na naroon na ako sa tapat ng bahay namin. Malakas akong bumusina sa malaking gate na iyon, mayamaya lang nang awtomatikong bumukas iyon at kagaya ng parating naaabutan, isa-isang pumila

