Hindi pa nagtagal nang makalabas kami sa resto ni August. Tantya ko ay alas tres na ng hapon, kaya nagpasya na rin akong umuwi dahil gusto kong magpahinga at matulog ngayon. Nang malapitan ang kotse ko na naroon lang sa mismong tapat ng resto ay huminto ako, saka ko pa nilingon si August na ngayon ay malaki ang pagkakangiti habang nakatanaw sa akin. Ang saya ng mukha nito, tila ba kayhirap siyang saktan at magdadalawang-isip kang gawan ito ng masama. Mabuting tao si August at isa iyon sa mga rason ko kung bakit ayoko ring guluhin ang mundo nito. "Maraming salamat at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko, Andrea," kalaunan ay sambit nito dahilan para suklian ko iyon ng masayang ngiti. "Ako nga dapat ang magpasalamat at talagang nag-abala ka pang lutuan ako." Mahina pa akong natawa, siya nama

