Kinabukasan nang magising ako na masakit ang likod, naalimpungatan pa ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Kaagad ko iyong inabot upang patayin ang alarm clock. Ngayon ang kaarawan ni Jasmin at kapag sumasapit ang araw na ito ay nagli-leave ako. Sa nagdaang twenty one years na nabubuhay siya sa mundo ay walang palya akong uma-attend sa birthday party nito. Lahat ng pangyayari sa buhay niya ay naroon ako, maliit o malaki mang kaganapan iyon ay nagagawa kong maisingit sa kabila ng trabaho ko. Ganoon ako napamahal kay Jasmin. Kaya hindi nila ako masisisi kung mas pipiliin kong lumigaya si Jasmin, na mas gusto ko siyang nakikitang masaya kaysa sa iba— kaysa sa sarili ko. Ganoon ko siya kamahal na mas gusto kong magtiis. Total ay kaya ko naman, kung hindi ay kakayanin ko. Wala naman akong i

