Chapter 73

1099 Words

Huminga ako nang malalim, bago nilingon si August na abala ngayon sa kaniyang ginagawa sa loob ng kitchen. Nandito na kami sa resto na pagmamay-ari niya at katulad ng nakaraang pangako nito ay lulutuan niya ako. Tanaw ko pa rito ang matikas na likod ni August, ang balikat nito ay gumagalaw sa bawat paghalo niya sa kaniyang niluluto. Nakasuot pa ito ng kulay puting apron, kagaya ng mga tagaluto na kaniya-kaniya ring may ginagawa mula roon. Sa nakaraang bisita ay sa counter table ako ulit pumwesto, kung saan kaharap ang kitchen, kaya lahat ng galaw ni August ay napapanood ko. Lunch time na, kaya rin ay marami ang tao sa loob ng restaurant. Naroon sila sa bandang likuran ko, hindi ko nga akalain na ganito ito dadayuhin ng mga tao gayong medyo malalayo ang ilang building sa paligid. Kalapit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD