Talaga bang pumayag si August na isama ang lalaking ito? Halos magsalubong ang dalawang kilay ko nang makita ang labis na saya ni Kidd na siyang nangunguna pa sa paglalakad namin. Nagmukha lang siyang anak namin ni August na ipinapasyal namin sa isang parke. Nang marahil maisip ang nasa utak ko ay mabilis kaming nilingon ni Kidd, kapagkuwan ay lumapit sa tabi ko. "May dala ka bang kotse, Kuya August? Ako, sasabay na lang sa kotse ni Andrea," maligalig nitong pahayag, saka pa ako dinungaw na naroon sa gitna nila. Natanaw ko ang paglalaro ng nakalolokong ngiti sa labi nito, kaya alam kong natutuwa ito na pinagtitripan si August. At imbes din na sinasanay ko na ang sarili na malayo sa kaniya ay heto siya at ginugulo ako. Hindi maiwasan ay irapan ko ito— 'yan, ganiyan nga dapat. Sa ngalan

